PAGPASOK Niya sa Condo nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya. Nakapatay na rin ang ilaw sa sala at dederetso na sana siya sa kwarto ng mahagip ng tingin niya si Samantha sa kusina.
"Sam?" Tahimik niyang nilapitan ang dalaga. Nakahilig ang ulo nito sa lamesa at sa ganoong ayos ito nakatulog. Maingat niyang winahi ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha nito at mataman itong tinitigan.
Her angelic face is so beautiful na binagayan ng natural na malalantik na pilik mata, matangos na ilong at manipis na labi. And her enticing blue eyes always drown him everytime she look at him.
He miss her blue eyes looking at him while smiling at him.
"Hm, Leighdon." Mahinang ungol nito na nagpangiti sa kanya. She most be dreaming of him.
"I'm here." Sinulyapan niya ang mga nakahandang pagkain sa lamesa na halatang hindi pa nagagalaw. Naguilty siya. Hindi pa siguro ito kumakain at nakatulog na sa paghihintay sa kanya. "I'm sorry I make you wait for me." Magaan niya itong hinalikan sa noo bago niya ito maingat na binuhat at dinala sa kwarto at inihiga sa kama.
Kahit walang ganang kumain dahil sa matinding pagod kinain parin niya ang mga niluto ni Samantha pagkatapos niyang maligo. Hindi na lang niya ito ginising. Alam niyang pagod ito dahil sa trabaho at late na nakatulog sa paghihintay sa kanya.
Magdadalawang araw na siyang hindi umuuwi o nagpaparamdam man lang kay Samantha kaya siguradong alalang-alala na ito sa kanya.
Nagpunta siya sa Laguna kasama sina Nino Vergil, Demitrius, Tyson, Mike at Axel Hans. Nagkaroon sila ng lead na naroon ang espeya ng grupo at may nakalap nga silang impormasyon pero katulad ng mga nauna nilang impormasyon palagi silang na de-dead-end. Animo pinaglalaruan lang sila ng kung sinong tarantadong espeya na iyon. Pinagmumukha silang gago at uto-uto.
Pagkatapos kumain at mailigpit ang kanyang pinagkainan bumalik siya sa kwarto at maingat na nahiga sa tabi ni Samantha. Inilagay niya ang ulo nito sa braso niya at maingat itong hinapit palapit sa kanya. "Sleep tight my Tamtam. Thanks for the food." Hinalikan niya ito sa labi nito na bahagyang nakaawang sunod sa noo. "I wont make you wait for me next time. I promise.
*******
ABALA Siya sa pagche-check ng grand hall sa sixty seven floor ng Hotel ng lapitan siya ni Kimberly. Ang party organizer na kinuha ng CEO para sa gaganaping malaking pagtitipon bukas ng gabi.
Mayaman at makapangyarihang tao ang may kaarawan bukas at malaking karangalan sa kanila na ang Hotel nila ang napili nito na pagdausan ng engrande nitong kaarawan.
"Ms. Gm I email you the list of the guest who will stay in the Hotel tomorrow morning."
"Are you talking about the guests who will attend the party tomorrow night?"
"Yes."
"Okay. Thanks for reminding me Ms. Archoleta. I check it later."
"Ms. Austine."
"Sir." Kimi niyang nginitian ang CEO. May dala itong maleta. Tanda na kababalik lang nito mula sa dalawang araw na business conference na ginanap sa Davao. And as usual, his wearing his branded pair of gloves. Palagi itong nakagloves saan man ito pumunta, nasa trabaho man, labas o kahit siguro nasa bahay lang. No one knew why.
Richard V is so strick and very mysterious man.
"How's the preparation? Is everything okay?"
BINABASA MO ANG
BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)
RomanceSamantha Austine. A young, beautiful and competitive general manager of one of the famous Hotel in the world. When her very own mother throw her away from their house she live with her bestfriend's condo. He's a genius and handsome and she's very lu...