"Ok thank you po, next para sa 18 candles natin please welcome, Ms. Red Camorra" anunsyo ng host sa birthday ni Jane pero hindi si Red ang umakyat kundi si Scale.
"Hello, everyone, hello Jane, Happy birthday, ako muna ang ate Red mo kasi pinauwi sya ni nanay, sumama yung pakiramdam nya" paliwanag ni Scale kaya tumango naman si Jane. "May iniwan sya saaking note, sinulat nya to last minute, message nya sayo to pagpasensyahan nyo na kung nasa tissue ha, talagang last minute to" dagdag pa ni Scale habang maingat na binubuksan ang tissue na sinulatan ni Red.
"Ano ba yan, panahon yata ni Rizal yung penmanship ng babaeng to, cursive pa sa cursive" biro naman ni Scale habang sinusubukang basahin ang sulat kamay ni Red, bakas sa mukha ng dalaga na naguguluhan sya sa sulat kamay ng boss nya kaya nagtawanan ang mga bisita.
"Ok eto na ang sulat ni Rizal, I mean, Ms. Red. Delikado to ah baka bukas wala na akong trabaho" biro ulit ni Scale kaya natawa muli ang mga bisita nya, bahagya rin syang natawa at inumpisahang basahin ang sulat ni Red. "Ciao, Chichi. First of all happy 18th, big girl ka na wag ka nang pasaway sa kuya and daddy mo, bwisitin mo lang wag mong galitin" basa ni Scale kaya natawa si Jane.
"Be a good girl kahit na lagi ka namang good girl, pwede ka nang mag boyfiend at wag na wag mong hahayaan na tutulayan yan ng Kuya mo" basa pa ni Scale kaya natawa lalo si Jane at napailing iling naman si Karl. "Sorry if reading this infront of you and wala ako dyan now, kasi sobrang sikip na talaga ng dibdib ko pero I want you to have something I personally made. Hi di ko man mabigay personally pero sana magustuhan mo" pagbasa ni Scale sa sulat ng boss nya.
Napapahif ng luha si Jane saka tumayo at nilapitan ang malaking nakabalot na regalo ni Red. Excited nya itong binuksan at namangha naman ang lahat sa nakita nila lalong lalo na si Jane na napatili at bahagyang napatalon talon.
"Ang gara! Sya ba gumawa nito?" Excited na tanong ni Jane at tumango si Scale. "Ganda!" Tuwang tuwang wika ni Jane.
-----------------------------------
Nakangisi ng nakakaloko si Inang Rosas habang hawak-hawak nya ang gunting at pinapakita sa lalaki kung gaano katalim ito.
"Wag, please," tanging wika ni Gearn na halos ibulong na nya sa hangin. Dahan dahang ibinaba ni Inang Rosas sa pantalon ng lalaki at para syang sinimento sa hinihigaan nya dahil kapag pumalag sya ay masasaktan sya sa nakataling bob wire sa mga paa at kamay nya na nalatali sa mga dulo ng higaan, hindi rin nya maiangat ang ulo dahil may bob wire ding nakatali sa leeg nya papunta sa ilalim ng kama.
Maluha-luha at bumuntong-hininga si Gearn. naghihintay nalang ng sakit na matatamo nya sa ilalim pero natigil ito nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matangkad na tao. Sa kanyang pagpasok sa silid, ang lalaking may sopistikadong tailcoat ay nagpapamalas ng karangalan at grasya. Ang kanyang taliwas na itim na tailcoat ay banayad na sumayaw sa likod habang siya'y lumalakad, ipinapakita ang walang kamatayang disenyo at nagbibigay ng bahagyang drama sa kanyang pagpasok.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...