Chapter 47; Pursued

40 1 0
                                    

NAPAANGAT Ang ulo niya mula sa pagkakasubsob sa mga tuhod niya ng maramdaman niya ang paghinto ng isang magarang sasakyan sa mismong tapat niya.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakaupo lang doon, debating herself if she should knock or rang the bell.

"Samantha?" Gulat na gulat na bumaba mula sa backseat ng sasakyan si Edward. Halatang hindi ito makapaniwala na makita siya doon. He actually look at her as if he saw a ghost.

"D-dad." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng malaking gate.

"Hon—"

"Daddy!" Umiiyak niya itong sinalubong ng mahigpit na yakap. Nag-unahan na naman sa pagtulo ang sutil niyang mga luha at nahabag siya sa sarili at napagagulgol ng iyak ng makita ang daddy niya. Pakiramdam niya nakakita siya ng kakampi sa katauhan ng kanyang ama. Ayaw niyang ipakita o magpakita sa daddy niya na mesirable siya at mukhang talunan pero anong magagawa niya? Ang daddy lang niya ang alam niya na pupwede niyang puntahan. Alam niya na ito lang ang tao na makakaintindi sa kanya, he's her father after all. Ito na lang ang meron siya.

Akala niya naubos na ang lahat ng luha niya sa dami na ng nailuha niya sa buong durasyon ng byahe niya sa eroplano mula sa Pilipinas papunta doon sa LA, California. No, mula ospital palang kung nasaan si Leighdon at Abegail umiiyak na siya. Sa sobrang dami na ng nailuha niya bakit hindi parin iyon nauubos?

It's very tiring to cry nonstop but what can she do? She can't help it, she can't stop herself from crying. Kapag pinipilit niyang huwag imiyak mas lalo lang siyang napapaiyak.

"W-what are you doing here?"

"I miss you so much daddy!" Sabi niya sa namamaos niyang tinig. Siguradong namumugto na ang mga mata niya na bahagya narin niyang maimulat. She most look terrible now.

"Oh, honey don't cry, don't cry. Daddy misses you too hon." Edward kiss her forehead while patting her back and sweeping down his hand to her head to console her.


"D-dad p-pwede ba na dito na lang ako kasama mo?"

Natigilan ito at hindi agad nakasagot.

"Dad?" She look up to him with her pleading teary eyed eyes. "Please? J-just ......just let me stay here with you."

"What's wrong? Did something happen hon?" Mahahalata sa boses nito at makikita sa mukha ang matinding pag-aalala. Halata rin na naguguluhan ito sa inaakto niya at lalo pang nadagdagan ang pag-aalala nito ng sa halip na sumagot ay humagulgol lang siya ng iyak sa dibdib nito.

"S-samantha?"

"P-please, please daddy dito na lang ako sa'yo, I want to stay with you."

"What did your mom do to you?"

"S-she has nothing to do with me being here." Umiling-iling siya.

"Then what? What happen?"

Kahit anong tanong ang gawin ng daddy niya hindi siya nito napilit magsalita. Tanging mga hikbi lang ang maririnig mula sa kanya.

"S-salamat," nanginginig ang mga kamay na tinanggap niya mula sa daddy niya ang baso ng tubig. Naroon na sila sa loob ng mansyon at sa wakas kumalma narin siya at tumigil na sa pag-iyak.

"You okay now hon?"

"Y-yeah." Kagat labi siyang napatungo. Hiyang-hiya sa daddy niya at sa kanyang sarili. "I-i'm sorry to startled you dad."

Napahinga ito ng malalim. "You wont tell me a thing even I ask you why you suddenly flew back here crying your heart out, right hon?"

"S-sorry."

BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon