Chapter 26; No One

42 1 0
                                    

"I'M Home....." Ang masigla niyang boses ay unti-unting humina at ang matamis na ngiti na nakaplastir sa mga labi ay dagling nabura sa bumungad sa kanya pagpasok palang ng Condo.

"Your back." Bahagya lang siyang sinulyapan ni Leighdon na muling itinuon ang pansin sa laptop na nasa harap nito at sa hawak na papel sa isang kamay. Kunot na kunot ang noo nito.

"What the hell happen?" Napa-face-palm siya at napailing-iling.

Dinaig pa yata ang dinaanan ng bagyo ang buong sala. Nagkalat sa sahig ang mga pinaglagyan ng mga inorder na pagkain, sapatos at mga nakabukas na folder, nakataob at mga binusungot na papel. Ilang disposable na lalagyan ng kape na nagmula sa mamahalin at sikat na coffee shop, base sa nakatatak na pangalan. Mga throw pillows at ang sofa ay may mga nakasampay na tuwalya, pantalon at damit. Meron din doon na binusungot na papel at ilang folder na halatang basta lang inihagis doon.

To her horror, makalat din pala sa kusina at kwarto. Ang lababo sa kusina ay tambak ng mga hindi nahugasang mga plato. May ilan ding gamit na plato sa lamesa at lata ng beer. May mga folder din at sign pen at sa kwarto naman walang ayos ang kama. Ang isang unan ay nasa sahig at sa ibabaw ng kama may mga nakasabog na papeles, ang iba nahulog na sa sahig. Nakahinga lang siya ng maluwag ng makita na maayos ang banyo.

Bago siya pumasok sa trabaho kaninang umaga sinigurado muna niya na maayos at malinis ang buong Condo. Nalate nga siya dahil sa paglilinis. Natagalan pa siya dahil ni Leighdon. Hindi ito nagpapigil na angkinin siya.

Simula ng maulit ang nangyari sa kanila ni Leighdon nasundan pa iyon ng nasundan. Animo sila gutom na gutom sa isa't-isa. Leighdon become addicted to her but she like it though.

She love all the attention Leighdon giving her. Naiinis nga siya minsan pag hindi siya nito pinapansin dahil abala ito sa pagtatrabaho. His a doctor pero tungkol lang lahat sa negosyo ang ginagawa nitong trabaho. Ang dahilan nito nagleave ito sa Ospital para asikasuhin muna pansamantala ang negosyo ng lolo nito. She just nod at him and didn't ask anything.

Gusto niya itong tanungin kung kailan ito aalis ng bansa pero nag-aalinlangan siya because deep inside her she don't want him to leave. Natatakot siyang umalis ito dahil alam niya na hahanap-hanapin niya ang presensya nito. Parang nasasanay na kasi siya na nakikita ito at nakakasama araw-araw. Hindi nga lang ito umuwi ng isang araw hinahanap-hanap na agad niya ito.

"Anong ginawa mo? Bakit ang kalat-kalat." Nakapamaywang siyang lumabas ng kwarto makatapos magpalit ng damit pambahay. She's wearing one of Leighdon's white polo shirt at tanging underwear lang ang suot niyang pang ibaba. She's comfortable with it and Leighdon like it when she's wearing his clothes.

"Just leave it. I clean them later."

She just rolled her eyes up and down. Alam niyang hindi mangyayari ang 'later' na sinasabi nito. Baka sa halip na luminis ay lalo lang dumami ang lilinisin niya. She thought Leighdon is a very neat and organize person but she was wrong. Napatunayan niya iyon sa pagtira niya sa Condo kasama nito. Yes, his a best cook, baka nga mas masarap pa itong magluto sa kanya pero napakalinis naman nitong magluto pero pagdating sa ibang mga bagay at gamit napakakalat nito. Minsan kailangan pa niya itong tulungan na maghanap ng papeles o folder na kailangan nito. Kapag hindi agad nito nakita ang hinahanap umiinit na agad ang ulo nito.

"What do you want to eat?" Tanong niya na nagsimula ng magligpit ng mga kalat. Wala namang ibang gagawa noon kung hindi siya lang din.

Hindi nagsalita si Leighdon. Hindi siguro siya nito narinig dahil seryosong-seryoso at tutok na tutok ang buong pansin nito sa ginagawa. Nagulat na lang siya mayamaya ng walang salita itong tumayo at tinulungan siya sa paglilinis. Lihim siyang napangiti at hinayaan lang ito. Hindi rin naman ito magpapapigil.

BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon