CHAPTER 022 - Dangerous Cupcakes

303 10 2
                                    


SINULYAPAN ni Rome ang oras sa relos at nang makitang mag-a-alas dies na ay inikot niya ng tingin ang paligid. She was looking for Dudz. It's been almost two hours since she last saw him.

Baron would sing for the audience every twenty minutes. May ka-reliyebo itong singer na babae na jazz ang genre, habang si Baron ay soft rock naman ang ina-awit. Kanta ni Bon Jovi, MLTR, at Air Supply.

Sa tuwing bumababa ito ng stage ay lagi siya nitong akmang lalapitan subalit bago pa man ito makarating sa table niya ay kaagad itong nahihila ng mga guests para kausapin hanggang sa maubos na lang ang oras nito. He also spoke with the devil, at iyon lang ang oras na inalis niya ang tingin dito*.* Iyon ay dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Cayson Montemayor.

Sa mga sandaling iyon ay nasa stage na muli si Baron para sa huling turn nito. Narinig niyang nagsabi ito kanina na iyon na ang huling performance nito sa gabing iyon, at pagkatapos ay magte-take over na ang DJ ng mga disco music.

Muli niyang inikot ng tingin ang paligid at hinanap si Dudz. Kanina pa niya hindi nakikita sa paligid ang pinsan. Ganoong broken-hearted ito ay baka maglasing at baka mahirapan sila mamaya sa pag-uwi.

Tumayo siya upang hanapin si Dudz subalit muli ay nakaramdam siya ng matinding hilo kasabay ng pagpitik ng ulo niya. Nai-tukod niya ang mga kamay sa mesa, yumuko, at ipinikit nang mariin ang mga mata. Hindi niya matandaan kung naka-ilang kopita siya ng champaigne sa loob ng dalawang oras na nakaupo lang siya roon. She was fine when she was sitting and staring at one direction, pero doon niya naramdaman ang matinding hilo pag-tayo niya. Umiling-iling siya saka muling nagmulat. Pilit siyang tumayo nang tuwid at binalanse ang sarili. And when she thought she could handle her steps, she started to walk.

Naglakad siya at nilampasan ang mga taong nasa daan. Malinaw niyang nakikita ang mukha ng mga iyon, subalit ang paligid ay tila umiikot na. Pakiramdam niya rin ay hindi sumasayad sa sahig ang mga paa niya, as if she was flying.

Nang marating niya ang gitna ng event hall ay bigla siyang nahinto nang muling maramdaman ang matinding pagkahilo. Ipinilig niya ang ulo at pilit na inaaninag ang daan.

Sa bandang dulo ng event hall, kung saan walang gaanong tao ay may nakita siyang bar counter. Huminga siya ng malalim bago pilit na diniretso ang paglalakad upang hindi siya mapansin ng mga tao roon na pasuray-suray. Nang marating niya ang bar counter ay humingi siya ng isang basong tubig sa bartender.

Nang makainom ng malamig na tubig ay guminhawa kaunti ang pakiramdam niya. Ayaw niyang ipahalata sa paligid na may tama siya ng alak, kaya nag-asta siyang maayos at normal. Nag-aalala siyang kapag may nakakakilala sa kaniya roon at nakitang lasing siya ay baka mapag-usapan siya at makarating pa sa buong pamilya.

"Rosenda Marie," ani Dudz sa likuran niya sabay kalabit sa braso niya.

Kaagad siyang napalingon. Gusto niyang tarayan ang pinsan pero dahil sa sama ng pakiramdam ay hindi niya magawa. Sa halip, ay pilit niya itong nginitian. Hindi niya sasabihin dito na may tama siya ng alak, mase-sermunan siya nito. "Uuwi na tayo?"

Napakamot ito sabay lingon sa kabilang dulo ng event hall kung saan may malaki at paikot na couch. Sa gitna niyon ay may glass table kung saan may nakapatong na malaking bote ng alak. It could be a whiskey or something, hindi niya alam. Basta ang alam niya ay alak iyon at mukhang maglalasing ang mga ito.

Ang mga taong naka-upo roon ay masayang nag-uusap. She could see a group of men and women, having fun while holding a glass of drink. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha ng mga ito, pero kitang-kita niya na ang isang bultong naroon ay kay Cayson Montemayor.

"May mga bagong dating na bisita si Cayson, mga dati naming kasama sa basketball team. Pwede mo pa ba akong bigyan ng isang oras pa? Kakauwi lang kasi ng iba sa kanila galing ibang bansa, makikipagkamustahan lang ako."

THROUGH THE WIND AND THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon