"I was standing at the bar counter when I saw you. Hindi ako makapaniwala, akala ko ay namamalikmata lang ako, pero ikaw nga," nakangiting sabi ni Baron, flashing his perfect white teeth. There was something different about him that she couldn't put into words. But one thing was for sure--Baron was gorgeous.
Sa kaisipang iyon ay hindi niya naiwasang makaramdam ng sakit sa pagkikita nilang muli. After all, they broke up because he lied to her. May karelasyon na pala itong iba na kasama nito sa bahay. Tapos balak pa siya nitong tuhugin nang araw na iyon?
Tumikhim siya at pilit na inayos ang sarili. She didn't wear any makeup, and she didn't know if she looked okay. Bigla siyang na-conscious sa kaharap. Hindi dapat ganoon ang muling pagkikita ng mag-ex. Dapat ay mukha siyang mas maayos ngayon, dapat mas gumanda siya, naging mas successful. Dapat na iparamdam at ipakita niya rito kung ano ang sinayang nito. 'Di ba at ganoon sa mga teledrama?
"W—What are you doing here, Baron?" mahinahon niyang tanong, kahit ang dibdib ay malakas na ang pagkalabog.
"Magpe-perform ang banda namin ngayong gabi dito sa party. Ikaw? Kaibigan mo ba ang celebrant?"
She scoffed at the question.
I will never be friends with the devil.
"No. Kaibigan niya ang pinsan ko kaya narito rin ako ngayon."
Pinong ngumiti si Baron, at naiinis siya dahil nag-gu-guwapuhan siya rito.
Three years ago, payat pa ang pangangatawanan nito. Noon pa man ay magandang lalaki naman na talaga ito, pero dahil sa kakaiba nitong porma at maputlang mukha at hindi iyon gaanong napapansin. But looking at Baron now, she could say otherwise.
He looked good-good. Nagkalaman na ang katawan nito, malinis na ring tingnan at kay aliwalas na ng mukha.
He must have stopped using drugs...
She scoffed again. Ano ba'ng pake ko? Niloko niya ako, dapat at hindi na ako nakikipag-usap pa sa kaniya!
Nakita niya ang waiter na dumaan kanina at nagbigay sa kaniya ng inumin, tinawag niya ito at muling kumuha ng isa pang kopita ng red wine.
Matapos siyang bigyan ay akma na sana niya iyong dadalhin sa bibig nang muling nagsalita si Baron. "Wow, hindi ko alam na umiinom ka na rin ngayon, Rome?"
"Occasionally, yes." Well, occasional naman talaga ang Christmas at New Year, 'di ba?
"You look prettier. I can't believe I'd see you here after three years. Hindi ako nag-sising sumama ako sa gig na ito."
Gusto niyang sabihin dito na h'wag na siyang utuin dahil sariwa pa sa isip niya ang ginawa nitong panloloko sa kaniya, at na hindi na siya padadala sa matatamis nitong salita. But then...
"T-Thank you, Baron. It's nice to... see you again."
Gaga!
Napangiti si Baron. "Can we catch up later? I would really love to speak to you. Mag-uumpisa na ang tugtog namin kaya kung pwede ka mamaya, pwede ba tayong mag-usap?"
Gusto niyang sabihin dito na hindi siya interesado, na uuwi na siya sa mga sandaling iyon. Pero katulad kanina ay muling nag-iba ang mga salitang inilabas ng bibig niya.
"Sure. Let's talk after your performance."
Ang mga mata nito'y kuminang sa galak. "I'll be singing a song for you tonight, Rome. I'll see you later, okay?"
Wala sa sarili siyang tumango. Muling napangiti si Baron saka umalis na. Sinundan niya ng tingin ang lalaking hanggang sa makita niya itong dumiretso sa sulok kung saan naroon ang parisukat na stage katabi ng DJ booth. Sa stage ay naroon ang dalawa pang mga lalaking may kaniya-kanilang instrumento. Ang isa'y piano habang ang isa'y drums.
Muli niyang nilagok ang laman ng kopita saka nakangalumbabang pinanood si Baron na inumpisahan nang tumipak ng gitara. She never saw him perform on the stage, but he did sing for her when they were still together. Kinakantahan siya nito noon through phonecall.
Dala marahil ng alak at ang magandang pagbabagong nakikita niya sa anyo ni Baron, ay hindi niya naiwasang magpantasya na silang muli ng lalaki. Gusto niyang suwayin ang sarili, pero mas nangibabaw ang espirito ng alkohol.
Second chances in love are the sweetest, they say...
Hindi naalis ang tingin niya kay Baron hanggang sa marinig niya itong nagsalita sa microphone. "Before we start, I would like to greet the celebrant with a happy birthday."
Nakuha nito ang pansin ng lahat. Nagpalakpakan ang mga guests nang mag-umpisa si Baron sa pagkanta. He was playing soft rock, ang iba sa mga bisita'y nakisabay sa lyrics, ang iba naman na may tama na rin marahil ng alak ay sumayaw sa gitna kasama ang mga partners ng mga ito.
Ang isang waiter na may dalang tray kung saan may naka-lagay na mga kopita ng red wine ay muling dumaan sa harap niya. Mabilis niya itong tinawag at muling nagrequest ng refill.
Ilang sandali pa'y sumisimsim na naman siya ng alak, habang ang mga mata'y nakatutok kay Baron. Nang tumingin ito sa direksyon niya ay hindi siya umiwas. Matagal silang nagkatinginan hanggang sa ngumiti ito at kinanta ang huling stanza habang ang tingin ay nakapako pa rin sa kaniya.
And the way I feel now I guess
I'll be with you till the end
Guess I'm on my way
I'm mighty glad you stayed
Why not...? she whispered in her mind.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
RomanceAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...