"Didn't I tell you na wag munang gumawa ng kahit anong galaw," wika ni BB mula sa kabilang linya kaya napairap naman si Inang Rosas na nakikinig sa teleponong naka-speaker.
"Ano nanaman ba ang ginawa ko?" tanong ni Inang Rosas.
"Sinabihan kitang huwag muna gumalaw," sagot ni BB.
"Edi na stroke na ako," biro ni Inang Rosas.
"What I meant was wag ka munang makialam... Leave it to me... Wait for my command," habilin ni BB.
"Sino ka para utusan ako... Hindi mo ako tauhan para utus-utusan mo," sagot ni Inang Rosas habang nakaupo sa sofa at umiinom ng wine.
"Hindi galing sa akin ang utos na 'yan, IR. I know being a proxy to Inang Rosas is boring lalo na kung wala ka namang ginagawa at nakaupo ka lang diyan sa headquarters nyo. Pero yung utos na wag ka munang gumawa ng kahit ano eh galing sa boss mo, the original Inang Rosas kaya tigil tigilan mo ako sa pagmamaktol mo," nasabi ni BB bago biglang naputol ang sinasabi nang patayin ni Inang Rosas ang tawag.
"Kakainis andaming kuda. Hindi kaya boring ang maging proxy, it's fun kaso ang bigat ng mask ni Rosas," wika ni Inang Rosas, or should I say, proxy ni Inang Rosas. Hindi pa lumalabas ang totoong Inang Rosas sa lungga nya at tanging proxy nya lang ang hinahayaan nyang makipagsalamuha bilang sya. Maging ang sumugod kay Red ay hindi rin ang totoong Inang Rosas.
-----------------------------------
Weeks passed.
Kakababa lang ni Red ng hagdan mula sa kwarto nya nang makita nya sa di kalayuan si Venus na may kinakausap sa cellphone, kaya napangiti sya at napagpasyahang lapitan.
...
Venus phone call:
"Nandyan ka para bantayan ang mga kilos nila, hindi para makipaglandian."
"Kasama lang yun sa plano ko," sagot ni Venus.
"Sinasabi ko sayo Venus, wag na wag mong maiisipan na magtraydor.""Hindi ako traydor," depensa ni Venus.
"Pwes dalian mo dyan, mag-report ka na kung anong nalalaman mo. Kilala kita, you are one of the best assets. Imposibleng wala kang nakuha."
"Oo, magrereport agad ako," tugon ni Venus.
"Hindi pwedeng paghintayin ang grasya."
"Yes, Mr. Gillio," sagot ni Venus.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...