CHAPTER 02

6.9K 152 0
                                    

SAMARA POV:

Katatapos lang ng klase namin at uwian na..
Nagugutom narin ako kasi hindi ako nakapag lunch kanina kasi bawal lumabas kaya no choice ako kundi mag tiis. Pinilit ako nila joyful na kumain nalang pero ayuko talaga. Kasi ng elementary ako ng kumain ako sa canteen namin ay sumakit ang tyan ko non at matagal tagal bago gumaling kaya truma na ata ito saakin. Haay!!

"Grabe nuh! Si miss Cortez ang structure natin this hall year. Grabe ang sungit sungit niya naman nakakatakot." Sabi naman ni joyfull papunta na kami ng parking lote ngayon.

"Ou nga pero okey na yun..Si miss Marteniz nga ehh masungit rin pero crush mo." May pangungutya kung sabi dito. Namula naman ito kaya napatawa ako. Tsk!

"Hoyy! Hindi ahh ang issue mo!" Depensa nito. Napatingin naman ako ky karen na tahimik lang kaya napatingin din doon si joyful. Nag katinginan naman kami ni joyful pero sabay din kaming umiling.

"Hoyy! Karing okey kayo?" Sabi ni joyful ky karin ng siniko niya ito. Tiningnan naman niya kami ng masama kaya napamaang ako dito. Problema nito?

"Wag niyo akung kausapin. Mainiti ang ulo ko?" Masungit na sabi nito.

"Dahil ba sa pinahiya ka ni Miss Lim? Ok lang yan crush mo naman yun." Dahil sa sinabi ni joyful ay nabatukan siya nito kaya natawa ako. Lumayo rin ako ng aambahan rin niya ako. Tangina! Ang sakit na nga ng batok ko ehhh!

"Pinag sasabi mong hayop ka? Hindi ko yun gusto nuh! Ang redflag masyado! Mang bababae nalang ako kesa gustohin ang babaeng yun. Yuc!" Mejo malakas na sabi ni karing at andito narin kami sa parking lote.

"Ako ba ang sinasabihan mong redflag Miss Pardales?" Dahil sa boses na yun ay kahit hindi kami ang sinabihan ay nanigas kaming tatlo sa kinatatayuan namin at dahan dahan lumingon sa likod namin. At doon namin na kita ang tatlong dragon na ang sasama ng tingin samin. Mukhang sabay sabay pa kaming napalunok ng makita naming masasama ang mga tingin nila. Tangina kasi!!

"I'M.ASKING.YOU.PARDALES." Madiin at sala sa lamig na sabi ni miss Lim kaya napa tungo kaming dalawa ni joyful. Bahala ka jan karing kasalanan mo yan. Huhuhu

"A-ah..Miss Lim. H-hindi po ikaw yun..Ahm yung babaeng nakasagutan ko ka-kanina po." Kanda utal-utal na palusot ni karing. Napakagat naman ako ng ibababg labi para pigilan ang tawa ko. Napalingon din ako ky joyful at nakita ko itong pinapalobo ang mga pisnge niya para rin pigilan ang tawa.

"I hate liar, Pardales. Pag nalaman kung ako ang pinag uusapan niyo lagot kayo sakin." Malamig na sabi ni Miss Lim. Npatingin ako sa paa ni karing at kita kung nanginginig na ito kaya walang pasabi na hinila kuna si joyful palayo sa kanila at ng makalayo ay sabay pa kaming tumawa ng malakas. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

"Putanginang karing na yan! Tanggal angas ahhh!!" Natatawang sabi ni joyful

"Ou nga..bwahahha kawawa ang babaeng yun bwahahahaha haaay karing." Sabi ko naman. Imagine ang siga siga at sungit sungit sa kahit na sino pero tiklop lang ky miss lim. Bwahahahaha nakahanap na siya ng katapat bwahahahahahahaha

Nang tapos na kami sa kakatawa ni joyful ay bumalik na kami doon pero si karing nalang ang nakita namin at tulala lang ito sa kawalan. Anyare dito.

"Hoy! Hoy! Karing okey kalang?" Tanong ko dito nang may pag aalala. Kasi naman hindi man lang kumukurap.

"HOOOOOY! TERESETA!!" Sigaw ni joyful sa pangalan ng nanay ni karing actually THERESE talaga ang pangalan ng nanay niya pero tereseta lang ang tawag namin. Napakurap kurap naman ito at ng maayos na ito ay napalayo kami iwan natrutruma na ang katawan namin ky karen. Mapanakit ehh.

My Professor SungitWhere stories live. Discover now