Chapter 7; I Miss You

58 1 0
                                    

January 17 2016

IT'S BEEN A week since her very own mother throw her away like she was just a peace of trash, at ganoon na rin siya katagal sa Condo unit ng matalik niyang kaibigan na si Leighron.

Sa loob ng dumaang isang linggo simula ng umalis si Leighron ay hindi pa ito umuuwi. Hindi na niya maiwasang mag-alala dahil ni isa sa mga tawag niya ay wala itong sinagot, ni text ay wala siyang natatanggap mula rito.

Dati-rati naman kahit hindi sila magkita ng isa o dalawang buwan ay palagi naman itong tumatawag at kapag siya ang tumawag rito ay agad nitong sinasagot.

"Hey Samy," ikinumpas ni Aby ang isa nitong kamay sa harap ng mukha niya. "Ano ba daw ang order mo?" Natatawa nitong tanong.

"Sorry," napakagat labi siya. Hindi niya namalayan na kinakausap na pala siya ng waitress. Pati ang paglapit nito hindi man lang niya naramdaman. Niyaya niya si Aby na kumain. Hindi siya nakapaglunch kanina dahil nawala sa isip niya ang oras sa dami ng trabaho niya.

"Care to share? Mukhang ang lalim ng iniisip mo." Nagtaas baba ang mga kilay nito.

"Wala," ang inorder niya ay isang hamburger na paborito niya at shake. "Alam ko ikaw ang may problema." Pang-huhuli niya.

"Ha? W-wala no," napaiwas ito ng tingin. Juice at sandwitch naman ang inorder ni Aby. "Bakit mo naman nasabi na may problema ako."

"Are you sure? Napapansin ko kasi na matamlay ka nitong mga nakaraang araw, para palaging malayo at lumilipad ang isip mo at wala ka sa sarili." Mag aalas dyes na ng gabi kaya iilan na lang ang kumakain sa coffee shop na pinuntahan nila ni Aby. "May hindi ka ba sinasabi sakin?"

"Wala. M-medyo masama parin ang pakiramdam ko."

"Ganun? Ano pa at naging kaibigan mo ako kung ayaw mong sabihin ang kung anong gumugulo sa'yo. Paano kita matutulungan?"

"I-i'm sorry, I can't tell you. Sapat na sa akin na nandyan ka lang sa tabi ko. Palagi mo akong napapatawa at kahit paano napapasaya mo ako."

"Kaibigan na ba ang tawag mo doon?" Napalabi siya.

"Maybe, sometimes."

"Ganun." Hindi na niya ito kukulitin. Alam niya na may mabigat talaga itong problema pero ayaw lang nitong magsalita at sabihin sa kanya. "Dapat na ba akong kiligin?"

Sabay silang napatawa.

"Baliw ka talaga Sam."

"Ako lang ba?" They laugh again, this time louder and lively.

Habang kinakain nila ang kanilang inorder ay panay ang kwento niya sa kaibigan. Tawa naman ito ng tawa. Minsan tumatawa ito kahit hindi naman kailangan kaya lalo tuloy siyang naghinala na pinipilit lang nitong maging masaya para hindi siya mag-alala pero kabaligtaran ang nangyari, lalo siyang nag-alala. At napansin niya ang pagiging matamlayin ni Abegail nitong mga nagkaraang araw. Dahil doon kaya nag-aalangan siya na sabihin ang tungkol sa pagpapalayas sa kanya ng mama niya. Gusto rin niyang sabihin na sa Condo ni Leighron siya tumutuloy pero ayaw na niyang dagdagan ang kung anong gumugulo rito. Sasabihin rin naman niya sa kaibigan, pero siguro hindi pa lang sa ngayon.

"I already miss Cc. Kumusta na kaya siya." Humalumbaba siya at tumanaw sa salaming dingding ng coffee shop na kinaroroonan nila ni Abegail.

"She most be happy traveling all around the world. Alam mo naman ang best friend nating iyon parang lalagnatin kapag nasa iisang lugar lang."

"I really miss her. It's been eight months since we last saw her."

"Yeah. Ito na yata ang pinakamatagal niyang pag-tatravel. Nakakamiss ang kabaliwan niya."

BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon