The Manager
Gabriel
Matapos kaming kumain ng ice cream ay nag-aya na akong umuwi. Agad kaming nakarating sa may parking area at inoccupy lang naman ng mga pinamili namin ang isang portion ng upuan ng van. Grabe ang dami nito, tsaka kahit ni isang gamit dito wala man lang akong nilabas na pera kahit piso.
Naguiguilty man ay isinawalang bahala ko nalang ito, hindi ko naman ito hiningi eh, kusa nilang ibinigay. Habang nasa daan kami ay tahimik ang lahat, seryosong nagmamaneho si Alejandro, at kaming apat naman ay bakas ang pagod sa mukha kaya hindi na nagawang mag-usap pa.
Sa hindi kalayuan ay may naririnig kaming tugtog, mailaw rin sa bandang iyon ng lugar. Sinundan iyon ng aking tingin hanggang sa kalauanan ay napansin ko ang umiikot ng ferris wheel. Perya ba yon?
"Anong tinitignan mo?" tanong ni Juancho sa malumanay na tinig. "Tignan mo doon oh, parang may perya" sabi ko sa kaniya. "Oo nga no?" sabi nito. "Gusto mo bang pumunta roon?" tanong nito sabay harap sa akin. Mabilis na kumintab ang aking mga matang tumingin sa kaniya, pero kalaunan ay nawala rin ang tingkad sa mga ito.
Nakakahiya na sa kanila, baka pagod na ang mga 'to tapos mag-aaya pa akong mag perya. Sasagot na sana ako ng hindi kay Juancho pero naunahan na ako nito. "Kuya, may perya doon oh, punta tayo. Gustong pumunta ni Gabriel" pagpapa-alam nito sa kuya Alejandro nito.
"Naku wag-" "okay" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsang-ayon ni Alejandro. Palagi nalang talaga akong kinacut-off ng mga lalaking to. Hindi na rin ako tumanggi pa nang iliko na ni Alejandro ang sasakyan papunta sa perya. Wala rin naman akong magagawa kapag nakapag-desisyon na ang mga to eh.
Nabuhay muli ang excitement sa puso ko nang papalapit na kami sa perya. Excited ako dahil ngayon pa lang ako makakapunta ulit ng perya. Huling bisita ko noong bata pa ako at magkasama pa kami ng mga magulang ko. Noong nasa puder na kasi ako ng tiyahin ko ay hindi ko na nagawang pang makapag-perya. Kaya ganoon nalang ang tuwa ko nang makakapunta na ulit ako rito.
Habang nakatingin sa labas ng bintana ay nararamdaman ko ang mabibigat na tingin sa akin kaya naman ay lumingon ako at dito ko nakitang nakatitig na pala sa akin ang tatlo, "Bakit?" tanong ko sa kanila, "You look like a kid" natatawang wika ni Javier. "Excited ka ba?" tanong naman ni Nathan. Mabilis pa sa takbo ng puso ko ang pag tango ko sa kaniya na para ngang bata. Natawa nalang sila sa akin.
"Ahhhhhhh ahhhhhh" "Hahahahaha" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at saya. Nakasakay kaming dalawa ni Juancho ngayon sa isang rides, ferris wheel, pero yung mabilis ang ikot. Nagpapalitan kami ng sigaw at tawa ni Juancho dulot ng mabilis na pag-ikot. Nakakatakot na nakakabaliw sa saya.
Medyo thrilling ang nakakakilabot sa tuwing mabilis na bumababa ang aming sinasakyan, yung para bang nahuhulog ka. Mapapakapit ka nalang talaga, at sa di namamalayan nga ay nakadikit na kami ni Juancho. Nagkatitigan kami dahil naramdaman namin ang isa't-isa hanggang sa nagsitawanan lamang kami dahil muli na namang bababa ang sinasakyan namin na parang hawla.
"Wooohhhh" "I'm enjoying this!" ako naman at si Javier ang sumakay sa isa na namang rides. Nakaupo lang kami sa isang silya na nakasabit sa itaas tsaka kami iniikot sa ere. Kitang-kita ko ang kabuuhan ng lugar at nakamamangha lang, napakaraming tao at mga food stall. Kita ko rin ang mga ilaw sa di kalauyan.
Humahampas ang malamig na hangin sa aking mukha at sabay akong napatingin sa aking katabi na hinahangin rin ang buhok at mas lalong nagliliwanag ang mukha. Malawak ang kaniyang ngiti na kitang-kita ang pantay at mapuputi niyang ngipin. Itinaas niya ang kaniyang kamay at inabot sa akin, ilang sandaling pagtitig dito ay inabot ko ang aking kamay sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang init na naggagaling sa kaniyang kamay dahil magkahawak kaming iniikot ng makina sa aming munting momento.

BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...