Chapter 8; Strange Feeling

61 1 0
                                    

NATIGILAN Siya ng mapatingin kay Abegail. Nakatayo ito ilang dipa lang ang layo mula sa kanya. Napansin niya na simula ng dumating siya kahapun ay iniiwasan na siya nito. Katulad ng araw na malaman nila na coma ang kakambal niya. Hindi agad niya napansin si Aby dahil naagaw ang atensiyon niya ng pamilyar na mukha ng babae, hindi siya puwedeng magkamali. Ito ang lasing na basta na lang pumunta sa Condo unit ni Leighron a week ago.

Mas nagulat siya sa sunod nitong ginawa. She suddenly hug him, as if they didn't see each other for a very long time. Sa dami ng sinabi nito ay dalawang salita lang ang tumino sa isip niya, it's 'namiss kita' pero agad din iyong nawala ng makita niya si Aby. Ito ang unang beses na may nagsabi ng ganoon sa kanya at nanggaling pa sa isang istranghera. Siya ang palaging nagsasabi ng mga salitang 'yon. At ni minsan wala pang sumagot ng I miss you too. Or something nice like that to him.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong ng babae na nasa harapan niya. She's really beautiful at lalo itong gumaganda habang inosente at nagtatanong na nakatingin sa kanya. Hindi maitatanggi na mas maganda ito kay Abegail. No doubt about that. Pero kahit gaano pa ito kaganda ay si Abegail parin ang pinakaperpektong babae sa paningin niya.

"Maiwan ko muna kayo." Paalam ng mommy niya pero hindi niya ito napansin. Nakatuon lang ang tingin niya kay Aby.

"Sige po tita." Sagot ng babae na agad ibinalik ang tingin sa kanya. "Hey, natulala ka na d'yan." Natatawa at pabiro siya nitong pinalo sa tiyan niya.

Hindi niya ito pinansin. Nilampasan lang niya ang babae. "Aby."

"Samy thanks sa cake. Tara doon tayo sa kuwarto—"

"Can we talk?"

"Wala naman tayong dapat pag-usapan." Malamig na sagot ni Aby. Hindi rin ito nakatingin sa kanya. "Can't you see may bisita ako."

"Aby don't mind me. Ano ka ba. I'll be fine. I can wait. Baka importante ang pag-uusapan n'yo ni Leighron."

"Wala nga kaming dapat pag-usapan. Isa pa hindi naman si—" natigilan ito.

"Hindi ano?"

"Wala!" Nagdadabog itong tumalikod.

Natigilan siya. Ganoon din ang babae na tinawag ni Aby na Samy.

"Hoy!" Pumunta ito sa harap niya at pinamaywangan siya. "Umamin ka nga! Nag-away ba kayong dalawa?" Hindi niya ito sinagot. Napatitig lang siya sa napakaamo nitong mukha. "What? May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ka makatingin?"

"Your so annoying." Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Mukhang mas mataray pa ito kay Aby.

"WHAT!" Nanlaki ang mata nito. "Hoy, saan ka pupunta? Kinakausap pa kita Leighron! Bumalik ka rito!"

Parang walang narinig na iniwan na niya ang babae at sinundan niya si Aby.

"Aby wait." Hinawakan niya ito sa braso ng abutan niya ito sa harden.

"Ano ba." Pumiksi ito na parang napaso sa hawak niya. "Diba sabi ko wala tayong dapat—"

"Napansin ko na simula ng dumiting ako keyhapun ay hindi mo ni ako pinapansin. Iniiwasan mo ni naman ba ako?" Ganoon si Aby kapag galit. Hindi ito magsasalita, sa halip ay iiwas lang. Dahil sa ugali nitong iyon kaya alam niya kapag galit ito sa kanya.

"Why would I?" Tumalikod ito. "Ano ba dapat ang gawin ko? Salubungin ka ng yakap after what you've done?" Nang-uuyam na anito.

"Aby it's not what I meant. You know that." Napahinga siya ng malalim. "Kung gaylit ka, sabihin mo. Hindi ako minghuhula."

BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon