NAGING Bangunogt para sa kanya ang sumunod na dalawang araw. Wala kasing sandaling sinasayang ang mama niya para ipahiya siya sa harap ng maraming tao. Sa ibang mga guest man ng Hotel o sa harap ng mga empleyado.
Siya ang nahihiya sa ginagawa ng mama niya. Hindi dahil sa ipinapahiya siya nito kung hindi dahil respetado itong tao pero kung umasta ito minsan animo walang pinag-aralan.
"Sam are you sure your okay? Hindi kaba talaga naapektuhan sa ginagawa ng mama mo?"
"Oo naman. Bakit? Mukha ba akong hindi okay?" Natatawa niyang tanong kay Abegail.
Nagkasabay silang lumabas ng Hotel at niyaya siya nitong kumain pero juice at spaghetti lang ang inorder niya. Sa Condo na lang siya kakain. Siguradong hinihintay siya ni Leighdon. Baka magtampo ito kapag hindi niya ito sinabayang kumain.
Napaaga ang labas niya sa trabaho. Mag-aala sais palang ng gabi. Alas otso naman pumupunta ng Hotel si Leighdon para sunduin siya kaya hindi na niya ito itinext para ipaalam na pauwi na siya. She want to surprise him.
"I don't know. I can't tell. You look okay and calm more than your usual self. Parang gusto ko tuloy magduda kung ayos ka lang ba talaga o pinipiilit mo lang maging normal para hindi ako mag-alala."
"Aby huwag ka ngang oa. Okay lang talaga ako."
"Promise?"
"Opo. Promise."
"Just make sure." Tiningnan siya nito ng masama. "I'm just worried about you. Nakita ko ang ginawa sa'yo ng mama mo kanina. Ipinahiya kana nga niya ininsukto kapa at tinawag na tanga. Nakakapanliit iyon. Idagdag pa na nasa harap kayo ng maraming tao, let alone ng mga empleyado mo."
"Wala lang iyon."
"Samantha!"
"What?"
"Seryoso ako."
"Alam ko. Wala naman akong sinabi."
"Just gave me a go signal at hindi na talaga ako mangingiming patulan ang mama mo." Gigil na itinusok ni Abegail ang hawak na tinidor sa spagetti nito na hindi pa man lang nito nagagalaw. Pagpasok palang kasi nila ng restaurant puro sermon na ang ginawa nito sa kanya. "Oo nga't mama mo siya at anak ka lang niya. I know that at nandoon na ako pero sumusobra na naman yata siya. Masyado kana niyang inaabuso. Palibhasa kasi alam niya na hindi ka aalma."
Nagkibit balikat lang siya. "Hindi kana nasanay kay mama."
"Samantha wake up!" Pinanlakihan siya nito ng mata. "Ipinapahiya ka niya! Hindi lang sa kung saan. It's your own work place. Sinisira niya ang maganda mong reputasyon sa Hotel. Hinahangaan ka, tinitingala at nirerespeto pero hahayaan mo na lang bang mawala ang magandang tingin sa'yo ng marami ng dahil lang sa mama mo? Nagsikap ka at pinaghirapan mo kung nasaan ka ngayon na wala ang tulong niya o kahit kaunting suporta man lang wala kang nakuha mula sa kanya."
"Hindi ko iyon nakakalimutan Aby pero wala namag basehan ang mga ibinibintang sa akin ni mama. Walang kaso sa akin iyon. Basta alam ko sa sarili ko na walang katutuhanan ang mga sinasbi at ibinibintang niyang paratang sa akin."
"Ewan ko sayo. Sumasakit lang ang ulo ko sa'yo."
Tumawa lang siya at ipinagpatuloy na ang pagkain ng spagetti na inorder niya.
Sinungaling siya. Hindi totoo na hindi siya naaapektuhan sa mga ginagawa sa kanya ni Karla. Nasasaktan parin siya at hindi niya matanggap ang pagtrato sa kanya ng mama niya. Oo, sanay na siya pero hindi ibig sabihin niyon hindi na siya nasasaktan. Kahit siguro ilang taon na ang lumipas o lilipas palang hindi parin niya maiiwasang masaktan. Balibaligtarin pa man kasi niya ang mundo hindi na mababago ang katutuhanan na mama niya si Karla at anak siya nito. Iyon ang malinaw na katutuhanan na kailan man ay hindi na mababago pa.
BINABASA MO ANG
BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)
RomanceSamantha Austine. A young, beautiful and competitive general manager of one of the famous Hotel in the world. When her very own mother throw her away from their house she live with her bestfriend's condo. He's a genius and handsome and she's very lu...