Yakap-yakap ni Blue ang kapatid niya habang nasa taas pa rin sila ng stage. Umiiyak pa rin si Red, nakatakip ang mukha, at kinakausap ni Blue. Medyo malapit sila sa mic kaya kahit mahina, rinig pa rin ang boses ni Blue at ang paghikbi ni Red.
"Okay lang 'yan," pagpapatahan ni Blue, hinahagod ang likod ni Red.
"Hindi ko dapat sinabi 'yon, nasira tuloy ang event," bulong ni Red, boses niya nanginginig.
"Hindi, tingin ka sa akin," hinawakan ni Blue ang pisngi ni Red, pinipilit siyang tumingin. "Galing mo, okay? Ang tapang mo. Tingin ka sa ate, pakita mo mukha mo." Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Red na nakatakip sa mukha niya.
"Yung mascara ko, baka kumalat," natatawang sabi ni Red, pero ang mga mata niya ay puno pa rin ng luha.
"Sabi ko sayo, Lyxeeries mascara gamitin mo, hindi nasisira o nagmamantsya," sagot ni Blue, at natawa naman ang iba dahil sa narinig nila.
"Aba'y, kapal mo! Nasa R Empire ka, nag-a-advertise ka pa talaga! Sana dun mo sa mic sinabi," naiinis na sabi ni Red. Kaya lumapit naman si Blue sa mic. "Lyxeeries mascara is a smudge-proof mascara; waterproof, it will help you enhance the look of your eyes by thickening, lengthening, and generally darkening your lashes. We can promise you high quality," pabirong advertisment ni Blue.
Nagtawanan naman sila sa ginawa ni Blue, at nahampas naman siya sa balikat ni Red.
"Aray ko, nananakit ka nanaman! Sabi mo sa mic ko sasabihin," reklamo niya, habang pinupunasan ang luha ni Red.
"Pinapatawa lang kita, hindi mo na kailangang ikwento lahat. Sigurado akong naiintindihan nila kung bakit," pagpapagaan ni Blue ng loob ni Red.
Binigyan ni Karl ng upuan si Red, at pinaupo nila ang dalaga sa harapan ng stage, nakaharap ang lahat sa malaking screen.
"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ni Red, pero sinabihan lang siya ni Karl na manood lang dahil para sa kanya ang video presentation.
Nang makaupo ng maayos si Red, saka nag-umpisa ang video presentation. Isang video appreciation para sa kanya, at may background music na "Unsung Hero" by King & Country. Ipinakita sa video ang mga litrato niya noong bata pa siya, at ang mga video niya.
Tuwang-tuwa naman si Red habang pinapanood kung gaano katigas ang ulo niya dati. Halos lahat ng kapilyahan ng bawat bata ay napunta sa kanya, lahat din ng mga contest na sinalihan niya at achievements niya nilagay doon. Hindi maiwasang maluha si Red habang pinapanood ang video.
Video niya sa ballet class, pagkanta ng opera, pagsali sa mga car racing competitions, pangangabayo at ang pinakamarami sa lahat ay ang pagtulong niya sa kapwa tao ng walang kapalit. Tuluyan nang bumagsak ang luha niya nang bumati sa kanya ang mga batang tinutulungan niya sa orphanage.
"Hi po ate Riri, thank you po sa lahat ng tinulong mo sa amin, we love you po! See you sa susunod na dalaw mo sa amin," bati ng mga bata sa video, at kumaway-kaway. Sunod namang lumabas sa video ang mga natulungan niyang taong may sakit, lalo na ang mga kagaya niyang may sakit sa puso.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...