Tiffany's POV
Mag-isa nanaman ako ngayon. Laging busy si Daphne nitong mga nakaraang araw. Malapit na rin kasi ang quarterly exams kaya puspusan na rin ang pagtututor niya kay Lance. Ewan ko ba kung saan sila nagreview. Wala naman sa library. Hmp! Dito na nga lang ako mags-stay.
Nagtataka siguro kayo kung bakit sobrang praning ko o ano pagdating sa boyfriend ng bestfriend ko 'no? Hindi ako naiinggit ha!
Well yes, maybe I'm a nerd but I'm not that kind of nerd who believes in happily ever afters and hopes to find their "prince charming." Srsly?! Prince Charming?! Sa panahon ngayon, sobrang baba na ng probability of existence ng mga ganyan. Duh.
Oh! And one more thing. Kahit nerd ako, wala akong balak magmake-over chuchu. Kaya huwag kayong mag-expect. Dahil hindi ako 'yung tipong magpapaganda para lang may magkagusto sa akin.
Ayoko lang masaktan ang bestfriend ko, ulit. First year highschool palang ako n'ung nagkakilala kami.
-Flashback-
"Hahaha Tiffany, panget na lampa pa! Ewww."
"Wrinkles! Yuckkk! Naliligo ka ba? Hahaha."
Simula nung pumasok ako bilang freshman sa Georgette High, ganito na nangyari sakin. But I'm not a transferree that time. Galing ako sa elementary school na sakop rin ng administration ng GH. Kaya nga kilalang kilala ko na si Lance kasi classmate ko rin siya n'ung elem. Si Daphne naman ang transferee that time.
Nung freshman ako, siguro, 'yun na ang worst as in most embarrassing year na napagdaanan ko sa buong buhay ko. Like, everyday my mind's full of their judgements. Until I met Daphne.
"B-bakit ganun sila? Wala n-naman akong ginagawang masama." Nasa may likuran ako ng gym at 'dun lang ako naglalabas ng sama ng loob. Wala naman akong kaibigan n'un kaya mag-isa ko lang dinadala 'yung problema ko.
Hanggang sa may isang magandang babae na lumapit sakin at nag-abot ng panyo. Tinignan ko lang sya at hindi ko kinuha yung panyo kasi parang napansin ko na umiiyak rin sya. Mas kailangan niya 'yun.
"Don't. May isa pa ako." Sabi niya tsaka ipinakita 'yung isa pa niyang panyo. Kaya kinuha ko na yung inaabot nya at pinunas sa mukha ko.
"Ba't ka umiiyak?" Tanong niya sakin at umupo sa tabi ko. Nakaramdam naman ako ng pagkakaba. Kasi ngayon lang may kumausap sakin ng gan'un.
"A-ahh, binubully kasi ako." Sagot ko sa kanya. "Ikaw?"
"Uhhh. Break na kami ng boyfriend ko."
Nanlaki ang mga mata ko. Boyfriend? 1st year highschool? Seryoso ba 'to?
"Ano bang nangyare?"
"I caught him kissing with another girl kanina. He's my first boyfriend. Sabi nya, wala raw akong kwentang girlfriend kasi siya lang daw nag-eeffort sa relasyon namin."
"Ahhhh." First time na may nag-open sakin ng ganito. Hindi naman ako sanay ng sinasabihan ng mga ganitong problema kaya mga ilang segundo ring natahimik ang paligid. "Eh.... gusto mo ba siya talaga? As in mahal?"
"Oo."
"Pero sigurado ka bang mahal ka rin nya?"
"Kaya niya nga ako niligawan 'diba?"
"Hindi naman 'dun nalalaman 'yun. Maraming lalaki ngayon ang liligawan ka lang, sa una lang sweet, sa una mangangako sayo, sa una paasahin ka, bobola-bolahin ka, may matawag lang silang girlfriend."
"Paano mo nalaman? Have you ever been in a relationship before?"
Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Nope. Nakikita ko lang 'yun from those couples sa batch ko."
"Ahhh. And you, umiiyak ka dahil binubully ka?"
"Oo eh."
"Why don't you try to stop them?"
Yumuko ako. "Wala naman akong magagawa. Kaya hinahayaan ko nalang sila."
"No!" Napatingin ako sa kanya nang sumigaw sya bigla. " Estudyante ka rin dito. May karapatan kang lumaban."
Hindi naman ako sumagot at nakatitig lang ako sa kanya. "Simula ngayon hindi ko na hahayaang may mang-away sayo." Nagulat naman ako. Ngayon lang kami nagkakilala pero, seryoso?
Kaya simula nun, twing kasama ko siya, lagi niya nga akong pinagtatanggol. Kahit sino pa 'yan. Kahit mas matanda pa samin, hindi niya inuurungan. Palaban kasi 'yun. Dun nagsimula yung friendship namin.
-end of flashback-
'Nung sinabi niya 'yun sakin, sinabi ko na rin sa sarili ko na hindi ko na siya hahayaang masaktan pa ulit sa lalaki. Eh kilala ko si Lance at alam kong wala pa 'yung sineryosong babae kahit kailan.
Actually, we're three. Kasama namin si Tristan Sandoval. Kaso bigla nalang siyang umalis ng walang paalam. Sabi nila nagpunta raw states. Pero bakit hindi siya manlang nagpaaalam? Miss ko na rin 'yun. He became my friend when we were in 2nd year hs. 'Nung nalaman niya na valedictorian ako nung elem, naging interesado siya sakin. He's smart at masipag rin mag-aral. Wala namang nabanggit si Daphne sakin kung nagkausap ba sila bago 'yun umalis.
Naalala ko pa nga, dati nung 2nd year kami, magkasama kami n'un, habang naglalakad sa hallway nasira yung sandals ko. Tapos pinagtawanan at pinahiya ako nila Vanessa. Siya 'yung madalas mam-bully sa akin. Sinampal niya bigla si Vanessa tapos tumumba sa sahig. Hahaha! Bawing-bawi ako n'un!
Hanggang sa nakilala nya si Lance at ayun. Naging sila. Gan'un lang kadali ang mga pangyayare. Ang bilis nga eh.
Dati palang, simula't sapul, crush na ng bayan si Lance. Kahit hindi valentines o pasko, laging puno ang bag niya ng chocolates at love letters galing sa mga girls.
Hanggang ngayon rin naman. Pero kasi, si Daphne hindi papayag yun na makuha ng iba si Lance. Halos lahat rin ng babae takot sa kanya. Maganda kasi at sexy. Mayaman pa at sikat kaya ginagalang siya rito.
E ako, kahit parang PA lang ako ni Daphne, kahit kailan hindi nya pinaramdam sakin 'yun. Tsaka, tanggap ko na rin naman e. Na hanggang talampakan lang talaga siguro ako nun. Atleast, masaya naman ako na meron akong kaibigang katulad niya.
"Ay! Oo nga pala!"
Kinausap kasi ako ng adviser namin kanina. Napahanga daw sya sa paper due na sinubmit ko kaya binabalak nya yung ilaban sa isang Defense Competition. Nagtataka naman ako kasi n'ung ginagawa ko yun, tamad na tamad pa ko. Kaya ayun. Dinagdagan ni Sir 'yung objectives at kailangan ko pa ulit magresearch para 'dun.
Tinignan ko ang relo ko. Sht. Time na pala! May pa-flashback flashback pa akong nalalaman e malalate na pala ko sa susunod na klase ko. Baka mag-extend nalang ako mamayang uwian. Tatapusin ko pa kasi 'to eh. Hayyy. Hirap talaga maging matalino. Oh well.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Teen FictionPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...