CHAPTER 017 - Uninvited

323 8 0
                                    


SAKAY ng taxi ay narating nila ang pagdadausan ng party na sinasabi ni Dudz. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tagal nito sa trabaho ay hindi pa rin ito maka-bili ng sarili nitong sasakyan, samantalang kaya naman nitong gawin iyon. 

Nag-iisa lang itong anak ng Tita Marites niya. Nakatira pa rin ito sa mga magulang na parehong may mga trabaho. Ang ama nito'y isang electrical engineer at nagtatrabaho sa main supplier ng electricity sa buong Maynila. Wala itong ibang pinagkakagastusan— kaya kung gugustuhin nitong makabili ng kotse ay kakayanin na nito.

Pero naisip niyang hindi lang marahil maluho si Dudz, kaya tamang bili lang ito ng mga damit at sapatos pamasok sa trabaho.

And speaking of clothes and shoes— napangiwi siya nang makita kung saan ida-daos ang birthday party ng kaibigan nito.

Alam niya ang lugar na iyon dahil minsan na iyong na-feature sa telebisyon. Kadalasan iyong ino-okupa para sa mga wedding, corporate and or birthday events na pawang mga mayayaman lang ang naka-a-afford. Wala pa yatang isang taon ang lugar na iyon na nakatayo pero kilalang-kilala na sa buong bansa. Sigurado siyang hindi basta-bastang mga tao ang naroon sa loob ng event centre.

Hindi niya napigilang yukuin ang sarili. Mabilisan lang siyang nagpalit ng damit bago umalis at kung ano na lang ang nahugot niya sa cabinet ay iyon lang ang isinuot. Na-kontento siya sa white t-shirt na may print na Mickey Mouse sa gitna at maong na pantalon. Sa mga paa ay sneakers na puti. Nagmukha siyang kolehiyala sa suot na pupunta lang sa school para mag-enrol.

Nakasimangot niyang nilingon niya si Dudz na naghihintay ng sukli mula sa driver. "Hindi ka man lang nagsabi na bonggang event ang pupuntahan natin, hindi sana'y nagbihis ako nang maayos."

Hinagod siya nito ng balewalang tingin saka nagkibit ng balikat. "You look fine."

"Ugh," she rolled her eyes upwardly, opened the door, and swung her legs out.

Pagbaba nilang pareho ay naunang naglakad si Dudz papasok sa foyer. Mabilis siyang sumunod sa pinsan at pagkarating sa loob ay namangha siya at sandaling natigilan nang makita ang ilang mga bisitang naroon. The ladies were all wearing expensive signature cocktail dresses while the guys were wearing casual clothes!

Tsk, sabi na!

Bakit kasi hindi man lang siya sinabihan ni Dudz na magsuot nang maayos? Ang sabi nito'y walang dress code pero heto at siya lang ang naiiba sa lahat! Mas matino pa nga ang itsura ng mga waitresses na naroon!

Hindi niya alam kung itutuloy pa ang paghakbang papasok. Huminto siya sa likod ng entrance door at sandaling nagdalawang isip. Pero nang lingunin siya ng pinsan na naroon na halos sa gitna ng maraming mga bisita ay naka-nguso niyang itinuloy ang pagpasok. Oh well, sa dami ng bisita, she wouldn't be noticed. Sa hula niya'y nasa sincuenta lang ang taong naroon at pawang mga hindi niya kilala.

Nang makalapit siya kay Dudz ay kinurot niya ito sa braso dahilan upang mapa-ngiwi ito.

"Walang dress code, ha? Nagmukha akong nawawalang bata rito, kainis ka!" she hissed.

"Chill, wala namang pakealamanan ng damit dito," anito saka inilibot ang tingin, hinahanap ang mga kasamahan. "At isa pa, wala rin akong ideya na puro socialites ang tao rito, ang buong akala ko'y kami-kaming magkakaibigan lang. Ni hindi ko kilala ang mga tao rito ngayon. And I wasn't supposed to go, ikaw itong kinumbinsi akong h'wag magmukmok sa bahay at pumunta na rito." Muli siya nitong niyuko. "At eh ano naman kung ganyan ang damit mo? Mahiya ka kung butas-butas 'yan."

Hindi na siya sumagot at inikutan na lang ito ng mga mata.

Muli nitong inikot ang tingin. "Nasaan na ba 'yong celebrant?"

Inilibot din niya ang tingin sa paligid. Malibang mga socialites ang bisita ay pawang halos mga kaedad lang din nila. Wala siyang makitang bata o matanda. It was as if the party was inteded for people their age.

Itinuloy niya ang pag-suri sa paligid hanggang sa dumapo ang kaniyang mga mata sa sulok kung saan naroon ang buffet table. Sa ibabaw niyon ay may mga samu't saring pagkain na ikina-laki ng mga mata niya. Bigla niyang nakalimutan ang hiya sa suot at nakaramdam ng matinding kasiyahan.

Oh, pakiramdam niya sa area na iyon ay may liwanag at tinatawag siya.

Apat ang mga nakahilerang mesa, at sa bawat isa ay may sari-saring cuisines; from Special Filipino dishes to different kinds of pasta, to authentic sushi and sashimi. Sa kabilang dulo naman ng mesa ay steak section, at sa isang mesa'y magkahalong Filipino and imported desserts.

She drooled.

She's a glutton, kaya ang maka-kita ng ganoon ka-raming masasarap na mga pagkain ay kaligayahan na para sa kaniya. Ngayon ay wala na siyang pakealam sa suot niya— all she wanted to do at that time was to eat until she burst.

Nakaramdaman na siya ng pagkalam ng sikmura, kaya siniko niya si Dudz at akma na sanang magyayaya na kumain nang agawin ang pansin niya ng malakas na tawanan sa bandang gitna ng hall. Pinapalibutan ng mga ito ang isang matangkad at matipunong lalaki na may hawak na baso ng alak sa isang kamay habang ang isa'y naka-akbay sa isang maganda at sexy na babae.

Sandali siyang kinunutan ng noo habang sinusuri ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa. There was something familiar about the man that she couldn't tell. She squinted her eyes and stared at him more.

Until... a loud gasp came out of her throat.

Cayson Montemayor!

TO BE CONTINUED...

THROUGH THE WIND AND THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon