"OH! How was your vacation?" maligayang pagsalubong sa kanila ni Althea Montemayor nang makababa sila sa kotse. Naroon ito sa porch at naka-antabay kasama ang dalawang katulong na kaagad na kinuha ang mga dala nilang gamit.Si Cayson ay lumapit sa abuela at humalik sa pisngi nito. "We had a great time, Gran. Thank you for sending us to Bali, naging mas malapit kami ng asawa ko."
"That's good to hear, apo." Ibinaling ng matanda ang pansin sa kaniya nang makalapit siya. Kaagad siyang nagmano, pero ang matanda ay hinila at niyakap siya. "You are glowing, Rome. Mukha ngang naging maganda ang epekto ng bakasyon ninyo sa iyo."
Habang nakayakap sa kaniya ang matanda ay sinulyapan niya si Cayson na nasa tabi nito at nakangisi sa kaniya. Alam niya kung ano ang iniisip nito.
Ilang sandali pa'y humiwalay na ang matanda sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. "Come, let's go inside and tell me what you did in Bali."
Nagpaakay siya sa matanda, at nilingon si Cayson na imbes na sumunod ay dinukot ang cellphone at iyon ang binusisi.
Alam niya kung ano ang gagawin nito. He was going to contact one of his women.
Sa naisip ay nalungkot siya—subalit nang muli siyang sulyapan ni Althea ay kaagad niyang inalis ang lungkot sa kaniyang anyo at nagpakawala ng pilit na ngiti.
"May binili po pala akong pasalubong para sa inyo," aniya rito.
"Oh, really? Masaya akong naisip mong dalhan ako ng pasalubong, hija."
Bago pumasok sa loob ng mansion ay muli niyang nilingon si Cayson, at doon ay nakita niya itong may kausap na sa cellphone nito. Nanulis ang nguso niya at itinuloy na ang pagpasok.
That guy was so inconsiderate—sana man lang ay nagpalipas muna ng 60 minutes bago nag-set ng date sa isa sa mga babae nito!
"Don't mind him, hija. Maraming naghihintay na trabaho sa kaniya pagbalik sa opisina at marahil ay kausap ang sekretarya niya. Let's go inside and see what you have for me, shall we? May reservation tayo sa Intercon mamayang alas siete ng gabi, we will dine with your family."
Nang maisip ang pamilya ay napangiti siya. Nami-miss na rin niya ang mama niya at si Connie na simula kahapon ay hindi na rin nagparamdaman. She would talk to her sister tonight.
***
"CONNIE, ano ba? Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi mo ako pinapansin," ungot niya nang sundan niya si Connie sa powder room. Patapos na sila sa hapunan at nakausap na niya ang mga magulang subalit si Connie ay nanatiling malamig sa kaniya.
Maayos itong nakipag-usap kay Althea Montemayor, pero deadma ito sa kanila ni Cayson. Hinintay niyang magpaumanhin ito para pumunta sa restroom, at nang dumating ang pagkakataong iyon ay kaagad siyang sumunod.
At nang makapasok sila roon ay kaagad na siyang nagpaliwanag. But Connie wouldn't say a single word. She was ignoring her. Para siyang hangin na nararamdaman nito pero hindi pinapansin.
"Cayson and I are trying to build friendship—para ito sa batang isisilang ko. At inasahan kong ikaw ang unang makaiintindi pero mukhang sarado ang isip mo."
Doon na siya hinarap ni Connie, ang anyo ay blangko.
"Kapag naging magkaibigan kayo ni Cayson, ano ang mangyayari? You will develop feelings, hindi ba?"
"O-Of course not—"
"Diyos ko, Rosenda! Sabay tayong lumaki kaya alam na alam ko ang ibig sabihin ng pagkakautal mong iyan!" Banayad siyang hinampas nito sa braso. "Ang rupok mo talagang babaita ka. I understand kung bakit mo ini-suhestiyon na maging magkaibigan kayo para sa bata, pero alam ko kung gaano ka-rupok iyang dibdib mo. Kung si Baron nga noon na kay layo sa ideal man mo ay pumasa sa iyo sa ilang beses lang na pakikipag-text mo kaniya, how much more kung magkakaigihan kayo ni Cayson?"
"Ang advance mo namang mag-isip, Connie, eh..."
