"LEIGHDON Sabihin mo nga sa akin ang totoo," pumunta siya sa harap nito at pinamaywangan ito. "Iniiwasan mo ba ako?" Lakas loob niyang tanong ng magpatuloy ang pagiging malamig sa kanya ng kaibigan. Apat na araw na itong nakalabas ng ospital. "Pwede ba na kausapin mo muna ako? Kahit sandali lang?"
"Later."
"Leighdon naman." Ano pa bang inaasahan niya? Kinakausap nga siya nito pero paiwas naman ang mga sagot. Mas madalas na isang tanong isang sagot lang ito at ang mas ikinaiinis niya hindi na ito natutulog sa tabi niya. Hindi niya alam kung natutulog pa ba ito dahil pag magigising siya ng dis oras ng gabi makikita niya ito sa sala na nakaharap parin sa laptop nito.
Nag-aalala na siya para kay Leighdon. Kalalabas lang nito ng ospital at hindi pa ganoon kagaling ang mga pasa nito sa katawan at mukha pero pinapagod na nito ang sarili sa walang pahingang trabaho. Oo, nakaupo lang ito doon sa sala maghapun at pati narin magdamag pero hindi ba ito napapagod? Baka bumigay na ang katawan nito sa ilang araw na walang tulog at pahinga.
"I'm working."
"Take a break. Kumain muna tayo, nakapag luto na ako at naihanda ko na ang lamesa."
"Later."
Napasimangot siya. Ito na nga ang inaalala niya pero mukhang wala naman itong pakialam. "Do what you want." Sa sobrang inis nagdadabog niya itong tinalikuran at pumasok na lang sa kwarto at mabilisang nagbihis.
She can't take it anymore. Hindi niya maintindihan si Leighdon. Kung itrato siya nito ay katulad na katulad ng pagtrato sa kanya ng mama niya at iyon ang ikinaiinis niya. He make her feel unwanted and she hate it the most.
She hate to be ignore without knowing why because it make her feel unwanted. It's the worse feelings for her.
Why did he treat her that way? It so sudden and she don't even know why. Bakit? May nagawa ba siyang mali? May nasabi ba siya na hindi nito nagustuhan?
"Where are you going?" Kunot na kunot ang noo nitong tanong ng lumabas siya ng kwarto na bihis na bihis. Iyon ang unang pagkakataon na derektso siya nitong tiningnan sa mata niya sa nakalipas na mga araw.
She ignored him at inirapan lang ito at walang salitang nilampasan. Excited siyang kumain kasama ito at ang dami pa naman ng niluto niya pero nawalan na siya ng ganang kumain. Aalis na lang muna siya. Baka kung ano lang ang masabi niya kay Leighdon sa sobrang inis na nararamdaman niya para dito.
Hindi na niya nakita ang dumaang sakit sa mukha nito ng basta na lang niya itong lampasan.
They didn't notice that they both hate to be ignored.
Mula Condo nag taxi na lang siya papunta sa Dizzy bar. Mag-aalas otso palang naman ng gabi.
"Hey, what's up."
"Sam?!" Halatang nagulat ang binatang bartender ng makita siya.
"Long time no see Gino."
"Yeah, it's been a while since I last saw you."
"Masyado lang naging busy lately." Kimi niya itong nginitian."One glass nga, 'yung pinaka matapang."
"I feel like it's a deja vu."
"Your just imagining things." Natatawa niyang sagot. Akala niya aangal pa si Gino at hindi ibibigay ang order niya at kailangan pa niya itong pilitin pero walang salita at kaagad nitong ibinigay ang order niyang alak. "Thanks."
"Problem?"
"I don't want to talk about it. Mas maiinis lang ako lalo."
Napatawa ito ng magusot ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)
RomanceSamantha Austine. A young, beautiful and competitive general manager of one of the famous Hotel in the world. When her very own mother throw her away from their house she live with her bestfriend's condo. He's a genius and handsome and she's very lu...