Chapter 28

17 1 0
                                    


Tiffany's POV

"Tiffany? Bumaba ka na, aalis na tayo."

"Opo ma!"

I'm currently typing a reply to Jenikka. Yup, it's Christmas day. Kaya naman pupunta kami sa province namin for a family reunion. Nakagawian na rin kasi namin 'tong gawin twing pasko.

Nagpaalam na ako kay Jenikka at magla-log out na sana. Pero napansin ko 'yung pangalan ni Daphne sa may gilid ng screen. She's online.

Batiin ko nga. Baka sakaling magreply.

Hi Daphne! :) Merry Christmas! Enjoy your day and Godbless! :)

Pagkasend ko 'nun, mga ilang minuto pa akong naghintay ng reply. Pero after 10 minutes, nag-off line na siya. Sabi na eh. Hindi naman ako rereplyan 'nun. Nag-abala pa ako.

Hmp. Makababa na nga lang.

She's still mad at me until now. Gan'un ba talaga katindi 'yung nagawa ko sa kanya dati? Mukhang hindi niya ako naintindihan 'nung sinabi kong binlock-mail ako ni Lance.

Ang gulo lang. Si Lance 'yung dahilan kung bakit nagkagalit kami ni Daphne, pero nagagawa ko paring makipag-usap, at sumama sa kanya. Siguro dahil naintindihan ko 'yung dahilan kung bakit niya nagawa 'yun.

Sana, si Daphne rin, maintindihan ako.

--

Lance's POV

"KUYA!! AKIN NA 'YAN!"

"Ayoko nga! Hahahahaha!"

Kanina pa kami naghahabulan ni kuya sa kusina. Papansin kasi. Kinuha niya 'yung bowl ko ng fruit salad at unti-unti niya 'yung inuubos. Bwisit!

"Bakit ba ayaw mong kumuha ng sayo!"

"Eh inubos mo 'yung nasa lamesa eh!"

"Hindi ko kaya inubos!! Bulag ka ba?"

Huminto siya sa pagtakbo sa harap 'nung lamesa at ipinakita sa akin 'yung malaking bowl na walang laman.

"Baka ikaw ang bulag."

At nagsimula na kaming maghabulan ulit.

"Luke, Lance, tama na 'yan."

Napatigil kami pareho sa pagtakbo 'nang dumating bigla si daddy. Nanlaki ang mga mata namin 'nang makita namin 'yung pinakahuling fruit salad na hawak-hawak niya.

"Daddy!! Bakit mo inubos 'yung fruit salad?!" Sinugod namin siya kaya natumba kaming tatlo. Natawa naman kami ni daddy dahil nasubsob 'yung mukha ni kuya sa bowl ng fruit salad na hawak niya kaya puting-puti siya.

"'Yan ang napapala ng mga taong sugapa sa fruit salad." Pabirong sura ni daddy.

"Kumusta ka naman, dad?" Sagot naman ni kuya. Napatingin kaming tatlo sa hawak ni daddy tsaka nagtawanan ulit. Hayyy. Nakakamiss 'to ah.

Tumayo na kaming at inayos ang sarili namin.

"Boys, magbihis kayo. May pupuntahan tayo."

"Saan ta—" Pinutol ni daddy ang sasabihin ni kuya.

"Bago ka magtanong, maghilamos ka muna. Ikaw naman, Lance, maligo ka na."

Tumango naman ako at umakyat na sa kwarto.

Mabilis lang ako nagshower. "Hayyy."

Habang nagbibihis, napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa mesa sa gilid ng kama ko. Picture namin 'yun nina daddy at kuya.

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon