Chapter 36

21 1 0
                                    


Lance's POV

Nanginginig ang mga kamay ko, at alam niya 'yun. Humawak siya saglit sa mga pisngi ko para pakalmahin ako.

Buong gabi lang kaming gan'un. Magkadikit ang mga noo at nakatingin sa isa't isa na para bang kaming dalawa lang ang tao 'dun sa gym.

Sana.... Sana hindi na matapos 'tong gabing 'to.

**

"AARAAAAAYYYYYY!!"

"Uy Jeff! Tumahimik ka nga!"

Naglalaro kami ngayon ng Bato-Bato Pick sa may gym kasi wala kaming magawa. Laging natatalo si Jeff kaya namumula na yung noo nya kakapitik naming. Bwahahaha.

"Nasaan na ba si Paolo? Akala ko bibili lang ng pagkain natin, tapos di na bumalik."

"Parang siya..." Hugot bigla ni Marco.

"Oy dali ako at si Marco naman!" Pinaalis ni Franz si Jeff sa kinauupuan niya tsaka siya umupo dito at nakipaglaro kay Marco.

Nasaan kaya sila? Ilang araw na rin naming silang hindi nakakausap. Isang linggo na ang nakalipas matapos ang huling prom namin. At sa mga araw na 'yun, pakiramdam ko umiiwas si Tiffany sa akin.

.......

Miss ko na siya. Sobra.

"HUY!" Binatukan ako ni Jeff kaya bumalik sa riyalidad.

"Gago ka!" Tinulak ko siya palayo pero mabilis siya ulit nakalapit at umakbay sa akin.

"Ganda ba 'nung puno? Shet, green na green 'yung mga dahon oh."

>.>

"H-ha?"

Pinanliitan niya ako ng tingin. Parang unggoy amputa.

"Kilala ko crush mo." Sinabi niya tsaka nagpabebe.

Nakakadiri.

Hindi ako sumagot at yumuko lang.

"Alam ko kung nasaan sila."

Napatingin ako kay Jeff dahil sa sinabi niya.

"Sinong sila?" Biglang nakisawsaw sina Marco at Franz.

Tumabi sa akin si Marco tsaka ako inakbayan. "Ikaw ah. May bago ka nanaman."

Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo. "W-wala ah!"

"Naku Lance. Style mo bulok!" Sabi naman ni Franz kaya sinuntok ko siya sa may balikat. Mga gago talaga 'tong mga 'to.

"Tiffany Lopez."

Napatigil kaming lahat sa paghaharutan 'nang madinig naming banggitin ni Paolo na kararating lang ang pangalan niya.

"Nililigawan mo si Tiffany Lopez?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"A-ah..."

Lumayo sina Franz at Marco sa amin ni Jeff.

"S-seriously?"

Nagsimulang tumawa ng malakas si Franz. Sinabayan naman siya ni Marco.

"Nice one bro!" Sabi ni Franz habang tinatapik ang balikat ni Paolo.

"Di nga, Lance. Balitang balita kayo sa buong campus." Dagdag ni Paolo.

Agad na huminto ang paghalakhak nila Franz at Marco. "What in the world?!?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon