NAPASINGHAP siya. That's it! Bago pa siya lumaklak ng red wine ay may tama na siya dahil sa mga cupcakes na iyon. Kaya pala ganoon na lang ang hilo niya kanina?
"Nakalalasing pala pati mga pagkain dito... Paano ako uuwi nito...?" Biglang tila nahati sa dalawa ang babaeng bartender na kausap niya. Nahihilo na naman siya, at sa pagkakataong iyon ay mas malala na.
Ipinilig niya ang ulo.
No. Hindi pwedeng mahalata ng mga tao na lasing siya! Malilintikan siya kay Dudz!
Nilingon niya ang kinaroroonan ng pinsan, pakiramdam niya'y nasa bangka sila dahil tila gumagalaw-galaw ang kinauupuan niya. Pero pilit niyang hindi pansinin iyon--kailangan niyang mahanap si Doodz at maaya itong umuwi na.
Pero papaano niyang gagawin iyon kung maliban sa dim ang ilaw sa buong event center ay malabo at dumo-doble pa ang paningin niya?
Muli siyang pumikit nang mariin, humugot ng malalim na paghinga, saka nagmulat upang suyurin ng tingin ang paligid. Her vision was still blurry, but this time, she was able to spot Dudz. Pamilyar sa kaniya ang suot nitong damit. Nakita niyang nakikipagsayawan nito sa mga kasamang socialites, at tulad niya'y mukhang lasing na rin. Papaano sila uuwi?
"'Tong tukmol na 'to, sasayaw-sayaw, pareho namang kaliwa ang mga paa..." bulong niya sabay hagikhik nang makita kung papaano igalaw ng pinsan ang matigas na katawan. Hagikhik siya nang kagikhik hanggang sa matigilan siya.
Ooooppss! Lasing na ba talaga ako?
"Another round, Ma'am?"
Nanlaki ang mga mata niya sabay ngiwi. Ibinalik niya ang tingin sa babae--o sa mga babae, dahil ang paningin niya rito ay dalawa na. "'Di ko na kaya, day!" Napahagikhik siyang muli. She couldn't control herself, kahit walang nakatatawa ay natatawa siya. "H'wag mo na akong alukin ng alak, parang awa mo na. Hindi ko nga alam kung papaano pa akong makauuwi nito."
"Naka-book naman po ang buong event center, Ma'am, kasama na roon ang mga silid para sa mga panauhin. Kung hindi po ninyo kayang umuwi, pwede po kayong mag-stay rito buong gabi. Pili na lang po kayo ng silid na o-okupahin ninyo."
Oh, great news! Nais na niyang matulog talaga. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pag-gapang ng sobrang init sa buong katawan, ang pagkahilo at ang muling pag-dilim ng mga paningin. Ni hindi na niya maaninag ang mukha ng *dalawang *bartender na sabay pa kung magsalita. What were they, a twin?
She squinted her eyes. "Identical twin?"
"Po?"
"Kayong dalawa."
Nagtatakang lumingon-lingon ang dalawa.
"Sinong dalawa, Ma'am?"
"Wala kang kasama?"
Oh, she felt so dumb she couldn't help but laugh at herself again.
"Okay lang po kayo, Ma'am?"
"I would like to... take a room.. as long as it's free." Ngumisi siya para takpan ang kalasingan.
Oh gosh.. Malapit na malapit na at matutumba na siya sa kinauupuan dahil sa pagkahilo.
"No problem, Ma'am. Ihahatid kita sa bakanteng kwarto." Akmang aalis sa counter ang babaeng bartender subalit maagap siyang umiling— na ikina-hilo niya lalo.
"I'm fine. Ako na ang... maghahanap. Just give me the key and I'll find my way."
"Ma'am, it's part of my job to assist you--" Hindi na natuloy ng bartender ang sasabihin nito nang ang isang grupo, ang kabilang mesa katabi ng mesa nila Dudz, ay nagtawanan nang malakas dahilan upang agawin ng mga iyon ang pansin nila. Nakita nila ang dalawang lalaking sa sobrang kalasingan ay naghalikan sa ibabaw ng mesa, ang mga alak na nakapatong doon ay nahulog at bumagksak sa marmol na sahig.
![](https://img.wattpad.com/cover/345397999-288-k604426.jpg)
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
RomanceAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...