CHAPTER 028 - Chasing After The Demon

335 8 2
                                    


"HINDI pa rin siya tumatawag sa'yo? It has been two days since you called him, hindi man lang ba niya naisip na baka may importanteng bagay kang ipakikipag-usap sa kaniya, like pregnancy because he fucking didn't use protection?"

Napasulyap siya kay Jiggy na namumula sa panggigigil. Naroon sila sa paborito nilang coffee shop kasama si Connnie na nanlulumo rin.

Dahil nauna siyang natatapos sa Montessorri ay siya ang unang sinundo ni Jiggy, bago nila sinundo si Connie sa MIC. Nagpaalam silang magkapatid na may bibilhin lang sa mall kaya hindi na nagtanong ang mga magulang nila.

Siya ang nagyaya sa dalawa na magkita roon at pag-usapan ang sitwasyon niya dahil hindi na siya nakatulog nang maayos simula nang tawagan niya ang brusko dalawang gabi na ang nakararaan. Nag-aalala siyang mahihirapan siyang kombinsihin itong iligtas siya at ang pamilya niya sa kahihiyan.

"Ayaw kong pakasal sa taong iyon, pero iyon lang ang naiisip kong paraan para iligtas ang pamilya natin sa kahihiyan," aniya makaraan ang ilang sandali. "Kahit na halos gusto ko na lang mamatay kaysa ang makasama siya bilang asawa. Pero kaya kong magtiis, h'wag lang muling mapahiya ang pangalan natin. Ayaw ko nang maging disappointment sa buong pamilya."

Si Connie ay ginanap ang kamay niya. "Let's go to his office. Baka nakalimutan lang niya na tumawag ka."

"Yes, puntahan natin doon at sugurin!" si Jiggy. "Kung hindi siya madadaan sa tamang usapan ay idaan natin sa dahas. Baka gusto niyang maging shotgun wedding pa 'to, aba, ako ang bahala."

"There is no need for that," ani Connie sabay iling.

Nagpakawala siya ng isang mahabang buntonghininga. "Ayaw kong lumaki ang tiyan ko nang hindi ko nasasabi kina Mama at Papa ang totoo, Connie. Alam mo bang itong uniform ko ay unti-unti nang naninikip?"

"Okay, ganito." Kinuha ni Connie ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag at ibinigay sa kaniya. "Tawagan mo siya ulit, and this time, go straight to the point. Kapag narinig niya ang kondisyon mo ay baka makinig siya at bigyan ka ng oras."

Atubiling kinuha niya ang cellphone sa ate saka binuksan iyon. Sunod ay hinanap niya ang numero ni Cayson at nang makita'y sandali siyang natigilan.

Ang dalawa'y nagkatinginan nang makita siyang tulala. May ilang segundo pa ang lumipas at nabagot na si Jiggy. Kinuha nito ang cellphone mula sa kaniya at ito na mismo ang pumindot ng call button kasunod ng speaker mode.

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sunud-sunod na ring.

Tatlo sila'y pinanatili ang tingin sa cellphone na ipinatong ni Jiggy sa mesa, naghihintay na may sumagot mula sa kabilang linya.

Subalit nahinto ang ring, at sinundan ng voice recorded message.

Ni-pindot ni Jiggy ang redial button, at tulad kanina'y muli silang naghintay.

Ang ilang mga customers na nasa kabilang mga mesa'y napapalingon sa lakas ng ring ng cellphone niya, subalit hindi nila—niya inalintana iyon. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin kapag sumagot si Cayson.

Aawayin niya ba ito dahil hindi man lang ito tumawag matapos niyang sabihing may kailangan silang pag-usapan na mahalagang bagay? O sasabihin na niya nang diretso ang pakay niya?

Bago pa man siya makapag-pasiya ay tumigil na ang ring.

May sumagot na sa kabilang linya.

And it was him.

"What is it again?"

She opened her mouth to say something, but she just suddenly froze like an idiot. Ano ba kasi ang sasabihin niya? Bigla siyang nag-blackout.

THROUGH THE WIND AND THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon