SPECIAL CHAPTER

5.6K 129 15
                                    

VINCE P0V:

"So, mga alagad ready na ba kayo?" Tanong ko sa dalawang anak ko.

"Ay! Ay! Captain." Sabay na sabi nilang dalawa. Kaya tumango ako at nag saludo. Ganon din ang ginawa nila..

Kaming tatlo ang mag kakampe sa lahat ng kalbaryo dito sa bahay dahil sa mga elsa na yun!!

Hindi naman sa itong dalawa lang ang favorite ko..pati naman ang tatlong yun, pantay pantay na pag mamahal ang binibigay ko sa kanina.

Kaya kaming tatlo ang palaging mag kasangga dahil inaapi lang kami ng mga yun. Tsk! Makakaganti din kami. Hmp!!!

"So, na ayus na ba lahat ng camera?" Tanong ko ulit na ikinatango nila. Nag high five naman kami dahil..gusto lang namin.

Ipraprank namin ngayon ang mga elsa na kunyari mga lasing kami. Bwahahahahaha well idea tuh ni second kaya sana naman hindi kami nito mag bahay bahayan sa labas may matulugan lang. Hoh!!!

"Oh..that's great! Tara..kuha na tayo ng mga drinks na mga nilipat natin kagabi." Sabi ko at tumango sila kaya lumabas na kami sa karaokehan..well dito kami mag vi'video..

Maluwag ang hide out dito kaya marami ang rooms..iba iba sila like librarry, online games, gym, court, at marami pa pero nakakalula lang talaga.

Sakto ang pag labas namin sa elivator ay ang pag stop nito sa living room. Pero dahil nakapag plan na kami ay hindi namin sila pinansin.

Well pare-pareho silang nanunuod at nag paka dikwatro pa. Andito rin si lene dahil day'off niya ngayon..

Ramdam kung nakatingin sila saamin pero hindi nalang namin yun pinansin. Dumeretso kami sa kitchen at kinuha namin ang mga beer in can na gatas lang talaga ang laman. Ginawa namin ito kagabi ng patago kaya hito..magagawa namin ngayon ang prank na LASING-LASINGAN prank.

Nang makuha namin ay ako na ang nag buhat ng dalawang kapon na beer in can at ang dala naman ng mga anak ko chichireya..

Naglakad na kami ulit papuntang elivator at sumakay..
Habang hinihintay namin mag sara ang pinto ng elivator ay napansin ko na saamin sila nakatingin at mga nakakunot noo pa..

Nakita ko rin ang pag taas ng kilay ni lene ng makita ang dala ko pero wala, matigas tayo ngayon..bwahahahahaha kami ang master dito para alam nila.

Nang makapasok uli kami sa karaokehan ay sabay sabay pa kaming napabuntong hininga..nag katinginan naman kaming tatlo at sabay sabat natawa.

"Ma, nakita mo ba yung mga tinginan nila?" Sabi ni forth. Tumango naman kami ni second.

"Nakita ko nga yung pag taas ng kilay ni mommy ng makita niya yung dala ni momma." Natatawang sabi second kaya natawa narin kami ni forth. Tudas talaga!!!

Inayos na namin ang mga dala namin sa dikalakihang table at kaharap nito ang malaking tv..naayos narin namin ang mic at pag kanta nalang talaga.

Kung pumunta sila dito ay makikita agad nila ang ginagawa namin dahil glass naman ang wall nito, ghaddd!! Kinakabahan talaga ako..pambira kasing mga bata na ito!! Hmp!!

Nag iinuman na kami at sunod sunod na tangga ang ginagawa ng dalawa sa hawak nilang beer in can bwahahahahhahaha natatawa nalang ako dahil feel na feel nila kahit gatas naman talaga ang laman non! Tsk! Mga gago talaga!!

Tumatango tango kami ni forth habang sinasabayan namin ang pag kanta ni second.

Namamangha talaga ako dahil manang mana niya ang boses ko..pati narin si forth iwan ko doon sa apat na yun..dahil hindi ko pana man sila naririnig na kumanta..at sa tinagal tagal namin ni lene ay hindi parin siya kumakanta. Hmp!!!

My Professor SungitWhere stories live. Discover now