"No, I just know where this is going because I know you better than anyone else in this building." Hinawakan siya nito sa magkabila niyang braso. "Cayson is way more attractive than Baron used to be. He is finer, and he probably knows how to make women go crazy. Paano kung pagtripan ka niya ay gamitin ang mga katangiang ginagamit niya sa mga babae para bumigay ka?"
Bumigay na nga eh...
"Tsk Connie, hindi ako type ni Cayson. Kaya bakit niya gagawin 'yon?"
Geez, hirap na hirap na siya sa pagsisinungaling niya.
"Well, for starters—alam ni Cayson ang malaking disgusto mo sa kaniya. Paano kung magplano siyang paibigin ka, tapos ay magpapanggap siyang nagkakagusto na siya sayo—iyon ay para paglaruan ka? Tapos, ikaw na may dakila subalit marupok na puso ay bibigay at mahuhulog sa kaniya. Pakitaan ka lang ng kaunting bait ay santo na kagaad ang tingin mo sa tao. If you fell in love with him, ano ang mangyayari sayo pagkatapos ng sampung taon? Hindi magbabago ang isang Cayson Montemayor sa isang tulad mo, Rosenda Marie. Nag-iisip ka ba?"
"Con—"
"Mambababae at mambababae 'yan hanggang may pagkakataon—and we both know that man is not capable of loving a woman, let alone be faithful to her. Gusto mo bang umiyak na parang loka katulad ni Precy noon? Oh God, you've seen how devastated she was back then—dalawang linggong wala sa sarili dahil sa Cayson na iyan. Hindi ko alam kung ano ang pinapakain ni Cayson sa mga babae niya para mabaliw sa kaniya— Lord. And now my very own sister?"
"I am not falling in love with him—"
"Not yet, maybe. Pero sa narinig ko noong nasa Bali kayo, at sa nakikita ko sa mga mata mo kanina habang kumakain tayo ay nararamdaman kong papunta ka na roon."
"Of course not—"
"Then how would you explain those sparkling eyes and sneaky gazes while we were eating?"
"Naglilihi ako at siya ang pinaglilihian ko, okay? Magana ang pagkain ko kapag nakatingin ako sa kaniya. My God, Connie. Pwede ba?"
Itinaas ni Connie ang noo, at diretso siyang tinitigan sa mga mata.
"Fine," Connie said after a while. Nasa tinig nito ang paghahamon. "Sabihin mo sa akin ang totoo—may nangyari bang hindi dapat sa pagitan ninyo ni Cayson Montemayor?"
Bigla siyang nalito; ang kaniyang mga mata ay naging mailap, ang kaniyang magkabilang pisngi ay nag-init, at bago pa man siya makasagot ay napabulalas na si Connie.
"Oh my God, Rosenda Marie! I am very disappointed in you!"
Isang mahabang paghinga ang pinakawalan niya, and in a desperate attemp, she said, "What's wrong kung may mangyari sa pagitan naming dalawa? We are married, Connie. And for us, walang ibang kahulugan iyon. Naglilihi ako at—"
"Oh! Sige, tama 'yan. Idahilan mo ang paglilihi mo." Hinagod ni Connie at noon, pumikit, tumingala, saka humugot ng sunud-sunod na malalalim na paghinga. Gusto niyang pagtawanan ang kapatid sa pagda-drama nito. Hindi yata naiintindihan ni Connie ang relasyong mayroon sila ni Cayson.
Wait...
Ano nga ba ang relasyon mayroon sila?
Friends with benefits.
Napasinghap siya sa naisip. That's right! She and Cayson could remain friends, but they could still have sex.
Of course. Uso na 'yon ngayon.
They were married, they were friends, and they benefitted from each other by serving sex.
Why not?
Napangiwi siya sa mga naisip. Ang gaga niya.
"Connie, Rome, kanina pa kayo r'yan," anang Mama nila na pareho nilang hindi naramdaman ang pagpasok sa powder room. "Let's go, gumagabi na."
Nang tumalikod ang ina nila at lumabas ay muli siyang hinarap ni Connie. Ang anyo nito ay may magkahalong dismaya, inis, at lungkot.
"Just don't come to me crying, Rosenda Marie. Kapag umiyak ka nang dahil sa lalaking iyon ay sasabunutan pa kita."
Tumalikod na si Connie at iniwan siya.
Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago sumunod.
That talk didn't go well. Tsk.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
Roman d'amourAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...