Sa isang masayang pagtitipon, napagpasyahan ng grupo na mag-inuman pag-uwi sa kanilang tahanan sa CZ. Pumayag si Ella na painumin ang kambal dahil nasa bahay lang naman sila at kilala naman ang mga kasama ng dalawa.
"Riri!" sigaw ni Karl kaya napalingon naman si Red na napadaan lang sa garden.
"Makasigaw ka akala mo naman nasa kabilang bundok ako," pagmamaldita ni Red.
"Inom tayo," alok ni Karl.
"Ayoko, pagod ako. May flight pa ako bukas," pag-aayaw ni Red.
"Sige na, kahit konti lang. Kahit naman nakainom ka lagi ka namang maagang nagigising," katwiran ni Karl.
"Makapagsalita ka. Sige, anong oras ako nagigising?" tinaasan sya ng kilay ni Red.
"Minsan 2:00 AM, madalas 5:00 AM," sagot ni Karl at parang naputulan ng dila si Red kaya si Karl naman ang nagtaas ng kilay nya sa dalaga.
"Ano ka spy?" Pilyang tanong ni Red.
"Nope, just guessing. Tama ako diba, dapat pala fortune teller ako noh," manghang wika ni Karl kaya napabuntong hininga at nailing nalang si Red.
"Tapos yung name, Karl the fortune teller ay hindi common sya, ano ba maganda, sa tingin ko ikaw," hirit naman ni Karl kaya napatigil si Red at agad napalingon kay Karl na nakatingin na sa kanya. Naramdaman nya ang pag init ng pisngi nya indikasyon na namumula ito kaya napaiwas agad sya ng tingin.
"Isang Red Camorra na makatitig halos anino mo matutunaw, tiklop sa titig ng isang Karl Derioso," Proud na proud naman si Karl dahil sa nagawa nya.
"Di pa nga kayo nangangalahati lasing ka na. Tigil tigilan mo yang pantitrip mo saakin at baka literal na mawalan ka ng anino," natatawa at naiinis na wika ni Red habang si Karl ay nakangiti lang.
"Halika na kasi masyado kang kill joy," wika ng binata habang pilit na hinihila si Red.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin? Pagod ako, ayoko, no," inis na saad ni Red.
Napabuntong hininga nalang si Karl. "Introvert things nga naman," wika nya pa.
"I am not. Hindi ako introvert. I've been an extrovert my whole life," pagtutol ni Red.
"Try harder pero hindi ako naniniwala kahit mabilis lang pero kilala kita," sagot ni Karl at nagulat sya ng biglang tumawa si Red.
"Kilala? Pathetic," Tanging wika nito na ikinakunot ng noo ni Karl.
Pinuntahan ni Red ang mga manginginom sa garden habang sinundan lang sya ng tingin ni Karl na pilit pading iniintindi ang sinabi ni Red.
Lumipas ang mga oras ang iba ay lasing na pero si Red ay naka upo lang sa isang gilid nagce-cellphone.
"Oh! Nagbanyo lang ako ikaw nalang mag-isa, tumba sila?" Karl referring to Blue.
"Di pa lasing ang iba, pagod lang yan sa trabaho," paliwanag ni Blue kaya tumango si Karl at napaling naman sya kay Red na kumakain ng pulutan at nagce-cellphone.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...