35

25 1 0
                                    

Kanina pa pabalik-balik ng lakad si Rosas habang hawak-hawak ang wine glass nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa pabalik-balik ng lakad si Rosas habang hawak-hawak ang wine glass nya.

"Bwisit, bwisit, bwisit! Mga lalaki nga naman... Napakasakit sa ulo. Plagen in de samenleving, plagen in mijn leven!" Galit na hiyaw ni Inang Rosas at tinungga ang wine na hawak-hawak nya.
(Plagues in society, plagues in my life!)

"Hello, nandito ako, lalaki ako oh, and you know I can understand Dutch," pagpaparinig ni Spades na nakaupo sa sofa at hawak ang isang basong whiskey.

"I know, I can't just find the right word and yun yung lumabas sa bibig ko, anong magagawa ko," katwiran ni Inang Rosas at ininom nya ang wine na halos kanina nya pa hawak-hawak.

"Arghh!" inis na hiyaw ni Inang Rosas at itinapon ang wine glass na hawak nya sa sahig dahilan para mabasag ito.

"Mainit nanaman ulo mo, nabasag oh," saad ni Spades kaya mas lalong uminit ang ulo ni Inang Rosas.

"Alangan namang tumalbog yan. Gawa sa kristal yun tapos hinagis ko sa sahig malamang mababasag!" Galit na hiyaw ni Inang Rosas kay Spade, halos pumutok na ang ugat nya sa leeg sa kakasigaw.

"Wala akong pakialam kung saan gawa yan ang akin lang baka matamaan ka," nag-aalalang sagot ni Spades sa babae kaya napatigil si Inang Rosas at tumingin sakanya.

"Bakit ka ganyan?" Tanong ni Inang Rosas kay Spades habang nagtatakang nakatingin sakanya. "What do you mean ganyan?" pabalik na tanong ni Spades kay IR.

"Ganyan. Acting like my father," mahinahong tanong ni Inang Rosas.

"Wala lang, need mo kasi," sagot naman ni Spades at may kasamang panunukso.

"Well, that's rude," wika ni Inang Rosas at bahagyang na-offend sa sinabi ni Spades pero tinawanan lang sya ng ginoo.

"I'm kidding, hindi mo kasi tinatandaan yung mga nangyayari eh. Nung bata ka pa around 10 or 11 years old ka yata nun lumapit ka saamin ng mommy Orlaya mo," pagpapaalala ni Spades sakanya.

"Well, naaalala ko yung tinawag ko yung asawa mo ng mommy but I don't recall calling you daddy," direktang sagot ni Inang Rosas kaya napahawak sa dibdib si Spades at umarteng nasaktan.

"Ang harsh mo talaga saakin... Daddy naman tawag mo sakin dati ah tapos nung nagibang bansa ka pag uwi mo dito, Spades nalang," nakangusong tugon ni Spades kaya bumuntong hininga si Inang Rosas.

"Ang selfish ko naman kapag tinawag kitang daddy eh hindi mo naman ako kaano-ano tapos yung sarili mong anak hindi mo maasikaso and ako tong inaalagaan mo. I have my own parents kaya, ok na ako sa Spades lang," pagbubunyang ni Inang Rosas ng dahilan kung bakit hindi na nya tinatawag na daddy si Spades.

"Weh talaga ba, sige, sayang naman may ginawa pa naman akong mango float," pasimpleng wika ni Spades kaya napalingon sakanya si Rosas.

"Saka na pala yung ‘Spades’ bukas na yun. Penge po ako daddy!" parang batang humahabol ni Rosas kay Spades kaya natawa naman ang ginoo.

WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon