MARAMI Nang tao ng dumating siya sa Beach Resort kung saan ginaganap ang birthday party ni Cc. Halos lahat ng mga bisita ay may mga sinasabi sa buhay. May mga katayuan sa gobyerno at alagad ng batas. Hindi na siya nagulat.
Cc's father, Maximo Montecillo, is one of a kind person. His a high ranking general, pero sa kabila noon, ni minsan hindi nito inabuso ang katayuan nito. Sa halip ginamit nito iyon sa tama para makatulong sa nakararami. Kinikilala nga ito ng lahat bilang may pinaka ginintuang puso sa bansa. Matalino, mabait at napaka down to earth kahit ipinanganak ito na may gintong kutsara sa bibig. Hindi matapobre at pantay-pantay ang tingin sa lahat. Mayaman man o mahirap.
Isa na siya sa mga tao na rumirespeto at tumitingala kay Maximo. She and Abegail call him tito papa. Ito mismo ang may gusto na ganoon ang itawag nila dito. Dahil kaibigan daw sila ng unica hija nito kaya parang anak narin ang turing nito sa kanila.
At first nag-alangan pa siyang pumunta doon dahil wala naman siyang gaanong mga kakilala at siguradong maiinip lang siya. Mas mag-eenjoy siya kung kasama niya si Aby o kaya ay si Leighron. Kaya lang nangako siya kay Cc na aattend siya sa birthday party nito. Nag-aalangan din siya dahil hindi niya alam kung umuwi ba si Cc para i-celebrate ang kaarawan nito kasama ang ama at mga kuya nito.
But a promise is a promise. Natutunan niya kay Leighron na ang pangako ay kailangang tuparin sa kahit na anong paraan o kahit na ano pa ang mangyari. That a promise should not be broken.
"Samantha!" Nakangisi siyang sinalubong ni Orion. Niyakap pa siya nito ng tuluyang makalapit sa kanya. "You look like a Goddess who fell from heaven." Orion Montecillo, ito ang bunso sa pitong kuya ni Cc. His an international pilot at the age of 25. Mas matanda lang ito sa kanilang tatlo ni Abegail at Cc ng isang taon.
Seryoso itong tao pero palabiro pag kasama silang tatlo nina Abegail at Cc. Wala ngang oras na hindi nito inaasar si Cc.
"Baliw ka!" Pabiro niya itong pinalo sa braso. "Huli na ba ako?"
"No, your in time." Lumampas ang tingin nito sa kanya. "Where's Aby and Leighron?"
"I-i don't know."
"Wew. Gusto yata nila ng grand entrance." Natatawa at iiling-iling siya nitong dinala sa loob ng cottage.
"Samantha!"
"CC?" Nanlaki ang mata niya ng makita ang kaibigan. "Kailan kapa dumating?"
"You came!" Tuwang-tuwa na patakbo siyang sinalubong ng yakap ni Cc. "Thank you bebe. You kept your promise. Kanina lang ako dumating."
"Syempre naman. Nangako ako sa'yo hindi ba." Hinalikan niya ito sa pisngi.
"I miss you so, so very much bestfriend." Muli siya nitong niyakap. Mas mahigpit at mas matagal kaysa una.
"I miss you too Cc. Very much." Halos maiyak silang dalawa sa pagkamiss sa isa't-isa. Hindi nga nito napigilan ang pag tulo ng luha nito. "Oh, Cc huwag kang umiyak. Masisira ang make up mo. Baka isipin pa ng mga bisita mo pinapaiyak ko ang kanilang celebrant." Mataray man at mukhang matapang at walang kinatatakutan si Cc pero mababaw lang ang luha nito. She cry on simple things.
"Sorry. Can't help it." Natatawa nitong pinunasan ang mukha. "Ako lang ba? Umiiyak ka din kaya, oh." Ito pa mismo ang nagpunas ng ilalim ng mata niya.
"It's your fault. Ang tagal mong nagpamiss." Ibinigay niya ang dalang regalo. "Happy birthday Citi Czarina."
"Oh, thank you. The best ka talaga bebe Samantha."
BINABASA MO ANG
BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)
RomanceSamantha Austine. A young, beautiful and competitive general manager of one of the famous Hotel in the world. When her very own mother throw her away from their house she live with her bestfriend's condo. He's a genius and handsome and she's very lu...