CHAPTER 047 - Cayson Learns About Baron

325 12 2
                                    




SA sobrang inis ay hindi bumaba si Rome nang tanghalian para sabayang kumain si Cayson. Ipinatawag siya nito sa katulong subalit nagmatigas siya. She asked the maid to bring her a glass of milk and cut fruits instead. At iyon ang ipinang-laman niya sa tiyan. Not surprisingly, Cayson didn't try harder. Ni hindi rin siya nito sinilip sa silid buong maghapon na ikina-sama na naman ng pakiramdam niya.

Gusto niyang umalis, lumabas muna para aliwin ang sarili. Tinawagan niya si Jiggy at niyaya ang kaibigang lumabas nang hapong iyon pero marami raw itong trabaho kaya hindi makapupunta. Connie was busy, too. Palapit na ang final exams at marami itong gagawin. And she knew how hard it was to work for a lesson plan, kaya hindi na siya nagpumilit.

Wala siyang ibang pinagpilian kung hindi manatili sa mansion at magmukmok sa kanilang silid.

Bandang alas seis ng gabi nang marinig niya ang pagdating ni Althea Montemayor, bumaba siya at sinalubong ito. They spoke for a while, kinumusta nito ang lagay niya at ang araw niya. She lied to the old lady, sinabi niyang maayos ang naging araw niya at na masaya siya dahil nasa bahay lang si Cayson. Mukha namang na-kombinsi ito at natuwa. Oh, that poor lady...

Sa hapunan ay bumaba si Cayson, at doon ay umasta itong mapagmahal na asawa sa harap ng lola nito. He was taking care of her, urging her to eat, making her feel loved just for the sake of his grandmother's satisfaction. Pero imbes na sakyan niya ang pagpapanggap nito'y naging malamig siya. She was being emotional and sensitive—ang anak niya'y ayaw makisama sa stage play na iyon. Buong araw siyang umasang sisilipin siya nito o kukumustahin, pero dahil wala ang lola nito sa paligid ay hindi man lang ito nag-abala. Dagdagan pa ang paninita nito sa kaniya kanina sa study room.

Oh, she couldn't and wouldn't participate in his act anymore! At wala na rin siyang pakealam kung mapansin iyon ni Althea Montemayor!

"Tapos na po akong kumain, Lola. Aakyat na po ako." Ang akma niyang pag-tayo ay nahinto nang kaagad na sumagot ang matanda.

"Pero hija, halos wala ka namang kinain ngayon?" Nasa tinig nito ang labis na pag-aalala. Ang tingin ay nagpalipat-lipat sa kaniya at sa pagkaing nasa plato niya na halos hindi rin naman niya na-galaw.

"Busog po kasi ako," pagsisinungaling niya. She had no appetite and she was not hungry. Hihingi na lang ulit siya ng gatas sa katulong mamaya, para kahit papaano ay may laman ang tiyan niya. "Kumain po ako kaninang hapon."

"Oh, is that so?" Muli itong ngumiti. "Okay, magpahinga ka nang maaga ngayon. Don't forget to take your vitamins, you have to be healthy so you can handle the childbirth in eight months."

Tumango siya at akma nang tatalikod nang hawakan siya sa braso ni Cayson. Nilingon niya ito at nakitang patayo na rin ako.

"Tapos na rin ako, Gran, " anito. "Aakyat na rin ako at sasamahan si Rome sa—"

"No, hindi ba at may tinatapos ka pang trabaho?" kontra niya. I am not participating in this act anymore, Cayson. H'wag na tayong mag-usap hanggang sa makanganak ako, animal ka. "Just finish your meal and I'll see you in a bit." Binawi na niya ang kamay mula rito at tuluyan nang nilisan ang dining area.

Pagdating sa taas ay kaagad siyang dumiretso sa banyo at naghugas ng katawan. Makalipas ang dalawampung minuto ay lumabas siya sa banyo; handa nang matulog. Ang akma niyang paghakbang patungo sa kama ay nahinto nang makitang nasa single couch malapit sa bintana si Cayson at tila naghihintay sa paglabas niya.

Maingat niyang inisara ang pinto ng banyo, sandaling nakipagtitigan dito bago siya huminga nang malalim saka umiwas ng tingin at itinuloy na ang paglapit sa kama.

"What was that, Rosenda Marie?"

Umikot siya sa bahagi niya ng kama at inalis ang makapal na kumot. "What was what?"

THROUGH THE WIND AND THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon