NILAPITAN Siya ni Andrew. Hindi na ito napigilan ni Coreen. "Sam?" Pangalan lang niya ang sinabi nito pero alam niya na nag-aalala ito at nagtataka.
"I'm fine." Tinabig niya ang kamay nito ng akma siya nitong tutulungang tumayo. She can manage, tumayo siyang mag-isa at animo walang nangyari na naglakad papunta sa kanyang kotse. Pagkasakay at mai-start ang makina ay pinaharurot na niya iyon palayo. Baka lalo lang lumaki ang galit ni Karla kapag tinanggap niya ang tulong ni Andrew. Baka mas lalo lang siyang mapahiya.
Dapat sanay na siya. Hindi lang naman iyon ang unang beses na ipinahiya siya ng sarili niyang ina sa harap ng maraming tao. Alam naman niya na noon palang ay kinamumuhian na siya ni Karla but she knew, she don't deserve that kind of treatment.
Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha niya.
Two days ago, nakipagkasundo siya kay Karla na hahayaan na siya nito na umalis ng bansa kung mapapapirmahan niya ang business deal kay Mr. Villaroman pero sa kamalasan, she failed. Nabigo siya dahil sa isang matandang manyak na lalaki.
Gusto niyang pumunta ng America kung nasaan ang daddy niya. Her real father. Anak lang siya sa labas ni Karla, kay Edward Monteza. Dahil sa kanya kaya iniwan ng asawa nito ang mama niya. Siya ang sinisi nito kung bakit nasira ang pamilya nito.
Why? Kasalanan ba niya ba ipinanganak siya? Kasalanan ba niya na iba ang naging ama niya at hindi si Dominic —Karla's ex husband. For crying out loud. It's not her fault na pumatol sa ibang lalaki ang mama niya.
Sa America siya ipinanganak ni Karla at pagkapanganak palang nito sa kanya iniwan na siya nito kay Edward and after fourteen years bigla na lang itong sumulpot at basta na lang siyang kinuha at dinala sa Pilipinas. She was so scared back there, iyak siya ng iyak. Walang ni isang kakilala. Ni si Karla na sarili niyang ina ay hindi niya kilala. She's a total stranger to her.
Mabait, masayahin, malambing at masunurin naman siyang anak pero dahil sa kalupitan ng mama niya ay naging matapang siya. Kinalimutan niya ang lahat ng takot at naging matatag siya at palaban.
Galit siya sa daddy niya dahil wala itong ginawa para bawiin siya. Pinadadalhan lang siya nito ng kung ano-ano. Lahat ng gugustuhin ng isang katulad niya ibinibigay nitong lahat. He call her regularly pero wala itong ginawa para magkita sila.
Sa loob nga ng halos mahigit sampung taon niya sa Pilipinas ay hindi pa niya nakitang muli ang daddy niya. She really miss her father and at the same time, she hate him. Gusto niyang pumunta ng America para personal na tanungin ang daddy niya kung bakit hinayaan lang siya nito na magdusa at mahirapan sa piling ng mama niya. Marami siyang gustong itanong. Mga tanong na ito lang ang makakasagot.
"Guys look who's here."
Kahit hindi niya lingunin kung sinong nagsalita ay kilalang-kilala na niya kung sino. It's Megan Mayer, ang number one bully ng University noong college days nila. Hanggang ngayon naman bully parin ito. HRM ang kurso na tinapos nito na katulad niya at ng ate Coreen niya.
Wala siyang maisip na puntahan kaya doon na lang siya pumunta sa nadaanan niyang bar. Sanay na naman siyang pumunta sa mga ganoong klase ng lugar pero ito ang unang beses na hindi niya kasama si Leighron, Abegail at Andrew.
"Oh, the bitch is here." Maarteng naupo sa may kaliwa niya si Ruby. Isa ito sa mga kaibigan ni Megan. Ang pinkamaarte sa grupo ng mga ito.
"We never knew na nagpupunta ka rin pala sa mga ganitong lugar."
"Jean now you know." Tinaasan niya ng isang kilay ang mga ito.
"Right." Jean rolled her eyes. "Bakit mag-isa ka lang? Where's Leighron? Your so called knight in shining armor?" She sarcastically said and rolled her eyes up and down. "Balita ko your boyfriend dump you already." Ngumiti ito ng nakakaluko.
BINABASA MO ANG
BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)
RomanceSamantha Austine. A young, beautiful and competitive general manager of one of the famous Hotel in the world. When her very own mother throw her away from their house she live with her bestfriend's condo. He's a genius and handsome and she's very lu...