Chapter 21

42 2 0
                                    

Lance's POV

"Hindi pa ba tayo uuwi?"

Nakakailang tanong na ako niyan kay Tiffany magmula pa 'nung nagsimula kami sa pagrereview. Friday ngayon at nandito kami sa library. Ang saya 'no? Exams na kasi next week. Pota.

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi ka nagseseryoso." Sagot niya. Ano ba 'yan!! Wala naman ako maintindihan sa mga pinagsasasabi ng babaeng 'to.Mas nakakabagot pa siya magturo kesa 'dun sa teacher namin. Tsaka, dumidilim na, ayaw pa huminto.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pag-idlip ko.

Tinignan niya ako ng masama. "Lance!" I shouted.

"Ano nanaman? Hawak-hawak ko na nga 'tong libro oh?!" Tsaka ko inilapit sa mukha niya 'yung libro. Baka kasi hindi makita eh.

"Wala kang marereview kung tutuluan mo lang 'yan ng laway mo!"

"Ha?"

Huminga siya ng malalim at halatang kinakalma ang sarili.

"Ako ba'y bulag para hindi makitang tinatakpan mo lang 'yung mukha mo gamit 'yang librong 'yan para hindi kita makitang natutulog!?!!"

Natawa ako bigla. Eh paano ba naman kasi, nagmukhang patani 'yung mukha. Hahaha.

"Nakakatawa ka. Lalo kang pumapanget." Tatawa-tawa ko sinabi tsaka ginulo ang buhok ko.

"Please? Please? Nagmamakaawa na ako? Magseryoso ka naman kahit ngayon lang." Sabi niya habang nag-aayos ng gamit. Hindi naman ako sumagot at pumangalumbaba lang sa mesa.

"Look, Lance. Nasabi mo na sakin dati na gusto mong tumulong sa daddy mo para sa company niyo, 'diba? Why don't you prove your dad na hindi lang 'yung panliligaw ng anak ng business partner niyo ang kaya mong gawin para makatulong sa company niyo? Na kaya mo rin 'yung ginagawa ng kuya mo? Para hindi mo na kailangang gamitin ang bestfriend ko. 'Diba? Ganyan naman kasi tayo minsan eh. Ang simple simpleng problema, humahanap pa tayo ng mas komplikadong na solusyon."

Tumayo siya sa kinauupuan niya. "Think about this. Lance, do this for your dad, for your brother, for nanay Lorie." I looked at my watch. "Gotta go. Pagabi na rin eh." Tsaka ihinagis sakin 'yung susi ng library at lumabas na.

Naiwan akong nakatulala sa kawalan. Hindi ko akalaing sasabihin ko 'to. Pero tama siya. Tama siya.

Huminga ako ng malalim at hinawi ang buhok ko. Paano ko naman gagawin 'yung sinasabi niya?

Masisisi niyo ba ako? Sino ba naman kasing tao ang gugustuhing mag-aral lalo na kung napakahirap naman lagi ng mga lesson niyo?

Tsaka, hindi naman magagamit 'yun 'pag nagtrabaho na. Ano 'yun? Kailangan mo bang i-recite lahat ng dynasties ng China 'pag mag-aapply ka ng trabaho? Sasabihin ba ng tindera na 2x+7=6y ang halaga 'pag bumili ka ng isang tray ng itlog? Kailangan ba talagang i-solve mo muna kung ilang oras ka magbabiyahe bago ka magdrive? Hindi naman 'diba?

Got my point?

Pero bahala na nga. Gagawin ko nalang. Para kay daddy. Ayoko 'nang magkunwaring gusto ko talaga si Daphne.

Pinagmasdan ko lang 'yung Physics book namin. This is it, pansit. Bahala na si batman.

--

Tiffany's POV

"Girls." Napatingin ako sa nagsalita. "Look who's here."

Vanessa. Ano nanaman kayang kailangan nito.

Pinalibutan nila ako ng mga kasama niya. "My dear Tiffany, bakit mag-isa ka lang? Where's your bestfriend? Or should I say, 'yung boss mo?" Tsaka sila nagtawanan. Hindi ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy lang ang pagbabasa ko. Waste of time lang kung papatulan ko pa.

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon