42

9 1 0
                                    

Buong byahe, nakasimangot lang si Red habang katabi si Karl habang si Sorpia naman ang nagmamaneho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Buong byahe, nakasimangot lang si Red habang katabi si Karl habang si Sorpia naman ang nagmamaneho. Nakaramdam naman si Karl ng konsensya dahil sa mga pinapakita ni Red buong byahe.

"I'm sorry, gusto ko lang naman makasama ka, and this is the only way na makasama ka. Lagi ka kasing kasama ni Giovanni, so ayun, sorry talaga, hindi ko naman gustong magalit ka. I'll call Scale nalang, sasabihan ko syang samahan ka para sa event now, sisiguraduhin ko muna makakarating kayo ng safe," saad ni Karl, at napalingon naman si Red sa binata na pilit pinipigilan ang luha sa pagpatak.

"No... I mean, di naman ako galit dahil kasama kita, nagulat lang ako, and natatakot na baka iwan mo rin ako sa ere," prangkang sagot ni Red.

"What do you mean baka iwan din kita sa ere?" Tanong ni Karl.

"Wala yun, wag mo nang alalahanin," sagot ni Red sakanya at inayos ang sarili habang si Karl ay naguguluhan pa rin. "Samahan mo nalang ako, nandito ka na eh, sayang naman pabango mo," dagdag pa ni Red.

"Sabagay, sayang yung R Empire na perfume ko, mababango kahit kanino, bagay lalo na yung Killer Roses," nakangiting wika ni Karl.

"OMG, fave," sabay na wika ng dalawa, kaya natawa sila sa pinaggagagawa nila.

Hindi rin nagtagal, nakarating na sila sa Empress University where Red was invited to join their event. Agad siyang sinalubong ng mga student at guro, they give her a warm welcome. Nandun din ang ibang parents at family ng mga studyante. Nagbigay siya ng speech and some words of wisdom for students and teachers.

"Ngayon, palapakan natin ang isang napaka cute na chikiting na maghahandog saatin ng isang kanta, ladies and gentlemen, Mina Lee!" pagpapakilala ng teacher, at pumalakpak naman ang nasa paligid nya. Palinga-lingang umakyat si Mina sa stage, hinahanap ang daddy nya sa paligid.

Napansin ni Red na parang may hinahanap ito, kaya kinawayan nya ang bata. Lumiwanag naman ang mukha ni Mina at ngumiti, saka kumaway pabalik. Unti-unti nag-uumpisa ang kanta, nakatayo sa gitna ng stage ang nakangiti si Mina, at stage dad naman si Jung, dahil walang tigil ang pagkuha ng picture at video sa anak nya.

(Playing: Sana by Jolina Magdangal
Sung by Mina Lee | IMOGEN Ver.)

...

Mina:
Sana ang buhay
Ay walang dulo o hangganan
Sana'y wala nang
Taong mahirap o mayaman

...

Napatingin si Paolina sa paligid niya, isang mansyon na walang katao-tao, siya lang mag-isa dahil hindi pa umuuwi si Diamante pagkatapos ng alitan nila.

Napatingin siya sa mga litrato sa pader, lahat ay may mga ngiti sa labi, hanggang sa litrato niya na lang matititigan.

...

WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon