Chapter 24

27 1 1
                                    


Tiffany's POV

"Tristan?"

"Lance?"

"Tiffany?"

"Daphne?"

"Jeff?" Napatingin kami kay Jeff 'nang bigla niyang sabihin ang sarili niyang pangalan. Leche naman oh. Napakaseryoso na ng usapan, tapos bigla nalang sasawsaw at manggugulo.

"A-ah sige, mauna na kami." Paalam ni Jenikka sabay hatak sa braso ni Jeff.

Natulala at natahimik kaming apat. Naghihintayan kung sino ang unang magsasalita. Pero sa huli, ako rin 'yung nauna.

I shook my head. "Uhhh...s-so...what are you doing here?"

"I should be asking you the same question." Daphne said as she looked at us, confused and muddled.

Ilang segundo nanamang natahimik.

"We went here because we want to talk to you and... apologize."

Napangisi siya. "Apologize? Flirting with my ex-boyfriend, huh. Is that a way of saying an apology to you? How ironic." She said emphasizing the word 'ex'.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "What? Pero pinuntahan ka talaga namin dito para humingi ng—"

"Enough with the lies, Tiffany." She cut me out.

Unti-unti namang lumapit si Lance sa kanila ni Tristan habang umiiling. "Pinag-iniisipan mo kami ng masama, sino ba 'yung nahuli naming magkayakap? 'Diba kayo?"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ni Lance. "Wow. Am I really hearing that from you? Kung akala mo eh nakalimutan ko na 'yung ginawa mo sa akin, then you're totally wrong."

"Oh sige. Isumbat mo na sa akin lahat ng kasalanang nagawa ko sayo. Nambabae ako, ginamit kita, ano pa? Merong isang tangang nagpakita sayo ng mga pictures na nakikipaghalikan ako kay Aimee. Lahatin mo na!" Sabi ni Lance na parang naghahamon. "Pero sana lang, huwag mong tratuhin ng ganyan si Tiffany. Kung pagsalitaan mo siya, parang hindi kayo naging magbestfrie--"

"Nagsinungaling rin siya sa akin na parang hindi niya ako bestfriend."

We all didn't say a word. I felt like something just stabbed me. Kasabay n'un ang pagtulo ng mga luha ko.

"Daphne... Let's go." Sabi ni Tristan sabay hawak sa kamay ni Daphne.

"Pathetic." Sabi niya habang nakatingin sakin. Umalis na sila palayo ni Tristan kaya tumakbo nalang rin ako palayo. Sinundan naman ako ni Lance.

"Tiffany! Tiffany! Teka nga!" Humarang siya sa harap ko kaya napatigil ako. Pero hindi ko siya tinignan. Nakatingin lang ako sa baba habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Ba't ka ba umiiyak?" Tumingala ako sa kanya n'ang marinig ko 'yun at tinignan ko siya ng masama.

"Don't you get it?! What a stupid question. I lost her. I lost my bestfriend, at dahil 'yun sa pagiging makasarili ko. Kasi... k-kasi ang duwag ko eh. Kasi nagpadala pa ako sa pananakot mo eh. Kasi—"

Hindi ko na naipagpatuloy ang pagsasalita ko n'ang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Kaya lalo pang bumuhos ang emosyon ko. Naramdaman kong hinahagod niya 'yung likod ko.

"Bakit gan'un, Lance? Bakit umabot pa sa puntong siya na mismo 'yung magsasabi sa akin ng pathetic? Bakit ba naging ganito kagulo 'yung sitwasyon? S-sinubukan ko namang ayusin, 'diba? Pero bakit ganito? P-parang twing sinusubukan kong ayusin, lalong gumugulo."

Hindi naman siya sumagot agad.

"Sorry ah. Nadamay ka pa sa gulo ko. Tsaka, sorry. Hindi ko masasagot 'yung mga tanong mo eh. Eto lang ang kaya kong gawin ngayon. Pero... pero promise ko sayo, magiging maayos rin lahat."

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon