Tiffany's POV
"Bilisan mo! Bilis na kasi!"
"Teka lang! Alam mo namang hindi ako sanay sa takbuhan!" Halos tanghali na. Naisipan ni Jenikka na manood ng basketball game. Kaya eto, papunta kami ngayon sa gym at pinagmamadali niya ko kasi baka raw mawalan kami ng pwesto.
Nakakita kami ng dalawang upuan malapit sa coach ng section namin. Pero 'nung akmang uupo na si Jenikka 'dun sa isa, 'nang pigilan siya ni Jeff. 'Yung isa sa mga asungot na alalay ni Lance.
"Excuse lang tol, kami nauna dito." Walang takot na sinabi ni Jenikka kila Jeff.
"Ah talaga? Eh dito yung pwesto ng mga players eh." Sagot naman nito.
"Oh? Tingin mo ba pipiliin ko 'yung pwesto na 'to kung alam kong pwesto 'to ng mga maglalaro?" Aba. Ang tapang pala ng babaeng 'to ah.
"Hinahamon mo ba ko--" Naputol ang pagsasalita niya nang pigilan siya ng kasama niya.
"Tama na nga Jeff. Pati babae pinapatulan mo. Magsisimula na laban natin oh." Sabi nung... Paolo ba 'yun? Ewan.
Nagtinginan muna silang dalawa na parang may mamumuong kidlat sa gitna ng mga mata nila. Tsaka sumama si Jeff 'dun kay Paolo. Habang palayo, naririnig ko ang mga usapan nila.
"Bakit daw ba kasi nag-absent si Lance?"
"Malay ko. Tinetext, hindi sumasagot. Tinatawagan, off cellphone. Malakas ang ulan kagabi kaya hindi ko na nabisita sa bahay nila. Ewan ko 'dun. Baka nakain na ni Drakula."
Absent si Lance? Bakit? Halos ilang linggo nilang pinaghandaan ang intrams ah. Bakit siya mag-a-absent? 'Di kaya... 'di kaya dahil sa nangyari 'nung isang araw?
Nagsimulang makaramdam ng guilt ang katawan ko. Kinabahan ako bigla.
"Huy! Huy! Okay ka lang?"
Naputol ang pagkatulala ko 'nang tawagin ako ni Jenikka.
"H-ha?"
"Upo na kako. Magsisimula na 'yung game oh. Sagabal ka sa mga nanonood sa likod."
Tumingin ako sa bandang likuran at nakita ko ang mga nakasimangot na mukha 'nung mga nakapwesto 'dun. "Ay! S-sorry po!" Mga ilang beses rin akong nagbow bilang sign ng pagsosorry.
Ay nako. Nakakainis naman! Kung hindi ko lang kaibigan 'tong si Jenikka, hindi ako mapapapunta sa gym na 'to. Ang ingay, ang baho, lahat na ng negativities nandito! Ang boring kaya manood ng basketball game.
"Ano ba 'yan! Huwag mong ipasa sa kalaban ang bola! Sino ba 'yung lalaking nakasuot ng pulang KD na sapatos? Hoy umalis ka na sa court kung magwa-watcher ka lang! Hindi ka naman gumagalaw!"
Pakiramdam ko butas na butas na 'yung eardrums ko sa mga sigaw palang ni Jenikka. Ano ba naman kasi? Tiga-nood lang pero galit na galit sa mga naglalaro.
"Huyyy. Chill." Kalabit ko sa kanya. "Sumama ka na kaya sa mga judges. O baka naman gusto mong samahan nalang 'yung mga players na naglalaro?"
Sinamaan lang naman nya ako ng tingin. Tsaka ibinalik ang mata sa game. "Eh ang lalambot kasi ng mga representatives ng section natin eh. Dapat pala sumali ako."
"Know what? Of all the girls I know since elem., ikaw lang ang kilala kong binabatikos 'yung mga naglalaro. Kasi 'yung iba mga taga-sigaw at taga-cheer lang."
"Bakit ko sila ichi-cheer kung alam kung tatanga-tanga naman sila maglaro." Napangiti nalang ako at umiling. Direct to the point.
Bumalik ang atensyon ko sa mga naglalaro. Pero napatingin uli ako sa kanya 'nang tumayo siya bigla at sumigaw.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Ficção AdolescentePaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...