Chapter 3; Samantha Austine

110 2 0
                                    

KAGAT LAbi na dahan-dahan niyang nilapitan ang nakatalikod na lalaki. May kausap itong isang babae at isang lalaki. Base sa suot ng mga ito ay parehong nurse ang dalawa.

Nang tuluyang makalapit ay pabiro niyang itinulak ang nakalikod na lalaki.

"What the—" gulat na humarap sa kanya ang lalaki. "Samantha!" Mas lalo itong nagulat ng makita siya. Parang hindi ito makapaniwala na nasa harap siya nito.

"Hello." Matamis siyang ngumiti.

"What brought you here? Are you hurt or—"

"Hey, hey, easy lang Villaroman. Naging doctor ka lang naging oa kana rin." Natatawa niyang sabi. "As you can see, I'm perfectly fine. Nandito lang ako para bisitahin ka."

"Why?" Nakakunot na naman ang noo nito.

"Wala." Nagkibit balikat siya at tinampal ang noo nito. "Huwag ka nga palaging nakakunot ang noo. Lalo kang gumagwapo eh." She giggle.

"Tsk." Napangiti narin ito. Ngiti na hindi man lang umabot sa mga mata nito. As always, wala iyong buhay at parang pilit lang. "So, why are you here?"

Even if Leighron smile and laugh, she knew it's fake and lifeless. There's a hidden misery, loneliness and pain in his eyes. Itinatago nito iyon sa malamig at seryoso nitong mukha.

"Samantha?" Tawag pansin nito sa kanya ng ilang sandali na pala siyang nakatitig sa mukha nito.

"Huh? S-sorry. M-may naalala lang ako." Alanganin siyang ngumiti at napatingin siya sa dalawang nurse bago niya sininyasang lumapit si Leighron pero hindi ito sumunod kaya siya na mismo ang lumapit dito. Ano pa bang aasahan niya? Kilala niya si Leighron. Ito ang tao na hindi marunong sumunod sa sinasabi ng ibang tao. "Gusto ko lang makita kung tutulog-tulog ka sa trabaho." Bulong niya, then she giggle.

Bahagya itong tumawa. "Silly," ginulo-gulo nito ang buhok niya katulad ng madalas nitong gawin.

"Hey, stop it."

"Ahm, d-doc Leighron."

"You two, you may go."

"Hindi ba ako nakakaabala?" Nag-aalangan niyang tanong na nakatingin sa dalawang nurse na papalayo.

"No."

"Leighron there you are." Maarteng lumapit sa kanila ang isang matangkad na babae. "I was looking for you, nandito ka lang pala."

"May kailangan kaba Susan?"

"Wala naman." She sweetly smile. "Aayain lang kita na mag-lunch. I know how busy you are kaya alam ko na hindi kapa nag-lalunch."

"I'm busy. Ask someone else."

"No, I mean I can wait. Alam ko na pasyente muna bago ang—'

"She's my guest." Tiningnan siya ni Leighron. Yung tingin nito na hindi matukoy kung ano. "She's someone special."

"Oh," nilingon siya ng babae. Parang noon lang siya nito nakita. Pinigil niyang maparolled eyes. "Is she the one your ta—"

"Yes. Now excuse us." Tumalikod na ito. Sumunod naman siya sa kaibigan at ipinulupot ang magkabilang kamay sa braso nito.

"Someone special pala." Humagikhik siya. "Ginawa mo pa talaga akong dahilan."

"Samantha it's not what I—"

Umiling siya. "It's okay. Alam ko naman na ang harsh mo talaga. Sa tingin ko type ka noong babae. Well, ikaw na talaga ang gwapo."

BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon