Halos maihi na sa kaba si Gio sa kakahintay kung lilingon ba si Red o hindi. Malapit nang lumiko ang dalawa nang biglang lumingon si Red sa gawi nila Gio kaya tuwang tuwa naman siya.
"There! Lumingon!" Scale exclaimed with joy.
"OA lang?" Bulong ni Sorpia kay Scale
Bulong ni Sorpia kay Scale.
"You're just bitter," bulong pabalik sakanya ni Scale. "I'm not bitter... Sadyang team Karl ako," sagot na pabulong ni Sorpia kaya tinitigan naman sya ni Scale na nagtataka.
"Blue... Lumingon sya," tuwang tuwang wika ni Gio.
"I know, nakita ko," pamimilosopo ni Blue kay Gio kaya napakamot naman ito ng ulo. "Biro lang. Paano ba yan looking forward sa panliligaw mo," dagdag pa ni Blue.
...
Bahagyang siniko ni Scale si Sorpia saka itinuro si Desa na nasa likod lang ni Blue, tahimik kaya napagpasyahan nilang lapitan ito.
"Oh paano ba yan mukhang ikaw nalang yung nag iisang T-O-R-P-E," pang aasar ni Scale kay Desa dahilan para irapan sya nito.
"Paano ba kasi hindi gumagawa ng paraan para mapansin," dagdag pa ni Sorpia. "Ikaw rin naman ah torpe," balik na pang asar ni Desa kay Sorpia kaya nakurot nya ito sa tagiliran.
"Aray! Nananakit ka ha... Makasabi kayo ng torpe ako eh si Sorpia nga-" naputol ang sasabihin ni Desa nang makurot sya ulit ni Sorpia. Naiwan namang nagtataka si Scale sa pinaggagawa ng dalawa
...
"Um," tumikhim si Severo na may hawak na mga bulaklak; bouquet of Dahlias.
"Blue," wika ni Servero kaya napatakip naman ng bibig ang mga chismosa at bahagyang napa tili. "Pwedeng excuse me? Nahaharangan mo kasi sya" dagdag pa ni Severo. Natawa naman si Blue sa pabor ni Blue nang marealize nyang natatakpan nya si Desa kaya umusog sya ng bahagya sa gilid.
Mas lalong napatili ang mga chismosa nang lumapit si Severo kay Desa.
"Desa..." Tawag ng binata kay Desa na halos mag mukang hinog na kamatis sa pula.
Tinanggap ni Desa ang bulaklak na dahlia galing kay Severo na may hiya at ngiti sa mukha.
"Pwede bang manligaw?" Tanong ni Severo sakanya. Napalingon naman si Desa kay Blue na kinikilig sa gilid.
"Akala ko si—" magsasalita pa sana si Desa nang maputol ito dahil nagsalita rin si Severo.
"Akala mo si Blue? Nag usap na kami tungkol dun. She made me realize what I've been missing for, and I'm sorry that it hurt you, can I be your prince... Again?" Tanong ni Severo sakanya na ikinagulat ng lahat.
"Mhie? Anong again? Bakla anong AGAIN?!" Gulat na gulat na tanong ni Scale. Hindi sya makapaniwalang hindi nya alam kung bakit sinabi yun ng kuya nya.
"Ikaw yung kapatid, and you don't know why," pang aasar ni Sorpia kay Scale kaya nabatukan sya nito.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...