SAMARA P0V:Namamangha kung inilibot ang panigin ko sa kwarto namin. Wow...ang ganda lang!! Parang gusto ko na dito mag paiwan.
May tatlong kama naman ito at mini chandelier sa gitna at may tv rin sa wall na nakadikit at may veranda rin dito. Wow!!
Nakita ko naman na tumalon pareho sila karing at joyful pahiga sa kama nila. Nasa mag kabilang gilid ko sila at nasa gitna ang akin. Gusto ko sana sa may gilid kaso naunahan na ako. Kaya lumapit na ako sa kama ko at inilagay kulang muna ang bag ko at patalon ding humiga. Mamaya kuna lang aayusin. Ky tatlong cabinet sa gilid kaya mamaya nalang. Matutulog muna ako.
"Haaaay! Makakapag pahinga rin sa wakas." Malakas na sabi ni karing kaya napaangat ako ng tingin.
"Wow ha!! Ehh mas pagud pa ata si Miss. Lim kesa sayo..ikaw na nga ang nakasandal sa balikat niya ehh!" Sabi ko dito. Inirapan naman ako ng gaga!
"Heh!! Kasasandal ko palang yun sa kanya dahil siya naman ang sumandal sakin ehh!" Sabi nito kaya napatango tango ako. Okey! Napatingin ako ky joyful pero napairap din dahil tulog na pala ito. Haaay! Natulog kaya tuh!? Kasi kanina parang pagud na pagud siya at hinihilot hilot niya rin ang balikat niya. Hmm!!
Napagdesisyonan kuna lang din na matulog dahil nakakapagud rin naman. Haaaaay!!
Mamaya nalang ulit guy's! Mwaaa!!!
"Abno! Abno!! Gising na kakain na daw!" Gising sakin ni joyful. Haaay! Ang sarap pa ng tulog ko ehh.
"Hmmmmm" ungot ko dito. At nag inat inat.
"Gising na dahil gabi na ohhh!!" Dagdag pa nito kaya napamulat ako ng mata at tumingin sa may vernada na salamin ang pinto at kita sa labas. Ou nga gabi na!!
Bumangon ako at nag lakad papuntang banyo..hindi muna ako nag bibihis. Hindi pa naman ako mabaho! Nag hilamos at nag mouth wash lang muna ako. Haaay! Buti nadala ko tuh nong paalis na ako ng kwarto. Naalala kulang naman kasi minsan tinatamad ako mag tootbrush. Ehe!!
Pag kalabas ko naman ng banyo ay gising narin si karing at pumasok narin siya para seguro mag hilamos.
Nangmatapos si karing ay lumabas na kami ng kwarto namin. Pare pareho pa kaming walang ligo. Bwahahaha naligo naman kami kaninang umaga ehh kaya okey lang tuh!! Hindi naman kami mabaho!!
Nang makarating kami sa baba ay sakto namang nakasalubong namin si Miss. Galapon, Maganda rin siya pero masungit rin. Haay!! Bat ang sungit nila? Tsk!
"Good evening po miss, asan po ang daining erea?" Tanong ni karing. Umirap muna ito bago sinabing sumunod sakanya! Problema non? Tsk!
Pagkarating namin doon at nasa kanya kanya na ng table ang mga studyante at nasa iisang mahabang table naman ang mga gurang Iste professor. At andoon na rin siya pati ang bebe nila karing. Pumunta naman kami sa mga nakahilarang pag kain at kumuha doon ng ibat'ibang putahe.
Nang nacontento na ako sa pag lagay nang pagkain sa plato ko ay ngiti ngiti na akung pumunta sa bakanting lamesa at katabi lang nito ng mga professor pero wala muna akung pake dahil nagugutom ako. Haaay!!
Kumakain lang ako nang kumakain ng biglang kinuha ni joyful ang balat ng fried chiken ko. Tangina! Tinanggal ko yun dahil ihuhuli ko sa pag kain.
"Hoy! Balik mo yan." Sigaw ko dito wala akung pake kung napatingin sila sakin. Nginisihan naman ako ng gaga at bigla niya itong kinain na ikinalaki ng maliliit kung mata! Putangina! Yung balat ng chiken ko..
Napanguso naman ako dahil doon at tumingin ky karing na subra na ang pagyuko! Problema nito? Nilibot ko ang aking paningin habang naka nguso at huminto ito sa kabilang table kung nasaan sila dhalia at kasama rin nila si hanz..yes yung nerd hanz nalang ang tawag ko sa kanya dahil bagay ito sa kanya. Natatawa naman nila akung tiningnan kaya sinamaan ko sila ng tingin at inirapan. Che!!!
Napatingin ulit ako ky joyful nangiti ngiti parin ito habang nakatingin sakin.
Mabilaukan ka sana!!
At ayun nga ang gaga. Nabilaukan ng tumingin ito sa table ng mga professor. Kaya napa palakpak naman ako dahil sa tuwa. Pero si karing nag kandarapa itong bigyan ng tubig. Bwahahahahahahaha
Ang saya!!
"Animal ka! Mamamatay na ang tao, tuwang tuwa ka parin?" Sabay batok sakin ni karing kaya napakamot ako sa batok ko habang nakanguso!! Inaanu ko ba siya!? Tsk!!!!
"Siya naman ang nauna ehh!!" Parang bata kung sabi at gusto ko nalang umiyak. Kinain niya yung balat ng chiken ko!! Hmp!!
"Hala! Hala! Hala! Sorry na..wag kang umiyak.." Pag aalo sakin ni karing. Suss bahala siya jan! Pumatak na ang luha ko habang nakanguso at nakahalukipkip habang umiiyak. Susumbong ko sila ky mama pag uwi!! Hmp!!
"Shhh! Tahana samara..nakatingin na silang lahat satin!" Sabi naman ni joyful at inirapan ko siya. Pake ko! Bigla naman itong tumayo at tumakbo kung saan. Tsk! Patuloy lang ako sa pag iyak at pinapatahan na ako ni karing na pulang pula na ang mukha dahil sa hiya seguro. Ehh yung balat ng chiken ko ehhh!! Huhuhuhu
"Here. Shh now." Sabi ni joyful at inabutan ako nito ng balat ng chiken at mejo marami siya kaya ngiti ngiti ko itong kinuha at hinalikan pa ito sa pisnge niya. Nakarinig ako ng singhapan pero hindi ko iyun pinansin. Nakangiting pinunasan naman ni joyful ang luha ko kaya nginitian ko ito habang ngumunguya pa ako. Ang sarap talaga ng balat ng friedchiken. Yummy!!
"Haaaay!! Naku naman!!" Napatingin ako kay karing dahil narinig ko ang pag bulong niya. Tumingin naman ito saakin kaya nag lungkot lungkotan ako. Nataranta naman ito at agad na ngumiti saakin ng hanggang tenga pero plinastik lang yun. Tsk!!
Inirapan ko siya na ikinangiwe niya at tumingin ulit ako ky joyful at nakangiti parin ito saakin. Ang pangit!!
Actually gusto kulang sila pag tripan. Bwahahahahahaha ou aaminin ko nakakahiya yun pero nangunguna ang kalukuhang naisip ko ehh bwahahahahahaha sensya na tao lang!!
Napatingin naman ako sa table ng mga prof. At ganon nalang ang gulat ko dahil lahat sila nakatingin saakin at nakangiti pa! Anung nangyari sa kanila? Pati mga malalamig na prof ay nakangiti na saakin? Astig naman!!
Bwahahahahahaha mukha silang tanga!!!
---------------------------
Please vote☆