54

22 1 14
                                    

Pagdating ni Red sa opisina nya tatlong sobre agad ang bumungad sakanya, isang royal blue na may palamuting gold at dalawang normal na sobre

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagdating ni Red sa opisina nya tatlong sobre agad ang bumungad sakanya, isang royal blue na may palamuting gold at dalawang normal na sobre.

"Ano to?" Tanong ni Red kaya napakingon naman si Scale sakanya na nasa gilid lang at nagtatrabaho sa sarili nyang desk.

"Invitations sa mga event, yung royal blue galing sa Lyxeeries at yung dalawang puti galing sa CLV Travels," paliwanag ni Scale kaya napalingon naman sakanya si Red.

"CLV Travels? As in Claveria Travels?" Tanong ni Red at tumango naman si Scale. Inunang buksan ni Red ang galing sa Lyxeeries at tiningnan ang invitation. "Ang ganda ng design mali pa spelling ng apelyido ko," dagdag pa ni Red at bumuntong hininga, sinunod nyang buksan ang puting envelope para tingnan ang imbetasyon.

"Sayo yung isa Scale," saad nya pa at inabot sa secretary nya yung isang sobre.

Habang nakatingin si Red sa invitation ng CLV Travels hindi nya maisawang mag-isip ng kung ano ba ang tunay na pakay ng kalaban sa pag-imbita sakanya.

"Malapit na pala, dalawang araw nalang. Sige, pupunta tayo," malamig na saad ni Red.

"Pero yung CLV Travels yung iniiwasan mong kumpanya?" Tanong ni Scale kaya napatango si Red.

"Yes, pero gusto ko rin malaman ang totoong motibo nila. Kailangan lang nating maging ready para hindi tayo maisahan," sagot ni Red at hindi na sumagot si Scale at tumango nalang saka nagpatuloy sa trabaho.

"Nasaan si Desa? Bakit si Sorpia lang ang nakita ko sa labas kanina?" Pagbabago ng usapan ni Red.

"Hindi kayo magkasama?" Naguguluhan ding si Scale at umiling naman si Red.

"Hindi, si Karl ang kasama ko kanina," pagkaklaro ni Red.

"Alam kong umalis ka kasi sinabihan mo pa nga akong mauna na dito eh, pero ang akala ko kasama mo si Desa," saad naman ni Scale at nakatingin lang sakanya si Red. "Nung lumabas sya ng kwarto namin nakabihis sya tapos umandar na yung kotse mo," dagdag pa ni Scale.

"Tawagan mo nga," utos ni Red kaya sumunod naman kaagad si Scale at tinawagan si Desa.

Tahimik at payapa ang pagtatrabaho ni Scale at ni Red sa opisina ng CEO nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Hailey na natataranta.

"Ate Red!" Natatarantang sigaw ni Hailey kaya nagulantang naman sina Scale at Red.

"Ano ba! Kumatok ka nga," inis na saway ni Red at pinagpatuloy ang pagtatrabaho.

"Yung pageant sa school ngayon yun," saad ni Hailey pero walang pakealam si Red at nagtatrabaho lang.

"Oh eh ano ngayon?" Walang ganang sagot ni Red at nakafocus lang sa gawain na nasa desk nya. "Natulungan na kita, I'm sure natahi na rin at nasukat mo na yung damit na ini-sketch ko for you so ano pa ginagawa mo dito," dagdag pa ni Red at magsasalita na sana si Hailey nang bigla nanamang bumukas ang pinto ng opisina nya kaya tatlo na silang nagulat. Napatingin sila kay Jane na kakapasok lang at natataranta rin.

WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon