Jenikka's POV
"Gusto ko na siya. Gusto ko na si Daphne."
Nagulat ako sa narinig ko. Tumingin ako kay Tiffany na nakatulala. Pagpasok palang namin ng pinto, may pasabog na agad 'tong dalawang asungot na 'to. Hanep.
"Uhh. Ehem."
Pareho silang tumingin sa akin ng masama. Wow. May ganap.
"Anong nangyare?"
Walang sumagot. Para akong nagtanong sa hangin. Umalis si Jeff at nagpunta sa kwarto niya. Si Lance naman, lumabas ng bahay. Si Tiffany, hanggang ngayon nakatulala parin.
"Huy. Okay ka lang?" Kinalabit ko siya.
"H-ha? Ahh oo naman." Ngumiti siya. "Uh sige, una na ko, mag-aayos pa ako ng gamit." Tapos umalis na rin.
Bakit ba nilalayasan ako ng mga tao ngayon?
Inamoy ko 'yung kili-kili ko. Hindi naman mabaho.
**
Ngayon na ang uwi namin. Mga 10 minutes palang kami nagbabiyahe pero malapit na talaga ako malamon ng kainipan. Wala manlang nagsasalita saming apat. Ayoko ring magsalita, wala rin namang sasagot.
Katabi ko ulit si Jeff sa unahan. Baka kasi magpatayan sila ni Lance kung sila magkakatabi. Kaya 'dun nalang siya sa likod katabi ni Tiffany. Hindi rin naman sila naglalapit. Hindi na gan'ung nahihilo si Tiffany kasi nakainom na siya ng gamot.
Pareho silang nakatingin sa bintana. Daig pa ang mag-asawang nag-away dahil sa utang. Napapailing nalang ako.
Nakakagutom naman.
Kumuha ako ng Boy Bawang sa bag ko at kinain ko 'yun. Binuksan ko 'yung bintana sa side ko para itapon 'yung supot. Naramdaman ko ang simoy ng hangin. Halos isang linggo nalang pala, pasko na.
Tinignan ko 'yung mga kasama ko.
Pero parang walang balak magcelebrate ang mga 'to.
Masyadong tahimik. Alam kong tahimik lang rin ako, pero hindi ako sanay sa ganito katinding katahimikan. Hindi kaya napapanis mga laway nito?
Hmp. Bahala na nga sila. Kinuha ko 'yung earphones ko at pumikit. Matutulog nalang ako.
--
Tiffany's POV
"Ayusin mo muna 'yung gamit mo, tapos mamahinga ka ah." Lumabas na ng kwarto ko si mama.
"Opo."
Tinanggal ko muna 'yung salamin ko at humiga sa kama. "Hayyy."
Napakarami.
Napakaraming nangyare sa lakad namin na 'to. Jenikka's right. I should've made myself ready. But I didn't. Because I thought everything will be fine after this. It seems that things just got worse.
Pero wala na eh. Nangyare na. The only thing I can do right now is to live life. Besides, after 10 years, none of this will matter anymore. Dadating rin 'yung araw na tatawanan ko nalang lahat ng mga nangyayareng 'to.
I was just staring at the ceiling when I felt something. Bumangon ulit ako at hinawakan ang mga mata ko. Bakit may tubig?
Posible pala 'to 'no. 'Yung hindi mo namamalayan, naiiyak ka na pala. Malalaman mo lang 'pag naramdaman mo 'nang basa 'yung mga mata mo. Cool.
Napaisip ako bigla. I'm not really sure of the reason why I feel so sad right now. 'Yung sa amin ni Daphne, hindi ko nalang masyadong iniisip.
Gusto ko na si Daphne.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Teen FictionPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...