36

15 1 0
                                    

Biyernes ng umaga at masyado nang nakakahalata si Ella sa iwasan ng kambal dahil simula nung pag-gising nya palang umiiwas na ang dalawa sa isa't isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biyernes ng umaga at masyado nang nakakahalata si Ella sa iwasan ng kambal dahil simula nung pag-gising nya palang umiiwas na ang dalawa sa isa't isa.

"Scale, pakiabot nga nung cellphone ko," utos ni Red sa secretary nya dahil nakapatong malapit sa inuupuan ni Blue ang cellphone nya.

"Ikaw yung malapit–" wika ni Scale, pero tiningnan naman sya ni Red kaya wala syang nagawa kundi kuhanin ang cellphone at iniabot kay Red saka bumalik ulit sa pagkakaupo.

"Ang lapit-lapit ng phone nya sakanya, bakit di nya kunin, ikaw pa uutusan eh ang layo mo," bulong ni Severo sakanya kaya nasiko nya ito.

"Nasa tabi kasi ni Blue kanina pa yang iwas serye nila," bulong pabalik ni Scale sa kuya nya.

"Nay, tingnan mo po, may nakita akong damit bagay na bagay sayo for your birthday," nakangiting saad ni Blue at tumabi kay Ella.

"Patingin nga," interidasong sagot ni Ella kaya ipinakita naman ni Blue sakanya ang iPad kung saan nandoon ang litrato ng damit habang naiinis na tinitigan sila ni Red.

"Ang cute naman. May butterflies pa," puri ni Ella sa damit na may disenyong mga paru-paro.

"Ano ba 'yan, anong akala mo kay nanay bata?" pangungutya ni Red sa design na ipinakita ni Blue sa tablet nya, tumayo si Red at lumapit kay Ella nang masagi nya ang iPad na hawak ni Blue kaya nalaglag.

"Oh, Sorry," ngising saad ni Red at tuluyang lumapit kay Ella para ipakita ang design sa sketchbook nya.

"Aba ang ganda ah, classy," puri ni Ella sa drawing ni Red kaya nginisihan nya ang ate nya.

"Hindi naman po 'yan babagay sa theme," malumanay na reklamo ni Blue.

"Mas hindi babagay sa theme yan, really Blue, butterflies? Ano 'to debut? 1st birthday?" Pangungutya ni Red kaya nagkasukatan ng titig ang kambal.

"Uy wag kayong mag-away, damit lang naman yan, ang cute nga din ng may butterflies nakakabata and also yours too, Riri, mukhang pang mayaman, classy," puri ni Ella sa dalawa para hindi na sila mag-away pa, pero ang akala nya na mahihintong away ay mas uminit pa nang maunang umirap si Red at umupo malayo sa kanilang dalawa.

"Alam nyo, damit lang mag-aaway pa kayo. Madami naman akong damit dyan na pwede kong suotin, wag na kayong mag-away ha, lika na dito bunso," pagaalok ni Ella na umupo ulit si Red sa gitna ng dalawa.

"Magdodrawing pa po ako," tumayo si Red at lumabas ng bahay para pumunta sa isang room na parang bahay na din sa kabilang side.

"Kapatid mo talaga matampuhin, okay pa naman kayo kagabi diba," wika ni Ella at hindi naman nakasagot si Blue kaya nginitian nya nalang si Ella.

...

Napatigil si Red sa pagpipinta nang mapatingin sa pinipinta nya at ngayon lang narealize na imbes dalawang bata ang kasama ng mag-asawa, isa lang ang nailagay nya.

WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon