40

6 1 0
                                    

Nagpalinga-linga si Blue sa paligid nya habang naghihintay ang kapatid nya ng sagot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpalinga-linga si Blue sa paligid nya habang naghihintay ang kapatid nya ng sagot.

"N- No. No, wala akong pinakialaman, wala. Iniligpit ko lang ang kalat na ginawa ni Hailey, sya ang nakialam sa gamit mo," pagpapaliwanag ni Blue kaya napakunot naman kaagad ang noo ni Red.

"What? Paano?" Takang tanong ni Red kaya natahimik naman si Blue dahil maski sya ay hindi nya alam ang tunay na nangyari.

"Hindi ko nga rin alam kung paano sya namapasok, ang sabi nya lang sa akin nung maabutan ko sya dito sa loob, kinakalkal ang gamit mo," paliwanag ni Blue. "Pati ang box sa ilalim ng kama mo pinakialaman nya," dagdag pa ni Blue at doon mas nagalit pa si Red.

"Minsan talaga ang sarap tadtarin ng babaeng yun," gigil na saad ni Red. "Ako na bahala dito, salamat sa pag-aayos Blue," dagdag pa ni Red at tinanguan lang sya ni Blue.

"Sa susunod limang libo na lock na ang gamitin mo kasi may mga pakealamera dito," pabirong habilin ni Blue bago umalis, natawa naman si Red at napailing dahil sa sinabi ng kapatid nya. Umupo si Red sa gilid ng kama nya at napatingin sa paligid ng kwarto doon nahagip ng maya nya ang isang music box.

...

Nagising ang mag-asawa nang may madinig silang maliit na katok sa pintuan ng silid nila.

"Mama, papa?" tawag ng isang batang babae kaya tumayo agad lalaki para buksan ang pintuan ng silid nila at tumambad sakanya ang dalawang batang babae; si Red ay umiiyak habang yakap-yakap ang kanyang manyika at si Blue naman ay nakahawak sa kamay ng kapatid nya.

"Scared po sya sa thunder," wika ng batang Blue na mahigpit sa pagkahawak sa kapatid nya para hindi ito matakot.

"Aww, halika dito," alok ng nanay nila kaya patakbo silang lumapit sa kama at sinusubukang umakyat dito. Napangiti nalang ang tatay nila habang isinasara ang pintuan at lumapit sa mag-ina nya.

"Scared ang baby namin?" tanong ng nanay nila matapos silang buhatin paakyat ng kama kaya tumango-tango naman ang batang Red na namamasa ang mata at pisngi. Biglang kumulog kaya agad namang yumakap sa nanay nila ang dalawang bata at napahiyaw.

"Don't be scared na nandito na si Mama and Papa okay?" Pagpapagaan ng loob ng nanay nila sa kanilang loob kaya lumabas naman ang ate nya mula sa pagtatago habang si Red ay nakatago lang sa bisig ng nanay nila.

"No! Ayaw ko ng thunder," pagmamatigas ni Red kaya kiniliti naman sya ng tatay nya.

"Come out na my Tala, papa is here," Binuhat nya si Red na ngayon nakangiti dahil sa pangingiliti nya, pinunasan ng lalaki ang luha ni Red at hinalikan sa noo, humiga naman ang bata sa balikat nya.

WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon