CHAPTER 068 - If Wishes Only Come True

307 10 0
                                    







Tatlong buwan pa ang mabilis na lumipas, at tuluyan nang lumobo ang tiyan ni Rome. Her whole family was always happy whenever she visits, lalo na ang mama at papa niya na maluha-luha habang nakatingin sa tiyan niya.

She would often visit because of Connie's upcoming wedding. Tinutulungan niya ang kapatid sa pag-aasikaso.

Simula nang huling pag-usapan nila ng kapatid ang tungkol sa relasyon nila ni Cayson ay lagi na siya nitong inaasar. But in her mind, she was grinning. Because no one would understand how special her relationship with Cayson was.

They were close. They had a great time. They understood each other. Isang tingin lang at alam na nito kung gutom siya, o siya rito. Isang tingin lang at alam na nito kung ano ang kailangan niya, and vice versa. Cayson had stopped seeing his women—at least to her knowledge—kahit pa nga ba hindi naman niya ito hinihigpitan.

She didn't want him to see his other women, pero kung gusto nito ay wala siyang magagawa. They had a deal, after all. A term she acknowledged and signed. Pero marahil ay inakala nitong sasama ang loob niya at baka makaapekto sa pagdadalangtao niya kapag gumawa ito ng kalokohan, kaya nag-pahinga muna ito sa pakikipagkita sa mga tsiks. It was something she was thankful of.

Hanggang sa mga panahong iyon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang damdamin nito sa kaniya, habang siya nama'y hindi rin maipaliwanag kung ano ang damdamin niya para rito. But one thing was for sure—they were both happy with each other.

Kahit abala si Cayson sa negosyo nito ay sinisamahan pa rin siya nito sa monthly check-up niya, niyayaya pa rin siya nitong lumabas at mamasyal, at sinusubukang umuwi ng maaga para may makasama siya sa mansion. There were times she would try to cook for him, pero nasasayang lang dahil hindi talaga makain ang mga niluluto niya—and her failures made Cayson laugh. Not the insulting kind of laugh, but full of amusement.

Sa gabi ay lagi siyang nakayakap dito. Masaya na siya sa ganoon. Bagaman nag-aalala siyang dahil hindi na niya maibigay ang pangangailangan nito at mag-umpisa na naman itong maghanap ng aliw sa ibang babae.

If Cayson would do that, she wouldn't stop him. Basta hindi lang niya malaman...

She was five months heavy with his baby, hindi na niya kayang makipagsabayan pa sa appetite ni Cayson. Bagaman may mga pagkakataong pakiramdam niya ay nangangailangan siya at nararamdaman nito iyon. They would have sex, but Cayson would be very gentle with her. If not, he would give her an oral—something she enjoyed a lot.

Sumasama na rin ito sa kaniya sa tuwing dadalaw siya sa mga magulang. He would buy them gifts and food that her family appreciated a lot. Maayos din ang pakikitungo nito sa buong pamilya. Dudz and Connie were both silent whenever Cayson would visit; parehong ilag.

Of course, Connie didn't like Cayson and she knew the real story—at si Dudz naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa pagitan nila ng kaibigan nito. Hindi ito makapaniwala na bigla na lang silang nagkatuluyan—hindi ito naging kombinsido sa estoryang sinabi nila. Pero wala siyang paki rito—ang mahalaga sa kaniya ay hindi nagduda ang ibang miyembro ng pamilya nila.

At kahit abala si Cayson sa trabaho nito sa Montemayor Travellers ay nagawa pa rin nitong samahan siya na dumalo sa araw ng kasal ni Connie. She knew Cayson had an important meeting that day, at inasahan na niyang hindi ito makadadalo. Nakaplano na nga sana sila ni Grany Althea na magpahatid sa driver nito, nang biglang ipinahayag ni Cayson na ni-cancel nito ang meeting para samahan sila.

Oh, kung alam lang nito kung anong ligaya ang naramdaman niya nang gawin nito iyon. She felt special.

At nang nasa simbahan na sila at hinihintay ang pagdating ng bride ay naging magiliw si Cayson sa lahat na nakipag-usap sa kanila—lalo sa mga guro sa MIC na pareho silang kilala. Their reaction was mixed—some were awed by the fact that she was able to tame someone like Cayson Montemayor, while others were scoffing.

Mamatay sila sa inggit, she thought.

"The bride has arrived!" sigaw ng wedding organizer. Ang mga nasa entourage ay pumila na—alam na ng mga ito ang gagawin dahil nakapag-reherse na. Ang groom na si Jack ay halata sa mukha ang kaba; he was pale and shaking, dahilan upang sikuhin ito ng ina na tumabi rito saka pagtawanan ng ama.

Napangiti lang siya. She knew Jack since the day Connie met him. Wala nang ibang naging bukambibig noon ang kapatid niya kung hindi ito. And she knew Jack's intentions were pure; he loved Connie and she was happy for them.

Natuon ang pansin niya sa labas ng simbahan kung saan nakita niya ang paghimpil ng bridal car. Doon sa loob ay ang mga magulang niya, at si Connie.

Sila ni Cayson ay nakatayo sa ika-apat na row ng pew, katabi ang ilang mga kamag-anak nila at kaibigan ng pamilya. Ang mga tiyahin niya, si Dudz, at si Granny Althea ay sponsors, kaya sa ibang row sila mauupo.

Nang mag-umpisa nang maglakad ang mga entourage patungo sa altar ay nakangiti niyang sinusundan ng tingin ang buong pamilya. At habang ginagawa iyon ay hind niya naiwasang isipin ang kasal niya.

It was simple and private.

She wondered if she would ever get a chance to wed in the church and walk down the aisle...?

Napalingon siya kay Cayson na ang tingin ay wala sa aisle, kung hindi nasa cellphone nito. He was texting someone, at kahit na magkatabi sila ay hindi niya magawang makita kung sino ang ka-text nito.

Lihim siyang napabuntonghininga saka ibinalik na lang ang pansin sa aisle.

If only wishes would come true...

THROUGH THE WIND AND THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon