A Thousand Times
Gabriel
Lumipas ang maraming araw at mga buwan sa hacienda. Ganoon pa rin naman ang buhay dito, masaya at puro trabaho lang. Yung apat na Salvador, ganoon din, seryoso at determinadong manligaw. Ewan ko nga sa apat na iyon eh, sobrang gugwapo, sa akin pa talaga nag aaksaya ng panahon. Hays.
Marami na tuloy mga bulaklak at kung ano-ano pang mga regalo ang nakatambak sa bahay namin at sa kwarto ko. Grateful naman ako sa kanila, kasi napapasaya nila ako at naaapreciate nila kung sino at ano talaga ako. Minsan nga lang sakit sa ulo ang mga yon, masyado kasing pursigido kung manligaw at minsan naman nakakasakit ng ulo ko lalo na kung maka arte eh parang mga bata.
Minsan kasi ay nag inuman yung apat na Salvador sa mga empleyado ng Hacienda. Sabado yun at walang pasok kinaumagahan kaya okay lang na mag-inom hanggang sa makaya nila. Gabi na rin akong makakauwi sa bahay noong araw na iyon kasi tinulungan pa namin si nanay sa tinatapos niyang trabaho habang si tatay naman ay naghihintay lang sa labas ng mansyon.
"Ah Gabriel, nakita mo ba ang mga anak ko?" narinig kong nagsalita sa may pintuan ng kusina kung nasaan kami. "Magandang gabi po Don Lucio. Sa pagkakaalam ko po eh nakipag-inuman ata kila Mang Ador at iba pa" ang aking sagot na kaniya namang ikinagulat. "Hindi po nagpaalam sa inyo?" "Hindi eh, pero hindi naman nila kailangan pang magpaalam, malalaki naman na ang mga iyon. Kaya na nila ang mga sarili nila, may kailangan lang talaga ako sa kanila kaya ko hinahanap" sagot nito.
Si Don Lucio ay seryosong tao, malalim din ang kaniyang boses, at mapaghahalataan mo talaga ang kakisigan niya kahit na matanda na. Isa siyang kagalang-galang at karespe-respetong tao dahil sa bukod na mabait siya, mapag-bigay pa at matulungin pa sa kapwa.
Sa katunayan nga eh hininikayat siyang tumakbo para sa pagka-gobernador ng probinsya, kaso ay tinatanggihan niya. Ang sabi niya pa "hindi porket kaya mong tumulong at kaya mong manalo eh tatakbo ka, kaya mo namang tumulong sa ibang paraan, at baka mas makapahamak kapa kung tatakbo ka lang ng basta basta" doon talaga ako mas lalong humanga sa kaniya. Sana ganiyan din ang iniisip ng ibang tumatakbo nang gumaan man lang ang bansa.
"Ah Gabriel, pwede bang maka-utos sa iyo?" kalaunan ay sabi nito. "Oo naman po" sabi ko saka ako nagpunas ng aking kamay sa kitchen towel. "Ano po iyon?" "Pwede bang pauwiin mo na yung apat, total nakikinig naman iyon sa iyo eh" sagot nito sabay ngisi. Agad naman akong namula sa makahulugang ngiti nito, "Alam na kaya niya ang tungkol sa panliligaw ng apat niyang binata sa akin" tanong ko naman sa aking sarili bago ako tumango sa utos niya.
"Sabay na tayo anak, tapos naman na ako dito, para makauwi na rin tayo agad" sabi naman ni nanay saka kami lumabas na at hinanap si tatay. "Tay, alam niyo ba saan sila nag-inom?" tanong ko. "Sa pagkakaalam ko eh doon sa malaking kubo" sagot nito.
Umakyat na kaming tatlo sa truck saka pinaandar ni tatay ang makina. "Himala tay, hindi ka ata sumama sa kanila?" natatawa kong tanong dito. Ngumuso naman siya at tinuro si nanay gamit ang kaniyang labi. Natawa nalang ako sa kanila, kahit kailan talaga eh under si tatay ni nanay.
Sandali lang ang aming naging byahe at nakarating kami agad sa may kubo. Malakas na tawanan ang mariririnig mo sa kubo at talaga namang nagkakasiyahan ang lahat. Ako lang ang bumaba ng truck at hindi ko na pinababa sila nanay at tatay dahil alam kong pagod ang mga iyon. Tsaka madali lang naman ako, may susunduin lang akong mga matitigas ang ulo.
Bago ako tuluyang makapasok sa malaking kubo ay namataan pa ng aking mata ang sasakyang Jimny nung apat. Natanaw ko na rin silang apat sa loob kaya naman ay tuluyan na akong pumasok. Mapupula ang mga pisngi at mapupungay ang mga mata, walang mga suot pang itaas at nakasabit lang ang kanilang t-shirt sa balikat. Ganiyan ang apat na Salvador ang aking nadatnan. Lahat ay bungisngis kung makatawa. Nakita ko rin doon ang mga kaibigan kong sina Kadong.

BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomansaIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...