CHAPTER 071 - Samantha

337 15 2
                                    







SI BARON ay kinunutan ng noo nang marinig ang sinabi ni Cayson. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa, naguguluhan.

Tumikhim siya at hinarap si Cayson. "Mauna na kayo nina Lola. Sasabay na ako kina Mama at Papa mamaya."

Doon naman kinunutan ng noo ang asawa. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

"Why are you staying?" he asked.

"Dahil gusto ko." Iuuwi mo lang naman ako sa bahay at iiwan din dahil kunwari, pupunta ka sa opisina pero ang totoo ay kikitain mo si Samantha. H'wag nga ako, Cayson. Gawain ko rin 'yan noong kami pa ni Baron! she wanted to add, but she pressed her lips instead. Ayaw niyang ipakita kay Baron kung gaano siya ka-miserable dahil sa sitwasyon nila ng legal na asawa.

Cayson's jaw flexed. At nagtaka siya dahil matagal-tagal na rin simula nang magpakita ito ng galit sa kaniya.

Galit?

Bakit ito magagalit?

"Kaya ka ba magpapaiwan dahil sa kaniya?" tanong pa ni Cayson na sandaling tinapunan ng tingin si Baron bago ibinalik ang pansin sa kaniya.

Huminga siya nang malalim, napa-iling sa pagkamangha. Pero imbes na sagutin si Cayson ay muli niyang hinarap si Baron.

"I'm sorry you have to see this."

"I'm... confused, Rome—"

"He is my husband," she said. "And he's a jealous one kaya pagpasensyahan mo na. See you around, Baron."

Walang ibang salita na iniwan niya ang dalawa.

At tulad ng inasahan niya ay sumunod sa kaniya si Cayson. Bago pa nila marating ang reception area ay nahuli na nito ang kamay niya. Huminto siya at muli itong hinarap.

"I wasn't jealous, don't flatter yourself."

"OK," ang tanging sagot niya bago binawi ang kamay mula rito. "Pero sana ay hindi ka umakto ng ganoon sa harap ng tao."

"You didn't expect me to be nice to your ex-boyfriend?"

"Kung wala naman siyang ginagawang masama sa'yo—o sa akin—bakit hindi? Unless nagseselos ka? Na sabi mo nga ay hindi, kaya ano ang problema?"

Wala itong naisagot. Subalit nakikita pa rin niya sa mukha nito ang inis. Na hindi niya maintindihan kung bakit ganoong ini-tanggi rin naman nitong hindi ito nagseselos.

Asa pa siya.

Huminga siya nang malalim; ang kaniyang tingin ay nalipat sa likuran ni Cayson kung saan nakita niya si Baron na nakasunod pa rin ang tingin sa kanilang dalawa. Ang mga kilay nito'y magkasalubong sa pagtataka.

"Kilala ba ng mga magulang mo ang lalaking iyon?"

Ibinalik niya ang tingin kay Cayson nang marinig ang sinabi nito. This time, his face went blank.

"No. I kept my relationship with him a secret." Hindi na niya kailangang sabihin pa rito na maaaring makilala ito ng papa niya.

"No one knew that guy?"

Umiling siya. Gusto niyang matapos na ang usapang iyon tungkol kay Baron. Ang lakas ng loob nitong kwestyunin siya tungkol sa ex niya samantalang ito'y malayang nakikipagharutan sa mga babae gamit ang cellphone nito?

"Okay." Binitiwan siya nito. "Magpaiwan ka kung gusto mo, hindi kita pipigilan. Aalis kami ni Lola. Magpahatid ka na lang sa mansion mamaya."

Wala na siyang naisagot nang tumalikod na ito at iniwan siya.

Kay lamig na naman ng turing nito sa kaniya na para siyang may ginawang mali.

Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago tinapunan ng tingin si Baron, ningitian, saka tumalikod na upang bumalik sa mesa nila.

THROUGH THE WIND AND THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon