"Hindi ka pa ba kakain? Tumutunog na yung tiyan mo oh," wika ni Giovanni. Alas nueve na ng gabi at hindi pa rin naghahapunan si Blue dahil hinihintay pa niya ang kapatid na mahimbing ang tulog.
"Hihintayin ko si Red, sabay na kami," wika ni Blue, na patubig-tubig lang muna kaya napabuntong-hininga naman si Gio.
"Blue, mas mabuting kumain ka na ngayon kesa mahulog sa gutom. Tapos pag gising ni Red, masusubuan mo rin siya, di ba? Advantage din yun," wika ni Giovanni, kaya nagtaka si Blue at nagtanong kung anong ibig sabihin niya ng advantage.
"Advantage, yung makakatulong sa inyong dalawa para maging close ulit kayo, pampalambot ng puso ba," sagot ni Giovanni, kaya napabuntong-hininga si Blue.
"Oo na. Kakain na ako," wika ni Blue. Napangiti si Gio nang makita niyang kinuha ni Blue ang lunchbox na pinadala ni Ella at nag-umpisang kumain.
"Ahh, Blue... May nakuha daw sila Scale na madadagdag daw sa ebidensya. May possibility daw na inside job," sabi ni Gio.
"Inside job? Paano naman magiging inside job kasi sa pagkakaalam ko, isa ang R Empire sa napakastriktong kumpanya pagdating sa hiring at sa kung sino ang naglalabas at pumapasok sa kanilang building," komento ni Blue.
"Blue, wag mo sanang mamasamain ha. Naalala mo nung dinalhan ka ni tita, ni nanay Ella ng lunch... Diba dinalhan rin niya si Red," tanong ni Gio. Kaya nagtaka si Blue, sinusubukang makuha ang pinupunto ni Giovanni.
Iniabot ni Giovanni kay Blue ang mga litrato mula sa crime scene at inobserbahan naman ito ni Blue. "Ito yung mga litrato galing sa opisina ni Red. Ito yung lunchbox na ipinadala ni tita kay Red. May mga maliliit na hipon na nakahalo sa kanin," wika ni Giovanni. Kaya nabaling naman ang atensyon ni Blue mula sa litrato papunta kay Gio.
"Are you accusing nanay?" tanong ni Blue.
"No, Blue, this is just a theory. I know tita would never do that, but ang hindi ko lang ma-gets kung paano nahalo yung maliliit na shrimp sa kanin na hindi noticeable sa mabilis na oras," wika ni Gio, habang ipinagpatuloy ni Blue ang pagtingin sa litrato at napaisip.
"Hmm... Mommy," Napalingon si Blue sa kapatid nang magsalita ito habang tulog. "Mommy," dagdag pa nito.
Kinuha ni Blue ang cellphone at pinatugtog ang malumanay na piano na nasa playlist niya saka inilagay sa tabi ni Red.
Napangiti siya nang makitang unti-unti nang humihinahon at nakakatulog ng mahimbing si Red.
Maya-maya, unti-unti nang nagigising si Red nang hindi nila namalayan dahil nagkukwentuhan si Blue at Giovanni. Habang nagkukwento si Blue, nakatingin lang si Gio sa mga mata nito at nakikinig. Tumahimik muna si Red at pinanood ang dalawa, at nare-realize niya na mas naunang nakilala at matagal na nakasama ni Blue si Gio kaysa sa kanya.
"Ate," tawag ni Red kay Blue, kaya napalingon naman ito sa kanya.
"Gising ka na pala. Gusto mo na bang maghapunan?" Mahinahong tanong ni Blue sa kakambal, at tinanguan naman siya nito.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...