Chapter 17

48 1 0
                                    

Tiffany's POV

"Lance?"

Napakunot ang noo ko. Nakita ko si Lance na hawak-hawak 'yung payong ko habang nakatingin sakin.

"A-anong--"

"Bakit ka nagpapaulan?" Tanong niya. Pero hindi ako sumagot. Hinatak niya ako sa braso kaya napatayo ako. Nakakita kami ng waiting shed sa malapit kaya 'dun muna kami sumilong.

"Oh." Sabay abot sakin ng jacket niya. Tinitigan ko lang 'yun tapos tumingin ako sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng tu-"

"Pwede bang tanggapin mo nalang? Wala akong pahanong makipag-away sayo."

Wala naman akong nagawa kaya tinanggap ko nalang. "Thank you."

Ilang minuto 'rin kaming natahimik.

Hanggang sa nagtanong siya. "Ba't ka nga pala nagdadrama eh ang lakas-lakas ng ulan?"

"Eh bakit mo ba ako sinundan 'dun sa park?"

"Sinundan? Galing ako kila Daphne. Napansin ko lang na may payong na hinahangin kaya nilapitan ko. Wala kasi akong payong. Tapos, nakita kita." Sabi niya habang tinitiklop 'yung payong ko.

"Bakit mo pa ako nilapitan? Sana hinayaan mo nalang ako. Hindi ko naman kailangan ng tulong mo."

"Gabi na. Delikado kasi babae ka. Tapos ang lakas pa ng ulan. Mamaya, makidnap ka pa ng serial rapist, e'di konsensya ko pa kung hindi kita nilapitan."

"Lampa ka pa naman." Nagpahabol pa siya pero pabulong niya lang sinabi.

"Edi utang na loob ko pa ngayon na tinulungan mo ko? Ang kapal mo."

"Pero teka nga. Galing ka rin ba kila Daphne?"

"Oo."

"Bakit kung kailan gabi tsaka mo naisipang maggala?"

"Bakit ba ang dami mong tanong? Magtanong ka sakin kung close na tayo." Pambabara ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot kaya natahimik ulit kami.

"Mali ka. Mali kayong lahat."

Napakunot ulit ang noo ko at napatingin sa kanya. Out of nowhere bigla nalang siyang nagsalita. Anong pinagsasasabi nito?

"Hindi ko ginusto 'yung nangyare samin ni Aimee. 'Yung nakita mo, 'yung nandun sa mga pictures na nakita ni Daphne."

"A-ano?"

"Nung time na 'yun, sinamahan ko si Paolo magcr 'dun sa building A. Habang nasa labas ako at naghihintay, hinatak ako ni Aimee papunta 'dun sa tapat ng lib. Tinangka niya akong gahasain. Hindi ako nakapalag agad kasi... kasi inaamin ko, mas malakas siya sakin . Siguro dahil head siya ng Martial Arts club. Pero nagawa ko 'ring makatakas at makatakbo." Sabi niya habang nakatingin sa lupa.

Parang nabingi ako sa narinig ko. Natulala lang ako sa kanya.

Tumingin naman siya sakin tsaka nagsalita ulit. "Hindi ko ginusto 'yung nangyari."

"P-pero... pero... pero bakit hindi mo sinabi samin? Kay Daphne?"

"You never gave me a chance to explain, to defend my side. Palibhasa kasi, lahat kayo, nanghuhusga sa pamamagitan ng mga nakikita niyo. Ni hindi niyo pa nga alam ang totoo, naniniwala na agad kayo. Alam ko bobo ako pagdating sa Physics o Chemistry, at alam ko 'rin na wala ako minsan respeto sa mga babaeng katulad mo, at madalas akong manloko, pero hindi niyo pa naman alam 'yung totoong rason kung bakit ko nagagawa 'yun. Tapos ano? Nanghuhusga na agad kayo."

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon