Chapter 46; Helpless

42 1 0
                                    

"BEBE Samy!"

"C-cc?" Napatayo siya at sinalubong ng yakap ang kaibigan.

"What happen Bebe Samy?" She didn't answer her, tanging pag-iyak lang ang naging sagot niya.

Nang makita ang kaibigang si Cc pakiramdam niya nagkaroon siya ng kakampi at hindi siya nahihiyang ipakita rito ang pag-iyak niya at ang totoo niyang nararamdaman, na sobra-sobra siyang nasasaktan ng mga sandaling iyon.

She was glad to have her, she need her to cry on.

Hindi niya napansin ang matangkad na lalaki na nakatayo sa bungad ng pinto. Kasama ito ni Cc at kung nagulat man ito o nagtaka ng makita ang walang malay na si Leighdon sa kama ay hindi ito kakikitaan ng anumang emosyon sa mukha. He just blankly took a glance to Leighdon.

"Samantha?" Nagulat at nagtaka si Cc sa ginawa niya pero walang tanong-tanong siya nitong niyakap pabalik at hingod-hagod ang likod niya, to console her. "Shh, shh, everything will be okay Samy, don't worry. P'Leighron will be okay."

Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi ng kaibigan. She want to tell Cc what she really feel, how broken she was, na nasasaktan siya at natatakot pero nahihiya siyang sabihin sa kaibigan na si Leighdon talaga ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Matagal na itong may gusto kay Leighdon at natatakot siyang aminin dito na mahal narin niya ang lalaki.

Hindi pa siya handang harapin ang galit ni Cc kung sakali. Hindi rin iyon ang tamang lugar at oras para isipin niya ang sariling damdamin.

"Sam ......." Cc held her hands at mababakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Ayos ka lang ba talaga? Your so pale."

Marahan siyang tumango. "I'm f-fine, s-sorry to startled you." Magkatabi na silang nakaupo ni Cc sa mahabang sofa sa prebadong silid na inoukopa ni Leighdon.

Aby was still in the OR, while Leighdon on the other hand was laying on the hospital bed still unconscious. Bukod sa daplis ng tama nito sa braso ay may tama din pala ito sa tagiliran. It's not a life threatening but because of over fatigue and his bleeding wound he collapse earlier.

Hindi niya mapigilang makonsensya habang nakatingin sa kamay ni Leighdon na may benda. She also blame herself, hindi siguro mababaril ng ganoon si Aby kung hindi dahil sa kanya, kung hindi siya dumalo sa kasal, kung hindi siya ang prenutektahan ni Leighdon.

Did Leighdon regret what he did? Siya ba ang sinisisi nito kung bakit hindi nito nagawang protektahan si Aby? Bakit? Patunay ba niyon ang hindi nito pagpansin sa kanya kanina?

Oo, nagpapasalamat siya at masaya siya na pinuntahan siya nito ng mga sandaling iyon pero  hindi naman niya hiniling na siya ang ang protektahan nito at hindi si Aby.

Tumulo na naman ang mga luha niya pero mabilis niya iyong pinahid.

"Your crying again."

"S-sorry."

"Are you sure your okay? P'Drake said you also get unconscious and been rush here."

"I'm ...... I'm f-fine really."

Napahinga ito ng malalim at hindi na siya kinulit pa kahit hindi ito kumbensido na ayos lang talaga siya.

"Tell me, ano ba talagang nangyari?" Mayamaya ay tanong nito pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan.

Umiling-iling siya. "I-i have no idea, bigla na lang may nagpaulan ng bala sa loob ng simbahan. Everything happened so fast, when I woke up the next moment nandito na ako sa ospital, a-and I-i hear Aby is on the OR."

BIG SHOT LEIGHDON; Love Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon