Chapter 34

24 1 0
                                    


Lance's POV

"No."

._.

Seryoso ba 'to? No agad. Langya naman oh.

"Oh. Sige, okay lang."Huminga ako ng malalim at yumuko.

Hindi ako makapaniwalang nireject niya a-

"I mean...." Napatingin ako ulit sa kanya at hinintay ang susunod na sasabihin niya.

"Yes."

Napakunot ang noo ko. "Huh?"

"Yes."

Napangiti ako sa narinig ko. "Talaga?"

"Oo na. ._."

"Gulo mo kasi kausap."Nangiti kami pareho.

"When I said no, I meant, stop saying na 'kung ayaw mo, okay lang'. Because I will definitely say... yes."

"Weh?"

Natawa ulit kami. Yes naman pala eh kung ano-ano pa kasi sinasabi.

Saglit kaming natahimik. Inaya ko siyang umupo sa isa sa mga upuan 'dun.

Wooo. Lance. Hindi parin ako makapaniwalang tinanong ko si Tiffany sa prom..... at nagyes siya. Can't wait to dance with her.

Teka.... Ano?

"Question."

Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita siya bigla. Hindi ako sumagot at tumingin lang sakanya.

"Of all the girls sa campus, bakit ako ang tinanong mo........ Okay ka lang?"

Oo nga, Lance. Sa dinami-dami ng mga babaeng nagkakagusto sayo, bakit siya pa?

"Mmm.... Ewan." Nagkibit-balikat lang ako.

Tinignan niya ako at pinanliitan ng mata. Nilagay niya 'yung kamay niya sa noo ko at sa leeg.

"May sakit kaba? Baka naman nakainom ka, or something."

Kumunot ang noo ko. "Luh. Hindi ah. Isipin mo nalang kasi na... parang pagpapa-thank you ko na rin sa'yo 'to, sa lahat ng ginawa mo para sa akin."

Tumingin siya ulit 'dun sa view na tinitignan niya kanina. "Kung.... 'yun lang pala 'yung reason, then I'm telling you na you don't have to do this. Hindi mo kailangan mapilitan at ma—"

Hinatak ko siya kaya napaharap siya sa akin at hindi na natapos 'yung sasabihin. Hinawakan ko siya sa mga pisngi niya at inipit gamit 'yung mga kamay ko.

"What the f-uck are you doing?!" Tsaka inalis 'yung mga kamay ko sa mukha niya. Natawa nalang ako.

"Panget mo talaga."

"Oo na, matagal ko 'nang alam."

Pero hinarap ko siya at itinigil 'yung pagtawa ko. "Look, hindi ako napipilitan o kung anuman. Gusto ko 'to. Gusto ko ikaw 'yung maka-date ko, okay?"

"Hindi ka natatakot sa iisipin ng iba 'pag nalaman nilang ang campus heartthrob na si Lance Nicolas Ayala ay kadate si Tiffany Lopez na isang total geek."

Naalala ko 'yung sinabi niya sa akin dati. "Pake ko? Sometimes, we look at the differences , instead of looking at the similarities. Birds and crocodiles, whales and barnacles, they're not common but they have something that builds a relationship between them. Hindi hadlang kunggaano pa kayo magkaiba o kung gaano kalayo ang posisyon niyo sa lipunan para maging magkaibigan kayo, or magkaroon ng strong relationship." Sabi ko habang ginagaya 'yung pagkakasabi niya sakin noon.

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon