Chapter 10

61 5 4
                                    

Lance's POV

"Dahil kayang kaya kitang i-expell sa school, sirain ang magandang record mo, at kaya kong pabagsakin ang business nyo, sa isang utos ko lang sa mga tauhan ko. Apo ako ng may-ari ng Georgette High at alam ko ring walang binatbat ang kumpanya nyo kumpara sa kumpanya namin."

"Napaka-unfair mong lumaban, alam mo 'yon? Walang hiya ka. Pati pamilya ko, dinamay mo." Gigil na gigil niyang sinabi sa akin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaliwa ko.

"Kahit anong pagpigil ang gawin mo, malalaman at malalaman niya ang lahat! Ang kapal ng mukha mong pasakayin ako dito at sabihin 'yan sa harap ko!" Pagpapatuloy niya.

Sorry. Kailangan kong gawin 'to. Hindi pwedeng masira ang mga plano ko, namin. Hindi ko intensyong manakit o mandamay ng iba. Pero para sa mga mahal ko sa buhay, gagawin ko.

"Ano? Sasabihin mo pa?" Matipid kong sagot. Tsaka ulit ako tumingin sa kanya. Halata namang galit na galit siya sakin sa sinabi ko.

Nakita kong tumulo ang mga luha nya unti-unti. Peste! Kanina ang tapang-tapang pero ngayon iiyak-iyak?

Ilang sandali pa, ngumiti siya sakin. Kaya naman napakunot ang noo ko.

"Fine. You win. But let me do this first before we end up this b-ullshit business."

*PAK

Gulat na gulat ako 'nang sampalin niya ako ng malakas. Tsaka siya lumabas, kumuha ng malaking bato at ibinagsak sa harapan ng kotse ko.

"S-hit!" Tumakbo ako palabas at hahabulin ko sana siya. Pero nakaalis na rin siya ng mabilis kaya hindi ko na rin hinabol pa. Ayos. Kahit lampa, mautak. Pati kotse ko, dinamay. P-uta.

Kung hindi ko lang 'yun kailangan masyado, baka ipinadukot ko na ang babaeng 'yun.

May araw ka rin sakin.

**

"Oh! Lance! Ano nangyare sa baby mo?" Sabay turo ni Jeff sa kotse ko. Hindi naman ako sumagot at napalamutak nalang ako sa mukha ko.

"Gawa ng babae 'yan 'no." Singit ni Franz.

"Hindi. Baka gawa ng manok." Pambabara ko naman sa kanya.

"Tama na nga 'yan. Tara nalang sa bar ko. Libre ko na lahat ng orderin niyo."

"Yeeesss! Hanep ka Marco." Sabay suntok ni Paolo sa balikat niya.

"Anong hanep? Sino may sabing kasama ka? Maliban sayo! Hahahaha!" Tsaka sila nagharutan at nagbugbugan sa may parking lot."

"Sali ako!" Nakisali naman sina Franz. Tignan mo 'tong mga 'to. Parang mga abnormal. 4th year na, para paring kinder kung mag-away.

Naalala ko 'yung kanina. Parang binagabag ako ng konsensya ko dahil 'dun sa pagtulo ng luha 'nung babaeng 'yun. Ayaw mabura sa isip ko. Kahit 'nung nagdadrive ako papunta dito. Parang sobra naman ata 'yung nasabi ko sa kanya.

Shinake ko naman ang ulo ko. Eh! Ano bang pake ko 'dun? At, ang mahalaga parin sakin, 'yung magkatuluyan kami ni Daphne. Kung ano-ano nanaman pumapasok sa isip ko.

"Pare? Huy!" Sinampal naman ako bigla ni Jeff. Puro sampal inabot ko ngayon ah.

"Oh?!"

"Ano ba 'yan? Hindi ka pa pumapasok sa bar lasing ka na?" Tsaka sila nagtawanan. Mga bulol.

"H-hindi ah! Pinagsasasabi niyo?"

"Tutunganga nalang ba tayo dito? Baka naman gusto niyo ring pumasok?"

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon