Chapter 10; Ako Na Lang Sana

62 2 0
                                    

WALA Siyang gustong gawin ng mga oras na 'yon kung hindi lunurin sa alak ang sarili. Baka sakaling mawala o mabawasan man lang ang matinding sakit na nararamdaman. Baka sakaling sa pamamagitan ng alak makalimot siya ngayong gabi o kahit sandali lang.

Umalis siya sa ospital ng makalma ang sarili. Hindi siya nagpaalam kanino man. Umalis siya na hindi man lang hinintay na lumabas ang mga doctor ni Leighron at malaman kung anong lagay nito. He can't take it anymore. Baka hindi niya kayanin ang magiging resulta.

Doble-dobleng sakit ang bumabalot sa kanya. Bawat minuto na lumilipas ay nadadagdagan ang bigat sa dibdib niya. Para siyang mapuputulan ng hininga dahil wala siyang magawa para matulungan si Leighron. He feel helpless and useless.

Masakit na isipin na siya ang may kasalanan kung bakit naroon sa lintik na ospital ang kakambal niya at napakasakit na makita na nasasaktan at na hihirapan ang babaeng mahal niya ng dahil sa kanya. Masakit makita na umiiyak ito at nag-aalala para sa ibang lalaki. At sobrang sakit dahil ngayon niya nakikita at napapatunayan na ang kakambal niya ang talagang gusto nito, Abegail like Leighron more than anyone else.

Kung pwede lang, kung kaya lang niya siya ang papalit sa pwesto ng kakambal niya. Walang pag-aalinlangan siyang papayag. Kung pupwede lang niyang kunin ang lahat ng sakit na idinudulot niya sa mommy at daddy nila, pati na rin kay Aby ay ginawa na niya.

"Damn it! Bakit hindi na lang ako!" Paulit-ulit niyang bulong. Why it's always him? Tiim bagang niyang pinalo ng nakakuyom niyang kamay ang bar counter. Hindi alintana kung nasasaktan siya.

"Dude mukhang ang init ng ulo natin ah." Natatawang puna sa kanya ni Rafael. "Problem?" Doon siya tumuloy sa bar ni Rafael. Hindi niya alam na nasa bansa rin pala ito. Maraming pagmamay-aring bar si Rafael sa iba't-ibang panig ng mundo. Ang bar na ito ni Rafael sa Pinas ang main branch pero sa LA ito namamalagi.

Rafael is a top model and a great Chef. Pampalipas oras lang nito ang mga pagmamay-ari nitong bar. Ang kinikita nito sa bar ay idino-donate nitong lahat sa iba't-ibang bahay ampunan at home for the aged.

"Tsk!" Inisang inom niya ang inilapag nito na baso na may lamang alak.

"What is it? Mukhang napaaway ka ah,"

"Don't mind me."

"Come on, tell me. Baka makatulong ako."

"I don't need your help. I just came here to get drunk."

"Easy lang man."

"Just give me one more glass. 'Yong pinakamaytipang."

"Aye, aye sir!" Sumaludo pa ito na ngingisi-ngisi.

Pagkaalis ni Rafael para personal siyang ikuha ng alak may lumapit sa kanyang maganda at sexy na babae. Halos lahat ng mga kalalakihan doon sa bar ay napapatingin sa babae.

"Hello handsome." Nagpapacute nitong bulong sa may puno ng tainga niya at umakbay sa kanya. "Bakit mag-isa ka lang yata?" Marahan at nang-aakit nitong pinaglandas ang mga daliri pababa sa dibdib niya.

"Leave me alone!" Katulad ng nauna, deretso niyang ininom ang isang baso ng alak na inilapag ni Rafael sa harap niya.

"Ang sungit mo naman. Lalo ka tuloy gumagwapo." Pinaglaruan ng isa pa nitong kamay ang buhok niya. "Puwede kitang samahan. Anytime, anywher—"

"Just leave me alone!" Bulyaw niya sa babae at inalis ang kamay nito. "Your not my type!"

"Oh, shame on you." Tinaasan siya nito ng isang kilay at kumikimbot na naglakad palayo.

BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon