20

23 1 48
                                    

Nakayakap pa rin si Blue sa kanyang kapatid habang umiiyak ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakayakap pa rin si Blue sa kanyang kapatid habang umiiyak ito.

"Matanong nga kita..." kumalas si Red sa pagkayakap at hinawakan si Blue sa magkabilang balikat, iniharap sa kanya. "Umamin ka nga sa akin, gumagamit ka ba?" tanong niya sa kapatid.

"Nakakainis ka," wika ni Blue, nakanguso ang bibig, namumula ang ilong, at namumugto ang mata; tumataas-baba ang balikat dahil sa paghikbi.

"Ako pa yung nakakainis? Ikaw nga yung sumugod dito tapos biglang umiyak. Mukha ka nang si Rudolf na may sore eyes," tukso ni Red sa kapatid, na parang bata kung mainis.

"Naniwala ka naman sa dalawang 'yun, sana kay Sorpia ka nagtanong kasi matino 'yung matatanggap mong tanong, hindi 'yung kina Scale at Desa," dagdag pa ni Red, kaya napatango si Blue at yumakap ulit sa bewang ni Red. "Sa atin dalawa ngayon, ako 'yung nagmumukhang ate," tukso ulit ni Red sa kapatid.

"Namimiss lang kita... Nung bumalik ka, gustong-gusto kong gawin ito kahit alam kong allergic ka sa mga touchy-touchy, pero ang lambot mo kasi yakapin," sinisinok-sinok na sagot ni Blue, na nauwi sa paghagulgol nito habang hawak siya ni Red sa balikat.

"Bumalik ka na naman sa pagiging iyakin era mo, akala ko ba kasama na 'yan sa graduation noon, bakit naiwan?" tukso ni Red habang pinupunasan ang luha ni Blue.

"Inaway mo kasi ako," sagot ni Blue.

"Ako?! Ako 'yung nang-away? Sis, ang sakit ng paa ko oh, kakagaling lang sa sprain, parang binigyan mo nanaman kasi pinatid mo ako, yung siko ko gasgas, tuhod ko laki ng sugat," wika ni Red habang tinuturo ang mga sugat na may benda na. "Wala ka, mababaliw ako sa 'yo eh," dagdag niya pa.

Ilang segundo silang nagkatitigan nang dahan-dahan kumunot ang noo ni Blue.

"Wag na wag kang–" naputol ang sasabihin ni Red nang biglang humagulgol ulit si Blue. "Ayun na nga, umiyak na... Nagpaiyak nanaman ako ng bata," dagdag pa niya habang pinupunasan ang luha ni Blue.

"Tahan na, wag ka nang umiyak, Blue. Pinagtitinginan tayo, ako nanaman lalabas na masama nyan," wika ni Red habang humihingi ng isa pang tissue sa staff niya at ginamit ito para punasan ulit ang luha ni Blue. "Oh, singa," biro ni Red na nilagay ang tissue sa ilong ni Blue at pinapasinga ito na parang bata.

Matalim na tinitigan ni Blue ang kapatid, kaya natawa naman si Red at kinuha ang gamit na mga tissue at itinapon sa malapit na basurahan. Napalingon naman si Blue sa paligid at tumahimik, ngunit sinisinok-sinok pa rin. Nang makabalik si Red, yumakap ulit siya sa may bewang ng dalaga.

"Napaka-clingy mo naman ngayon... Ikaw ba, sinuko mo na ang Bataan kay Zac at pinaglilihian mo ako ngayon?" Paninigurado ni Red, kaya umiling naman si Blue.

"Gusto ko lang bumalik tayo sa dati," wika ni Blue.

"Ay wag sis, wag na wag... Ayoko, kung gusto mo, ikaw nalang, o bumalik ka sa hindi pa tayo naiipapanganak kasi di na ako magpapapakita na parang hello, dalawa ang anak nyo... Solohin mo na si Nanay, ayoko din naman sa Tatay," pagtutol ni Red.

WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon