TWO DAYS. Ganoon ka-tagal na hindi nakauwi si Cayson matapos ang araw na pumunta sila sa OB clinic para sa ultrasound ni Rome.
Kung hindi lang ito tumatawag para kumustahin ang lagay niya ay baka nag-alala na siya kung ano ang nangyari rito. He would call to check on her—asking if she was eating right and if she needed anything. Those were only short calls; not even letting her converse with him. Gusto niyang itanong kung kailan ito uuwi pero ayaw niyang muli nitong sabihin sa kaniya na i-review ang terms bago siya magtanong.
Si Althea Montemayor ay tinatanong din siya tungkol sa apo nito, and she would end up sending Cayson text messages. Pagkatapos ay malalaman na lang niyang tumawag ito sa lola upang ipaalam ang lagay.
Sa loob ng dalawang araw na iyon na wala ito ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-ikut-ikot sa mansion na parang loka. Magkulong sa silid nila para manood ng kung anu-ano, o magbasa ng libro sa home office ni Cayson. Gusto niyang bisitahin ang mga magulang pero parehong abala ang mga ito dahil malapit na ang closing of school year. Si Connie naman ay may asawa na at alam niyang maliban sa abala ito sa trabaho ay may obligasyon na rin ito bilang maybahay. Gustuhin man niyang makipagkita sa kapatid ay naiintindihan niyang hindi na siya nito mabigyan ng kaunting oras.
How she wished Jiggy was closer; siguradong hindi ito magdadalawang-isip na puntahan at samahan siya. But Jiggy was just newly promoted and her job in Cebu was hectic. Isang beses sa isang linggo na lang silang nag-uusap nito via chat.
Kung naroon sana ang ama ng dinadala niya ay baka kahit papaano, may gawin siya. She could just even sit across him, watch him silently as he did his job and that would already make her happy. Ganoon lang ka-simple ang gusto niya, at alam iyon ni Cayson.
Hindi ba siya nito naisip?
Sa ikatlong araw ay nagpasiya siyang huwag magmukmok. She cleaned up their closet; pinaghiwalay niya ang mga luma at bago niyang mga damit. Ang mga luma ay ipamimigay niya sa mga katulong. Mukhang hindi na rin niya maisusuot ang mga iyon dahil malibang pang-college girls ang iba ay pawang maliliit na sa kaniya.
She also cleaned her shoulder bags and took all the rubbish out. At habang nililinis niya ang isa sa mga bags ay may nakita siyang maliit na business card. That was Baron's. At doon niya naalala ang paanyaya nito noong huli silang nagkita.
Naisip niyang walang masama kung paunlakan niya ang paanyaya nito; they were both behind their pasts, at pareho na silang naka-move on.
She dialed Baron's number and waited for a few seconds before someone answered on the other line.
"How may I help you?"
It was a woman.
Sinulyapan niya ang business card; it was Baron's name that was written on it, and the services he offered were listed on that piece of paper as well.
DJ
MC
Solo Singer
Real Estate Agent
"Oh, wow..." usal niya. Hindi niya akalaing maliban sa pagpe-perform ay isa rin itong real estate agent.
"Hello?" pukaw ng babae sa kabilang linyan.
"Y-Yes. I'm looking for... Baron Marquez?"
"Hi. You are calling his business number. He left his working phone at home, but I can just relay your message. Is there anything you needed help with?"
Left his phone at home?
Muli siyang napasinghap.
"Oh, is this Baron's wife?"
BINABASA MO ANG
THROUGH THE WIND AND THE RAIN
RomanceAmidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wrong hotel room The next morning, she woke up naked next to the man she hated the most--- Cayson Montem...