CHAPTER 085 - The Audacity!

340 18 15
                                    



HINDI NAWALA ang sama ng pakiramdam niya sa buong araw. Umabot ang gabi na patuloy ang pananakit ng lower back niya at ng kaniyang ulo. Sa tulong ni Jen ay nakaligo siya, at inalalayan siya nito hanggang sa pagbihis. Naka-ilang balik na rin ito sa silid niya upang dalhan siya ng pagkain at maiinom.

Sa buong araw din na iyon ay hindi na tumawag si Cayson, which was normal dahil sa gabi ito madalas na tumawag sa kaniya.

Nakabukas lang ang TV sa buong maghapon, katutulugan niya ang palabas, at sa muli niyang pagmulat ay iba na naman ang nasa screen. Her consciousness was in and out, at ang kaniyang lagnat ay bumalik nang gabing iyon.

"Dadalhin na kita sa ospital, Rome," ani Granny Althea nang puntahan siya nito nang gabing iyon. Kararating lang daw nito nang sabihin ng mga katulong ang tungkol sa kondisyon niya.

Umiling siya at pinilit na bumangon sa kabila ng pananakit ng ulo at likod. "Kaya ko naman po, Gran. Baka hindi rin ako maging komportable sa ospital."

"Pero baka mapaano kayo ng dinadala mo, Rome. I need to call Cayson and tell him to come back—"

"H'wag na po natin siyang abalahin, Granny. Uuwi na rin naman po siuya sa makalawa." Pilit siyang ngumiti upang ipakita sa matanda na ayos lang siya. "Kung nag-aalala po kayo sa akin ay sasabihin ko po kay Jen na dito muna siya sa kwarto manatili sa buong gabi para may kasama ako."

Ginagap ni Althea ang kaniyang kamay. Nasa tinig pa rin ang pag-aalala nang muling nagsalita. "H'wag kang mag-alala at ito na ang huling out of town trip ni Cayson. Nakausap ko siya at sinabi niya tinatapos lang niya ang ilang mga mahahalagang appointments niya at mag-uumpisa na muli siyang magtrabaho rito sa mansion. He was also planning on getting an indefinite leave before and after your childbirth, kaya abala siya ngayon. Kaunting panahon na lang, hija..."

Pinigilan niya ang pag-ismid.

Of course, Cayson needed to attend those 'important appointments'.

Oh, sa tuwing naiisip niya ang asawa ay sumasakit lalo ang likod niya, at ngayon ay pati puson.

Nag-usap pa sila sandali ni Althea hanggang sa dumating si Jen dala-dala ang dinner niya. Hindi umalis ang dalawa hanggang sa hindi niya naubos ang dalang pagkain sa kaniya; at least ay may gana siyang kumain sa kabila ng sama ng kaniyang pakiramdam.

Sinabihan na rin niya si Jen na doon matulog sa silid upang masamahan siya. Nagpaunlak ito, at nang bandang alas nueve ay umakyat dala-dala ang makapal na comforter. Doon ito sa couch matutulog.

The night was bad for her. Ilang beses siyang nagigising dahil sa nananakit niyang likod, ilang beses niyang ginising si Jen upang alalayan siyang pumunta sa banyo para maka-ihi siya, at humingi na rin siya rito ng basang bimpo para sa lagnat niyang tumaas nang gabing iyon.

She was restless, and that night, she started to get worried about her condition.

Hindi na iyon simpleng sakit lang.

Mukhang tama nga si Granny Althea; mukhang kailangan nga niyang pumunta sa ospital.

Alas-sinco nang madaling araw nang magising siyang muli, and this time, her condition had gotten a little better. Salamat sa basang bimpo na inilagay niya sa kaniyang noo. Her fever broke, somehow, but her back pain was still there. Nahihilo pa rin siya, kaya muli niyang pinilit na matulog.

Alas nueve ng umaga nang muli siyang magising. This time, she was feeling a lot better. May basang bimpo pa rin sa kaniyang noo, na siguradong nilagay ni Jen doon. Sa bedside table ay mayrong tray na natatakpan ng aluminum food cover.

THROUGH THE WIND AND THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon